Chapter 19
Rain
Tinawanan ko lang sila at umayos ng tayo at lumapit sa dalawang naga away na sila Melanie at Ash at pinaghiwalay na sila. Si Ash ang hinatak ko at dinala sa boys na nakuha naman nila ang ginawa ko.
Ang girls ay sumunod sa akin at dinaluhan si Melanie na ang sama pa rin ng tingin kay Ash na tinatawanan ng boys. "Tama na yan baka magkasakitan na." Natatawa kong sabi
"Ganun naman talaga, e. Kapag nagagalit laging may nasasaktan--ARAY!" binatukan ko na si Heidie sa biglang pag-hugot niya
Tinapik ko sa likod si Melanie, "Tama na yan, Mel. Kumalma ka na."
Humarap si Heidie kay Ash, "Ba't ba nawala ka bigla?"
"E, sabi niyo kasi maghanap ng pagkain." sabi niya at kinamot ang ulo
"Ay, jusko." sambit ni Heidie at yumuko at hinilot ang sentido niya
Kami naman ni Desteen ay napa face palm tapos si Tricia at ang mga lalaki ay napa iling at natawa na lang. Si Melanie ay kinailangan pa naming hawakan sa magkabilang braso para mapigilan sa pag sugod kay Ash na agad nagtago sa likod ng iba pang mga lalaki.
"Kalma. Kalma." paulit ulit na sinasabi ni Heidie kay Melanie
"Di mo naman kailangang umalis para kumuha ng prutas, e. Madami tayong madadaanan papunta sa nakita naming bahay." mahinahong sabi ni Desteen
"E, sorry." nahihiyang sabi ni Ash na napayuko
I sighed, "Sige na. Hayaan na natin. Basta sa susunod walang aalis nang walang paalam. Delikado na."
Agad inangat ni Ash ang tingin niya sa akin at nanlalaki ang kanyang mga mata, "Nagsabi ako."
"Huh? Kanino?" takang tanong ni Pierre
"Kay Tricia." sagot naman ni Ash at itinuro si Tricia na ngayon ay naka ngising pilyo
"Nagpaalam siya sa'yo?" sabi ni Jonas at tumango naman si Tricia
"Bakit di ka nagsabi sa amin?" sabi ng mukhang na-frustrate na si Heidie
"Di naman kayo nagtatanong, e." simpleng sagot ni Tricia na kina-inis ni Melanie dahil siya naman ang hinarap nito
Kahit ako ay medyo nainis. Kung ano anong paghahalughog at pagaalala ang ginawa ni Melanie dahil kay Ash at hindi niya man lang sinabi kung nasaan ito?
"Nagtanong ako! Diba? Sabi ko, 'Nasaan si Ash'?! Diba?!" naiiritang sabi ni Melanie
No. Hindi 'naiirita' ang tamang salita. Nagagalit. Dahil tuluyan nang sinugod ni Melanie si Tricia.
Agad akong tumakbo papunta kay Tricia at nilayo agad ito kay Melanie na pinipigilan nila Jonas at Heidie. Tinulungan ako ni Desteen sa paglayo kay Tricia na ngayon ay parang baliw na tumatawa. Pumagitna naman sa dalawa sila Ash at Pierre.
Nang magkalayo na ang dalawa ay dumalo si Ash kila Melanie at si Pierre ay lumapit sa amin. Imbis na kay Tricia ay sa akin siya dumiretso kaya natanggal ang tingin ko kay Ash na mukhang may sinasabi kay Melanie ngunit di ko nakita ang reaksyon nito.
Hinarap ko si Pierre at tinaasan siya ng kilay pero tinaasan niya rin ako ng kilay at humarap kay Tricia na naka-ngisi tapos ay may binulong.
Hindi ko alam kung ano yung binulong niya pero laking pasalamat ko doon dahil umayos na si Tricia. Ipinagkibit balikat ko iyon at dahan dahang lumakad papunta sa gitna at maingat na sinisilip si Melanie na hinaharangan at pinapakalma nila Jonas, Heidie, at Ash.
Nang nakita ko na medyo kumakalma na si Melanie ay tuluyan na akong lumapit. "Kamusta?"
"Medyo kalmado na siya, Ate. Inatake lang ng anxiety niya." nagulat ako sa sinabing iyon ni Ash
YOU ARE READING
Lie Or Die
Mystery / ThrillerMay alam akong laro na masaya; Truth or Dare. At may alam din akong laro na hindi masaya; Lie or Die. Wanna play?