Chapter 3 - Ms. A's Plan

8.9K 151 0
                                    

Ms. A I have bad news and good news for you...”

“Bad News?”  I dont expect any bad news. I hate bad news. 

“Bad News po kasi nalaman na ng media na nasa Pilipinas na kayo.”

“Paano nila nalaman ? Eh diba wala pa namang nakakakilala sakin. And tanging ang Guard, Maids,Driver at ikaw lang naman ang nakakaalam na ako si Ms. A ?”

“Alam po naming kung sinong nagpakalat na nandito kayo, Si Catherine po. It turns out na may kakilalang press yung pinagtsismisan  nya at kumalat na nga po.”

“Wala talagang pinagbago yan. After this talk papuntahin mo sya dito sa office. Naging mabait pa ako na pinastay ko sya dito sa mansion ko pero she ruined a part of my plan. How about the Good News?”

“Im sure matutuwa po kayo dito ms. A”  At binibitin pa ako…

“ So ? Anu nga yun? Sabhn mo na at baka hindi ako matuwa madamay ka sa galit ko.”

“Ms. A naman, I just want you to know na luging-lugi na po yung St. Loisse Academy naghahanap na po ng bagong owner ang school nyo ms.A mas mapapadali ang lahat ng plano nyo kapag kayo na ang mayari ng school.”

“Tama. Mas mapapadali ang Alumni Homecoming party natin at ang pagpapahirap ko kay Lorna.”

“I told you ms. A matutuwa kayo.”

“Hindi mo talaga ako binibigo Lorraine. Contact Lorna and tell her that Ms. A wll buy her school and that I will meet her tomorrow.”

“Anything else Ms. A?”

“Non.  That’s all.”

lumabas na din si Lorraine sa opisina ko.

*knock.Knock*

“Ms. A pinapatawag mo daw po ako.”

“Come in!” Tss here comes Catherine my aunt but also my poor maid.

“Bakit po Ms.A?”

“You really don’t know why I called you? “

“Ms. A?” Ay ndi naintindihan? Sorry naman .

“Tatagalugin ko pa para sayo? Ang sabi ko, ndi mo talaga alam kung bakit kita pinatawag?”

“Wala po akong ideya Ms. A” aba at nagmamaang-maangan pa ah.

“Well I just want you to know that you’re fired ! Wala ka nang gnawa kundi sirain ang araw ko at sirain ang plano ko! Sa simula palang sinabihan na kayo na dapat walang makaalam na si Ms. A ang pinagsisilbihan nyo dito. Hindi ka ba talaga nagiisip! “

“Ms. A wala po akong alam sa sinasabi nyo. Wag nyo naman po sana akong husgahan. Anu pong plano ang sinira ko? Wala po akong alam dyan. At bakit po ba ms. A napansin ko kaunting pagkakamali ko galit na galit na kayo sa akin.”

“ Kundi dahil sa mayabang at Makati mong dila hindi kakalat na nasa pilipinas ako ngayon. FYI lang Ms. Catherine ang maliit na pagkakamali mo kung hindi ko pinansin mas lalala pa yan! At ngayong ginulantang mo ang buong mundo na nasa pilipinas ako magugulo ang tahimik kong buhay dito sa mansion! At wag ka nang magpapaliwanag pa kasi tanggal ka na!”

“Ms. A wag naman po. Kailangan ko po ang trabahong ito. May sakit po ang nanay ko at walang trabaho ang asawa ko. Ako lang po ang inaasahan samin.”

As if I care diba. Lahat sila nuong nangangailangan ako hindi nila ako pinakinggan.

“Wala akong pakialam! Sana inisip mo yan bago mo nilabag ang batas ko dito! Umalis kana sa harapan ko!”

Wala na syang nasabi pa at lumabas na ng opisina ko ng luhaan. Kayo nagudyok sakin na gawin sa inyo to. Kundi nyo sana ako tnalikuran lahat noon.

