Chapter 5 - Ms. A's unxpected guest

9.1K 134 0
                                    

Chapter 5

Everything is settled, today is my first party. Nag-aayos ako ngayon sa kwarto ko. Ambilis no party agad, eh wala naman kasi akong balak magtagal dito sa pilipinas next week babalik na ako sa america. After this revenge hahayaan ko na sila.

*Knock.Knock*

“Come in!” Si Lorraine lang naman yan.

“You’re so beautiful Ms. A!” –Lorraine

“Don’t state the obvious Lorraine.”

“Haha. Sabi ko nga dapat hndi ko na sinabi. Well Ms. A after 30 mins. Lalabas na po kayo.Sobrang excited ang lahat. Kayo lang po ang topic ng lahat sa baba. About you,your business and your success. Nagkakagulo nadin po ang mga press.”

“Anu pa nga ba diba. Eh event ko to. I’ll just watch everyone dito sa may window ko. Just tell me kung kailangan ko ng bumaba.”

“Ok Ms. A lalabas na po ako, maykailangan lang po ako ayusin.”

“Thank you Lorraine. For always being there for me, And your so beautiful in your dress”

“Wala po yun Ms. A, utang ko sayo ang lahat ng meron ako ngayon pati ang buhay ko. Sinumpa ko na simula noong tinulungan mo akong makatakas sa amo ko ay iaalay ko ang lahat sayo. And sabi mo nga Ms. A don’t state the obvious.”

“Osige na ! balik sa trabaho.” With matching flying kiss ang pagtaboy ko sa kanya ah.

Si Lorraine nung pagdating ko sa America noon kasama sila mommy and Gerard ay nakasalubong ko sya. Nakayuko lang sya at alam nyo yung parang adik na sya, sobrang payat at panay pasa ang katawan. Tapos nalaman ko pang magkapitbahay kami, katulong sya nung kapitbahay naming tapos inaalila sya at pinagmamalupitan. Naging magkaibigan kami kasi parang parehas kami ng ugali noon para kaming mga walking dead,. At isang gabi narinig ko nalang na sumisigaw sya. Yun pala ay pinagtatangkaan na syang irape nung asawa nung amo nya. Kaya ang ginawa ko pumunta ako sa bahay nila tapos ayun nakita ko sya duguan ang katawan at halos wala ng buhay kasi pinagpapalo ng kung ano nung amo nya, I see myself to her. tapos ayun pinalo ko nang bote yung ulo nung lalake tapos dinala ko sa ospital si Lorraine at pinahuli naman nila mommy sa pulis yung mag-asawa na amo ni Lorraine at simula non sa amin na tumira si Lorraine. 

At sya ang naging personal maid ko simula noon, basta mahaba pa yung storya ni Lorraine hayaan nyo nalang syang magkwento sa inyo.

Eto ako ngayon nakatingin sa bintana. Nakikita ko sa baba si Mommy na nakikihalubilo sa mga friends nya na mga sikat na businessman and woman din , si Gerard na pinagkakaguluhan ng mga babaeng anak ng mga business associates namin. Tss. Malandi sya.

Ang hindi ko inaasahan ay nung makita ko ang bagong dating na bisita, Isang taong hindi ko inaasahan makita ngayon. Ang babaeng sumira ng buhay ko.

Si Melanie Cruz na kasama ng mga kaibigan nyang si Irish Bartolome at Reina Smitch don’t tell me si Melanie ang may-ari ng Cruz Inc. Na mayari ng pinakamalaking crew ships sa pilipinas?

Hindi ko ito inaasahan, kailangan ko pa itong iconfirm kay Lorraine.  Malaking risk sa kumpanya ko ito kaya dapat unahan ko siya.

“Ms. A ready na po kayo ? Ipapakilala na po kayo.” Biglang singit ni Lorraine sa may pinto ng kwarto ko.

“Before that Lorraine, Bakit nandito si Melanie Cruz, Irish Bartolome and Reina Smitch?”

“Si Ms. Cruz po ay anak ng may-ari ng Cruz Inc. at yung dalawa po na kasama nya ay mga kaibigan nya po. Sila po ang ipinadala ni Mr. Cruz para umattend ng party dahil nasa isang Business trip po ito.”

The Revenge of Ms. ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon