Chapter 13

7 0 0
                                    

Chapter 13

PMS

"BIBITAWAN MO KO O MAPUPUTOL LAHI MO?" Mariin kong sambit kay Pierre na nasa likod ko at hawak ang dalawang kamay ko na pinulupot niya

Tumahimik ang mga lalaki sa pagtawa at unti unting lumayo sa amin.

Nung tinanong ko kasi sila kung sinong sasama sa akin sa paghahanap ng makakain ay tumutol nanaman sila. As usual.

"Sino pa?" Tanong ko

"Hindi ka nga aalis dito, Jinella. Wag ka makulit." Sabi ni Pierre na hinihilamos sa mukha niya ang mga kamay

"Sorry to say but I am stubborn." I smirked at him

"Nako kung walang may balak magsalita, bahala kayo basta ako maghahanap ng makakain." sabi ko at bumaba mula sa bato na kinaupuan ko

Nagpagpag muna ako bago nagsimula maglakad pero bago pa ko humakbang nang pangatlong beses ay may humawak sa braso ko at hinatak ako pabalik.

"Ano ba?!" Sabi ko at humarap sa humatak sa akin na si Jonas

"Delikado nga! At saka, hindi pa maayos ang lagay mo. Dito ka lang!" sabi niya

Sinamaan ko siya ng tingin pero unti unti rin akong tumango.

Dahan dahan niya ding niluwagan ang kapit niya sa akin kaya agad kong tinanggal ang braso ko sa kamay niya at lumayo sa kanya.

"Walang makakapigil sa akin. You guys know that I'm not used to just sitting around and not doing anything, right?" sabi ko pagkaharap ko sa kanila

Natahimik sila sa sinabi ko. I pouted, "Whatever. Maghahanap na ako ng prutas diyan sa mga puno."

Nagsimula na akong maglakad paalis nang hatakin na nga ako ni Pierre at ginawa akong kriminal na hinuhuli niya.

"Isa! Bibitawan mo ako o hindi?!" pagbabanta ko pero di niya pa rin ako binitawan o pinansin man lang

Tinanggal niya yung kanang kamay niya sa pagkakahawak sa akin kaya akala ko ay madali akong makakawala pero mahigpit pa rin ang kapit niya sa akin at nung sinubukan kong kurutin kamay niya ay may kung anong pinindot siya sa may pala pulsuhan ko.

Sumakit yung pala pulsuhan ko na pinindot niya at nung tinry ko galawin ay wala akong maramdaman.

Nagsimula ako mag panic, "Hoy! Ano ginawa mo sa kamay ko!?" paghi histerya ko

"Wag ka magulo diyan." sabi niya at inabot kay Adam yung kamay niya na bumitaw kanina

"Pahiram ng panyo. Yung medyo mahaba."

Agad naman kumilos si Adam at may nahanap kaagad na panyo sa backpack namin.

Ano ba iyang backpack na yan ang daming laman na hindi ko alam kung saan nanggagaling! Backpack ba ni Dora yan?!

Binigay ni Adam yung panyo kay Pierre at agad naman kinuha ni Pierre yun at tinali yung kamay ko. Hirap siya dahil yung isang kamay niya ay may hawak sa magugulo kong mga kamay at yung isa naman ay may hawak sa panyo.

Yumuko siya konti sa mga kamay ko at nahagilap ko na ginagamit niya ang ngipin niya sa pagtatali ng kamay ko.

I took it as an advantage and kicked him in the groin.

Agad naman siyang lumayo. Yumuko siya at namimilipit sa sakit.

I smirked and removed the untied handkerchief  of my wrists and threw it to Adam who reluctantly caught it.

Lie Or DieWhere stories live. Discover now