Chapter 6

18 1 0
                                    

Chapter 6

Cabin 7

"Okay everyone settle down. Eleven cabins ang ni-rent natin. Isang group sa isang cabin, may dalawang kwarto sa isang cabin, for the girls and for the boys." pagdi-diretso ni Sir Chavez pagka dating namin sa lobby ng resort.

Maganda ang resort at hangang hanga ako sa pagpili ng school. Ngayon lang ako nakasama sa mga ganitong camp kaya di ako sanay.

"Each and every one of you are leaders so I expect all of you to be responsible on your room assignments. One representative from each group, come with me."

"Ate Chelle, ikaw na lang repre natin." sabi ni Desteen at sumangayon naman ang iba naming kagrupo kaya tumayo na ako at lumapit kay Sir Chavez na pinapalibutan ng bawat representative.

Binigay niya na isa isa ang mga cabin keys namin  at napunta sa akin ang Cabin 7. Nagbigay pa siya ng ilang instructions,

"So it's 12 o'clock in the afternoon, iwan niyo na muna ang mga bag ninyo sa inyong mga cabin at magpahinga konti at mag freshen up. I want all groups in the function hall before 2 o'clock for our late lunch. Is that clear?" sabi niya at binigay sa amin ang mapa ng resort bago kami pinaalis.

"Anong sabi, Chelle?" tanong ni Ash na hyper in a weird way dahil may kakaiba sa boses niya.

Tinignan ko sila, "Sa Cabin 7 tayo. Bago mag alas dos ay dapat nasa function hall na tayo. Ito yung mapa, wala munang mag-gagala baka may mawala nanaman."

Si Sanch at Adam ang may hawak ng mapa at mukhang nagkakasundo na sila na hindi dahil kung saan saan nila kami dinadala.

"Hay nako! Akin na nga yan." sabi ni Heidie

"Lagpas na tayo!" inis na sabi ni Heidie.

Tumingin siya sa likod na ginawa rin namin at tinuro niya ang kaliwa kung saan may daan na kahit pinapalibutan ng mga puno ay kita pa rin ang iilang istraktura.

At may signage din na nagtuturo sa mga cabin.

"Sino tanga?" matawa tawang sabi ni Desteen

"Hay nako, ewan ko sa inyo. Halika na nga at masakit ang paa ko kanina pa tayo palakad-lakad." sabi ni Jonas na hindi ko halos napansin dahil sa katahimikan niya.

Habang papunta sa Cabin namin ay may tao na sa ibang cabin. Talagang kami na lang ang wala sa cabin namin.

"Guys, may tao yata sa loob. Sigurado ba kayo na atin to?" kabadong tanong ni Adam

"Bakla amputa, walang tao! Ano ka ba? Kita mo na ang dilim dilim e, paano magkakatao?" pairap na sabi ni Desteen

"Tara--" napatigil si Pierre sa pagsasalita nang may narinig kaming kumalabog.

"Err, saang--saang cabin galing yun?" nine-nerbiyos na tanong ni Trix.

Umiling kami bilang sagot at nagtulakan na ang mga lalaki sa pagbukas ng pinto at nagkakamot pa ng ulo  si Ash na buksan ang pinto.

Mga loko talaga tong mga to at yung bakla pa ang pinauna nila. Makapang asar lang e. Nailing na  lang ako sa desisyon nila.

Kumatok katok si Ash sa pinto, "Tao po?" agad siyang nilapitan ni Sanch para batukan.

"Tanga! Malamang walang sasagot diyan, walang tao e." inis na sabi ni Sanch

Umirap si Ash at humarap ulit sa pinto, "Multo po!"

Halos mapamura na kami sa sinigaw ni Ash, "Tangina mo? Anong multo pinagsasasabi mo?!" hindi pagpipigil ni Sanch

"Sabi mo walang tao, e ano yung kumalabog?" ani Ash

"Baka daga o ano." singit ni Pierre

Humarap ulit sa pinto si Ash at akmang sisigaw ulit pero inunahan na siya ni Heidie, "Tigil! Alam ko na isisigaw mo. Ako na diyan, eto susi oh."

Napabuntong hininga na lang kami sa sinabi ni Heidie.

Kinuha ko ang maleta na dala ni Heidie at ako na ang nagdala papasok ng cabin.

"Err, nasaan yung switch ng ilaw?" tanong ko

Nasagot ang tanong ko sa unang hakbang namin sa loob ng cabin dahil biglang nagbukas ang ilaw.

"Wow! Automatic." gulat na sabi ni Adam na ikinatawa namin.

Agad naming nakita ang ang isang mahabang sofa sa may bintana sa gilid at may dalawang couple seats at may coffee table din sa gitna. Sa kaliwa naman ay may mahabang dining table kung saan pwedeng umupo ang sampu at  malapit doon ay ang pinto na tingin ko ay papasok sa kusina kung saan dumiretso si Ash.

May parang hall kung saan may tatlong pinto. Isa sa kaliwa, isa sa kanan, at isa sa mismong gitna na nakaharap sa front door ng cabin. Binuksan ko ang pintuan sa kaliwa at nakita ang anim na kama na may tigiisang vanity mirror, cabinet, table, at may pinto din sa dulo kung saan sa tingin ko ay ang banyo. Pumasok ako doon at nilapag ang backpack sa kama na malapit sa bintana at ang maleta ni Heidie sa katabi ng kama ko.

Tinignan ko ang buong kwarto at pumunta sa pinto at tama nga ako at banyo iyon. Hindi gaano kalaki ang banyo at may puti at asul na tiles pero sakto na ito sa amin, yata.

Lumabas ako ng banyo at nakita si Jonas na papasok sana sa loob dala ang backpack niya, agad nanlaki ang mata niya.

"Uhh, sa kabila na lang kaming boys. Sorry." natataranta niyang sabi at di na hinintay ang sagot ko at lumabas na. Natawa ako sa reakson niya at lumabas na ng kwarto.

"Girls! Dun tayo sa kwarto sa kaliwa and boys sa kanan." sabi ko pagkakita na nasa sala lang silang lahat. Well, bukod kay Ash, Trix, at Tricia na malamang ay nasa kusina.

"Chelle, ano meron sa pinto na yan?" tanong ni Heidie

"Salamat nga pala sa pagdala ng bag ko. Takte nagulat ako nawala yung bag ko e si Desteen ang nagsabi sa akin na nasa iyo pala." pahabol niya

Ngumiti ako, "Wala yun. Ewan ko din e. Di ko pa napupuntahan, yung atin pa lang." sagot ko at tumango siya.

"Ay, anong oras na?" tanong ko nang maalala ang dapat naming gawin.

"1:30" sagot ni Adam at tumango ako.

"Yow guys, in thirty minutes babalik na tayo sa lobby ha!" sigaw ni Heidie na ikinatawa ko.

Pupunta na sana ako sa kusina nang makabangga ko si Jonas na kalalabas lang ng kanilang kwarto. Humalakhak ako nang nakita na hanggang ngayon ay namumula pa rin siya.

"Bakit?"

"Ba't ka namumula?" halakhak ko at dumiretso na lang ako sa kusina.

May nakita akong mga appliances at sa gitna ay ang center isle kung  saan nakatambay ang  tatlo at kumakain ng cookies na hindi ko alam kung saan nanggaling.

"Narinig niyo ba ang mga sinabi ko kanina?" matawa tawa ko pa ring sabi

"Oo te, at ikaw? Bakit tawa ka nang tawa?" sabi ni Tricia at binato ako ng crumbs

"Wala!" natatawa ko pa ring sabi

Lie Or DieWhere stories live. Discover now