Chapter 14
Nahulog
"Bumalik na tayo sa may ilog. Boys na lang ang paghanapin natin ng prutas at kahoy." sabi ni Heidie
Hindi na ako sumagot pa dahil kanina pa nila ako hinahatak.
Simula nung sinabi nila na may tagos ako ay hindi na maipaliwanag ang ekspresyon ko at mamatay matay nanaman sa tawa si Heidie.
Kung hindi siguro siya binatukan ni Tricia ay wala na sa katinuan itong buang na to.
Inayos ko ang shirt ko at hinatak ito pababa para matabunan yung stain.
"Okay na yan, Ate." sabi ni Tricia
Hindi na nila sa akin ibinalik ang mga dahon at yung saging dahil sabi ko na mas mahahalata lang ng mga lalaki ito at malamang ay pagtawanan lang ako.
Habang naglalakad kami pabalik ay patuloy lang ako sa paghahatak ng damit ko pababa at tuwing ginagawa ko iyon ay naririnig ko ang mahinang pagtawa ni Heidie at pagsita sa kanya ni Tricia.
"Kaya pala lakas mo maka mood swings kanina, e." sabi ni Heidie
"Malas mo naman, Ate. Sa dinami dami ng lugar at panahon para magkaron ka ngayon pa na nasa gubat tayo at may hinahanap at tinatakasan." sabi naman ni Tricia
Lalo lang ako napasimangot sa mga sinabi nila.
Nag buntong hininga ako nang mabalik kami sa mga kagrupo namin. May nakahanda nang mga kahoy sa gitna at nakagawa na rin sila ng pwede naming tulugan. Si Adam at Sanch ay nakita kong nanghuhuli ng isda sa ilog gamit ang improvised sibat nila na gawa sa kahoy.
"Oh, bumalik kayo?" pagbati sa amin ni Ash
"Ayaw mo kami kasama, ganon? Sige alis na lang ulit kami." sabi ni Heidie na makapagtaray akala mo siya yung meron.
Hinatak naman siya pabalik ni Melanie na kasama ni Ash.
"Joke lang, ito naman." pairap na sabi ni Ash na agad namang tumawa
"Bakit nga pala kayo bumalik agad?" sabi ni Melanie
"Eh..." hindi masabi ni Tricia ang dahilan kaya napakamot na lang siya ng batok
"Dun ka muna, Ash. Please.." sabi ko
Aangal pa sana siya pero si Melanie na ang nagpaalis sa kanya. Umismid siya bago tuluyang umalis.
"Meron si Ate Chelle. Dito muna siya." sabi ni Tricia
"Ito yung nakuha namin kanina. Maghahanap pa sana kami nang nakita namin yung tagos ni Chelle." sabi naman ni Heidie
Nakayuko lang ako habang naguusap sila. Makapag usap sila tungkol sa tagos ko wagas.
Heller! Nandito ako!
"Sige na, sige na! Magpasama kayo kay Sanch o sa kung sinong lalaki diyan." pagtataboy ko sa kanila na nakakuha naman ng pansin ng iba naming mga kagrupo
"Hoy, Jinella!" napalingon kami sa sumigaw
Nakita ko si Pierre na mabilis na naglalakad papunta sa amin at iniwan ang iniihaw niyang mga isda.
"Tigilan mo ko, Pierre kung ayaw mo'ng matuluyan!" pagbabanta ko
"Di mo na ako madadaan sa ganyan!" sabi niya at walang patubiling lumapit sa akin at kinarga ako.
Bridal style.
Nagtititili ako at pinagsasasapak ang dibdib niya.
"Tang ina mo! Bitawan mo ko, hinayupak ka!"
YOU ARE READING
Lie Or Die
Mystery / ThrillerMay alam akong laro na masaya; Truth or Dare. At may alam din akong laro na hindi masaya; Lie or Die. Wanna play?