Flashback**

“Parang awa nyo na po ate Catherine, Lola Rissa. Patirahin nyo po muna ako rito sa inyo. Kahit po pagsilbihan ko pa kayo. Wala lang po akong matirhan.”

Eto ako nakaluhod ngayon sa mga kamag-anak ko. Pinalayas na ako ng Tatay ko sa amin dahil mas pinaniniwalaan nila ang ibang tao  kesa sa akin na kadugo nila.

“Nako Clare! Punong-puno na kami dito sa bahay! Eto pa nga lang mga tita mo sakit na sa ulo dadag-dag ka pa! Magiging palamunin pa kita.” –Lola Rissa

Mga kamag-anak ko ba talaga sila? Naisip ko paano sila magiging puno sa bahay eh 3 lang silang nakatra roon.  Wala na talagang gustong tumanggap sakin.

Si Mama hindi ko alam kung nasan sila. Wala na akong mapupuntahan. Nilalagnat nanaman ako. Ano ba naman ito. Parang pakiramdam ko unti-unti ng bumabagsak ang katawan ko.

Naglalakad lang ako upang maghanap ng matutuluyan, Si mama ndi ko alam kung nasaan, si Erica ndi ko naman malapitan kasi naghihirap narin sila, si Coreen din. Yung mga kamaganak ko na akala ko ay matutulungan ako ni ndi ako matignan ng matagal. Kundi dahil sa mga kwentong ginawa nila Melanie ndi naman ako magkakaganito at kung hndi naman ikinalat pa yun ni Ms. Lorna at dinagdagan ng mas malalang kasinungalingan ndi naman  na malalaman ni papa ang tsismis na kahit alam kong sana nagsabi ako kay papa eh ayaw ko nang dumagdag pa sa problema nya. Ndi ko naman akalain na magiging dahilan pala yun para itakwil nya ako.

Inuubo na ako. Tinakpan ko ang bibig ko. Pero may naramdaman akong liquid sa kamay ko.

Pagkasilip ko may Dugo. Bakit may dugo. Bigla akong nakaramdam ng hilo. Natumba ako sa may gilid ng karsada. At nawalan ng malay.

*End of Flashback*

Alam nila na may sakit na ako pero hindi nila ako tinulungan. Kung pinatulog nila ako sa kanila kahit isang araw hindi sana mangyayari ang bangungot na yun sa akin. Mga wala silang awa..

I pressed the button kung saan malalaman ni Lorraine na pnatatawag ko sya.

Maya maya lang ay dumating na si Lorraine.

“Ms. A” bati sakin ni Lorraine.

“Nakaayos na ba ang party kung saan makikita na ako ng lahat ? “

 Binabalak ko ng magpakilala sa buong mundo. Malalaman na nila kung sino ang babaeng kilalang-kilala na mayari ng sikat na Mizell Corporation,

“Yes ma’am. Nakaayos na po ang lahat. They are all excited to meet you Ms. A”

“Good, Si mom, Nakaayos na ba ang private plane na sasakyan nya? Dapat makarating sya dito before the party. I want her to be proud of me. Gusto kong Makita nya akong tinitingala ng lahat. Ang batang napulot nya sa karsada binihisan, pinakain at binigyan ng magandang buhay kahit hindi nya kadugo.”

“Yes Ms. A, nakaayos na po ang lahat sa pagpunta nya dito.”

“Eh ang Alumni Homecoming Party?”

“Maayos na po ang lahat, Ipapakalat na po ito sa internet at sa mga dyaryo. hinihintay nalang po natin ang pakikipagusap nyo kay Ms. Lorna at ang pagbili nyo sa School .”

“Good. How about the Family Reunion ?”

“naipamigay napo ang lahat ng invitation,pati po sa mommy mo. And alam ko na pupunta sya, We spread rumors that Clare wll be at the party.”

“Good.So everything is settled.”

“Yes Ms. A”

“Good. “

The Revenge of Ms. ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon