Chapter 3
KENSIE'S POV
Wala na bang ikasasaya ng last year namin sa high school? Araw-araw na lang may bangayan sa pagitan namin ng tatlong mayayabang na yun. Hindi na sila nagtino, alam naman nilang hindi nila kami kaya. Lagi naman silang naiiwang nganga kapag nagkukrus ang landas namin.
Kaya tuloy sa bawat pag-uwi namin ng bahay, parang sobrang pagod ang nararamdaman namin kasi nga nakakapagod na mag-aral, nakakapagod pa makipagbangayan sa mga yun.
Nandito kami sa bahay ngayon, kauuwi lang namin pagkatapos makipag-okrayan dun sa singit na Theo na yun. Hindi naman kasi kausap pero bigla na lang sasabat. Sumulpot na lang mula sa kung saan. The nerve na lumapit sa amin.
"Wala man lang bang tutulong sa inyo diyan?"sigaw ni Page na nasa kusina at nagluluto.
"Alam mo namang hindi ako dito kumakain ng dinner. Tsaka ilang minuto na lang at aalis na ako. Thursday ngayon kaya pupunta ako ng Kendo Dojo." sagot ni Bullet habang nakahiga sa may sofa.
"Medyo masakit ang paa ko kasi sumayaw ako kanina. Ikaw na lang muna Page, ako na lang bukas. For two lang naman ang kailangan mong lutuin." sagot ko.
"Hindi naman paa ang gamit sa pagluluto Kensie. Ang sabihin mo tinatamad ka na naman." sagot ni Page.
Nagkatinginan na lang kami ni Bullet at nagpigil ng tawa. Totoo naman kasing ako yung laging sinusumpong ng katamaran sa aming tatlo. At si Page naman ang laging masipag sa amin.
"Kumusta nga pala screening niyo sa Student Organ Page?" tanong ko. Hindi pa kasi niya nakukwento kung ano naging resulta ng pagsali niya doon kasi bwisit kami kay Theo.
"Ayun, sinamaan lang ako ng tingin ni Sean. Wala naman kasi siyang magagawa kung hindi ang tanggapin ako since impressed yung moderator ng Organ. Hindi porket siya ang editor-in-chief eh kaya na niyang kontrolin ang lahat." sagot ni Page.
"Pero nakakainis lang kasi kung anu-anong pangongontra ang pinagsasabi ng mayabang na yun. Lahat na yata ng pangungutya nasabi niya. Kesyo wala daw impact yung ginawa ko, kesyo masyado raw seryoso, boring basahin, sobrang easy words ang ginamit ko, etcetera, etcetera. Patawa rin yun, alangan naman kasing pasabugan ko ng complicated words yun eh di parang naging thesaurus naman yun." dagdag niya. Dinig na dinig pa ang pagdadabog niya sa kusina habang naghihiwa ng kung ano.
"Pero tinanggap ka naman kaya hayaan mo na yun." sagot ko. Baka kung maging mashed pa yung kung ano man ang hinihiwa niya at baka mag-iba na ang lasa.
"Humanda siya. Kapag ako nagkaroon ng pagkakataon, ipapatikim ko rin sa kanya yung pakiramdam ng mainsulto sa harap ng Organ Staff. Lintik lang ang walang ganti." highblood na ata neto.
"Bullet may dinala kang sphygmomanometer diyan? Lagpas hanggang bubong at tagos hanggang galaxy ang blood pressure ni Page ngayon. Tumawag na kaya tayo ng ambulansya just in case atakihin siya sa puso?" sabi ko kay Bullet.
"SHADAP! Narinig kita Kensie! Baliw ka talaga." sagot naman ni Page.
"Kaya nga kayo magkaibigan kasi pareho kayong baliw." sagot naman ni Bullet sabay tumayo.
"Eh di baliw ka rin kasi kaibigan ka namin." sagot ko.
"Tss. Sige na, magbibihis na ako. Baka malate pa ako." -Bullet
"Bakit kasi hindi mo na lang gamitin yung car mo? Mabubulok yun sa garage kung hindi mo ginamit." tanong ko.
"Gusto ko maglakad eh. Warm-up na rin yun para pagdating ko sa Dojo, hindi ko na kailangang magwarm-up." sagot naman ni Bullet. Baliw rin tong isang to. May kotse nga di naman ginagamit.
BINABASA MO ANG
Doomsday High : Girls vs Boys (Teen Disputes)
JugendliteraturAll hell broke lose nang magkrus ang landas ng tatlong Femme Fatale at ng tatlong alpha boys sa iisang school. Ang inaakala nilang "taas kamay with confidence" sa kanilang mala-first day eh naging DOOMSDAY high pala. Ang Suplado at Vain na si Theo V...