THEO'S POV
It's a mystery as to why I joined this trip. Obvious naman na I'm not wanted here and my presence is only but a hindrance. Sila Milo and Sean lang ang nakakasundo ko, though I'm trying to talk with the girls. Yes, I'm trying and I don't even know why I'm bothering to do so. Just because they get along with my bestfriends doesn't mean I have to get along with them as well. Pero ewan ko ba, siguro sa kailaliman ng konsensya ko, na apparently meron ako, gusto ko ring makipagkaibigan sa kanila, despite that we started off at the wrong foot.
It was already 3 am nang magdecide silang matulog na. Kumanta kasi nang kumanta si Kensie at request naman ng request yung iba kaya the "fun" dragged on till dawn. Hindi naman ako makareklamo since mas marami sila and they were having fun. Pag naman nauna akong matulog, it would kill the mood and they'll think I'm a big killjoy. Tama naman, what's the point na sumama ako kung di naman ako makikisabay sa gusto nilang gawin. Hindi rin naman ako makakatulog kasi maririnig ko yung kantahan at tawanan nila.
Pero hindi nga talaga ako nakatulog. I don't know why, pagod ako from driving for half a day, I had to carry a box of groceries and had to bicker with Bullet. Dapat mabilis sana akong makakatulog pero hindi. Dilat na dilat ako buong magdamag dahil siguro sa hindi ko kama ang hinihigaan ko. I'm the type of person kasi na hindi makakatulog unless nasa bahay ako, sa sarili kong bedroom at sarili kong unan.
Kaya at 5 am, bumangon na lang ako at nagpalit ng damit for tracksuits: jogging sweatshorts at sleeveless na hoodie. May threadmills kasi sina Page dito and other gym machines pero hindi siya sa isang room. Kumbaga part siya ng living room area tapos may bookshelf divider lang.
Hindi man halata pero I workout, hindi ako athletic gaya ni Milo and I don't like playing sports. I just want healthy living and a fit body.
Bilang warm up, nagstretching ako saglit tapos walking pace muna sa threadmill. Sinaksak ko na rin yung earphones ko para naman may music. Hindi kasi ako makakilos kung walang music. Kahit magdidrive lang o pag gumagawa ako ng homeworks, lagi dapat may music. It motivates me in a way na parang mas ginaganahan ako kumilos pag may naririnig na music.
Nang tinaas ko pa yung speed ng threadmill para jogging pace na, napansin kong may kasama pala ako. Hindi ko sana mapapansin pero may nakita kasi akong puti na gumalaw sa peripheral view ko. Nilingon ko kung ano yung puti na iyon pero yun palang tiyan ni Bullet iyon. She's also wearing workout clothes, sports bra and leggings. (Ugh girls, do you consider them as clothes or underwear?)
Sa gulat ko, nilingon ko siya ng dalawang beses. To be honest ang cool niya tingnan sa suot niya. Para siyang model ng active wear: black sports bra, dark grey na running shorts na may black waistband at lining, tapos black running shoes and black high-cut socks. Nakaponytail yung buhok pero nakababa yung bangs.
Damn those obliques!!!!
Halatang she's really fit, walang bahid ng fats ang tiyan niya at namumutok ang obliques niya sa tiyan. Ang puti pa.
Pero dahil kunwari wala akong pakialam sa kanya, hindi ko na ulit siya nilingon.
She also used the threadmill next to mine. We both ran for a while. Pero dahil naconscious ako na may kasamang tumatakbo, sinubukan ko siyang kausapin.
"Do you do this everyday?" Lakas loob na tanong ko.
"..."
Hindi siya sumagot. Okay, that was awkward. Nilunok ko na nga ang pride ko to talk to her without starting a fight, pero hindi pa rin ako pinansin. Bahala siya.
"3 times a week lang. Pag walang session sa dojo." She answered.
Nagulat ako nang sumagot siya. In a calm way at that. I think ito na yung pinakaproper na pag-uusap namin. Better think of a follow up question to keep the conversation flowing. Pero ano?
BINABASA MO ANG
Doomsday High : Girls vs Boys (Teen Disputes)
Teen FictionAll hell broke lose nang magkrus ang landas ng tatlong Femme Fatale at ng tatlong alpha boys sa iisang school. Ang inaakala nilang "taas kamay with confidence" sa kanilang mala-first day eh naging DOOMSDAY high pala. Ang Suplado at Vain na si Theo V...