Chapter 15

4 0 0
                                    

SEAN'S POV

Finally tapos na ang play. We got a lot of applause and positive feedbacks from the teachers and visitors who came to watch the play. I've never been this exhilarated before. We've been attending this school for years pero ngayon lang ako na-excite sa isang bagay na school-related.

In the past kasi laging kami ang nasusunod. We were always superior dahil siguro sa academic status and family background naming tatlo nina Theo at Milo. Pero ever since nagtransfer sina Page, there was this threat in me before na baka hindi na ako ang top student. I was insecure. Pero hindi ko na nararamdaman ang insecurities ko dahil din sa kanilang tatlo. I became open-minded for ideas and opinions of others.

Gaya na lang ng play na ito. Siguro kung yung plan and script ko lang ang sinunod namin baka hindi ganito ka-creative ang outcome. I thought yung idea ko lang ang importante, but I was so damn mistaken. Ngayon lang ako naging proud ng ganito sa output na pinagtulungan ng lahat.


"You worked hard and you did great!" Sabi ng boses sa likod ko sabay tapik. I turned to face her, and I knew at once that it was Page.

"You too. Without your contributions this play wouldn't be as successful as it is now." Sagot ko at ngumiti naman siya.


"I can't even put into words to express how happy I am. Just looking at our classmates' smiles is enough to make me feel content." Sabay tingin sa mga classmates namin.

Tumingin din ako sa kanila at yung iba hindi pa nagpapalit ng costume tumatalon na sa saya dahil tapos na ang play. Yung iba naman nagtatalon na at halos yakapin na lahat ng makasalubong.

Si Kensie naman kinakausap yung mga make up artists ng company nila habang sina Milo at Bullet naman nagseselfie. Si Theo naman kausap yung adviser namin at yung principal namin na mama niya.


"Magligpit na tayo guys para we can enjoy this foundation day na." Utos ko sa mga classmates ko. At walang reklamo silang sumunod kahit na nagtatalon pa rin at maingay ang karamihan.

Matapos namin magligpit ng mga props and costumes, lumabas na kami ng auditorium para makapaglibot na rin sa mga booths na di pa namin napuntahan although pasara na yung iba kasi hapon na. Nagmiryenda na lang kami sa stall malapit sa auditorium.

Pero habang kumakain, hindi ko maiwasang mapansin ang cold atmosphere between Theo and Bullet. Parang mas tumindi ang inis nila sa isa't isa dahil maski kami eh apektado na at awkward.


"May nangyari ba sa inyong dalawa at kung mag-irapan kayo daig niyo pa yung magkapitbahay na nag-agawan ng asawa." Prangkahang tanong ni Kensie. Kahit kailan talaga napakataklesa niya, walang preno kung dumada.


Napatingin kaming lahat sa kanya at sinenyasang wrong timing ng pagkakatanong niya kasi obvious namang mainit pa yung kung ano mang issue ang namamagitan sa kanila.

"Ano? Ako lang ba nakakapansin? So bakit nga? Ano sinilipan ka ni Theo habang nagbibihis? O minanyak ka niya?" Facepalm Kensie. Can't you read the atmosphere?

"Uhmm bago yan, since wala naman tayong pasok sa Monday, why don't we go on a trip? We could spend 2 days and 1 night sa family resthouse namin sa Tagaytay. We could travel tomorrow morning if you want." Suggest ni Page. Palihim siyang tumingin sa akin at kumindat, sign na sakyan ko yung suggestion niya to change the subject.

"I-I think that's a great idea. After all, we could use a breather after all the energy we spent for this performance." Sagot ko. Although I'm skeptic kung great idea nga ba ito or not.

Doomsday High : Girls vs Boys (Teen Disputes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon