Hey STARS ! Comment lang po kayo if gusto nyo ng dedications ah ! Kasi wala na po akong mapag dedicate-an ng chapters, sayang naman. Hmm. ComVo lang kayo ah. Sana po dumami pa ang reads. Nakakatuwa kasi. :) mga 2-3 chappies nalang po tatapusin ko na ang TROMA. Eh dahil parang onti lang ang readers baka wala ng bumasa kung lalagyan ko pa ng sequel. hmm. Pero pagiisipan ko pa. Para kasing gusto ko ng sequel. Hehehehe. Sigee . yun lang po . Mwahugs shining shimmering stars.
-----------------------------------------------------------
Gerard's POV
"Eh kuya kung engaged kayo ni ate clare, ibig sabihin ikakasal kayo? Eh diba sabi nila magkapatid kayo?" Biglang tanong ni Renz out-of-nowhere. Binatukan naman sya ni Adam. Na dahilan ng pagtawa ko."Ano ka ba naman Renz, Eh hindi naman sila tunay na magkapatid diba. Hindi naman natin pinsan si Kuya Gerard, Magiging pinsan palang. Yiee." Sabay tusok pa niya sa bewang ko. Napakabait ng mga pinsan ni Aimira. Kanina lang ay galit sila sakin pero naintindihan naman nila ang lahat ng magpaliwanag ako sa kanila.They are very understanding.
"What your kuya adam said was true renz, Aimira's adoption papers are fake and we are not really blood related kaya ok lang na magpakasal kami."
"Ahh. Eh kuya napansin ko lang dirty blonde ang buhok mo. Katulad ka lang din ba ni ate Clare na nagpakulay ? Porma kasi. " I cant help but laugh again. Kahit buhok ko napagdiskitahan nito ng si Renz.
"No, my hair is naturally colored blonde. My father is an American kasi and obviously my mother is a Filipina nagmana ako sa dad ko. Hindi kagaya ni Aimira na nagpakulay for a change like what she said to me 5 years ago. Para din daw mukha talaga kaming magkapatid. Speaking of Aimira. Nasan na iyon?" Bigla akong kinabahan. At kita rin sa mukha nila Renz at Adam ang kaba. Nawili ata kami sa pagkekwentuhan.
"Kanina nandun lang sya habang kumukuha ng picture natin eh." Kumakamot sa ulong sambit ni Renz habang nakaturo sa inupuan namin kanina.
"Shit. where is she?!" Frustrated kong tanong. Please wag naman sanang mangyari ang ikinakatakot ko. Lapitin talaga ng trouble si Aimira. Bakit hinayaan ko syang mawala sa paningin ko. Im so careless and stupid.
"Bakit ba sobra kang kabahan dyan kuya ? Baka tinataguan lang tayo ni Ate kasi nabored na sya." Nagtatakang tanong naman ni Adam. Obviously wala silang alam ni Renz sa threat kay Aimira.
"May pagbabanta sa buhay ni Aimira Adam. She doesnt want anyone to know because she herself dont believe na may mangyayari sa kanya. We need to find her. She knows not to joke around in times like this." Mukha namang naintindihan nila ako dahil mas nagpapanic pa sila sa akin. Lahat ng tao sa park tinanong nila at wala pang limang minuto humahangos na lumapit sa akin si Renz at Adam.
"Eh may nakakita daw sa kanya na nagpipcture sa atin katulad nga nang nakita ni Renz. Tapos bigla nalang daw itong nagpalingonlingon na parang may hinahanap tapos sumigaw daw si Ate na bibili lang syang softdrinks tapos tumakbo sa tindahan ni Lola Flor. Eh bumili lang pala ng softdrinks si Ate. Tara baka napakwento lang si Lola don." Nakahinga naman ako bigla ng maluwag. Bakit hindi ko narnig ang pagsgaw ni Aimira. This is all my fault.
BINABASA MO ANG
The Revenge of Ms. A
Ficción General*****EDITING****** Clare Aimira Martinez is just a simple girl living her simple life not until one day she is found in the streets just wearing torn clothes and violated... After 10 years she is back and thirsty for revenge to the people who she be...