Chapter 4

7 1 0
                                    

"Jill, tara na! Male-late na tayo!"

Tinawag na ako ni Renee para makaalis na papuntang school. Inayos ko na ang natitirang kapirasong buhok na hindi natali at kinuha ko na ang bag ko.

"Renee! Hintayin mo ko!"

"Ayoko nga. Ang bagal-bagal mo eh!"

Nang makahabol na ako kay Renee, sabay na kaming naglakad palabas ng dorm.

Dumating kami sa school building nang maraning tao sa may harap. May tinitignan sila malapit sa may entrance na gusto ko ring malaman kung ano.

"Jill, halika na. Wala naman yang kwenta. Results lang yan ng Tourney" sabi ni Renee, sabay hila sa akin papasok ng building.

"Pero gusto ko malaman."

Pumunta ako doon sa pinagkakaguluhan ng mga tao at may nakita akong board na may nakadikit na listahan. 'Top 50 of August 2003', basa ko. Hinanap ko agad ang pangalan ni Renee at nakita ko siya sa may unahan. Top 9! Top 9 si Renee! Pagkatapos, hinanap ko yung pangalan ni Michael. Michael.. Michael... pero wala, wala siya sa listahan. Sayang naman, wala siya. B-baka dahil sa akin...

Lumayo na ako ng konti nang maalala kong tignan kung sino ang Top 1.

Vanairge Phillip.

Kung tama ang naaalala ko siya yung nakakatakot na lalaki na nakita ko sa Tourney. Siya pala ang Top 1...

Tinignan ko naman kung sino ang sumunod sa kanya. Royce Sihena.. hindi ko siya kilala. Tapos ang sumunod sa kanya ay si.. Keith Yeal. Nangilabot na naman ako. Naalala ko uli kung paano niya ako tignan noon.

"Halika na, Jill." Lumapit sa akin si Renee at hinila na uli ako papasok ng school.

"R-renee.. ah! Renee! Ikaw ang Top 9! Congrats, Renee! Ang galing-galing mo talaga!"

"Ahh.. kasama pa pala ako dun."

Never ko pang nakitang masaya si Renee tuwing nasasama siya sa Top 50. Naaalala ko pa noong una siyang natuto gumamit ng rayon, at officially sumali sa Tourney, hindi siya nakasali aa listahan. Pero katagalan, nakasali rin naman siya, hanggang ngayon.

Sa Tourney, parang video game lang din kung saan makakakuha ka ng experience kapag pumatay ka ng monsters. Mas mahirap patayin na monster, mas mataas na experience ang makukuba mo. At kapag nakaipon ko na ng sapat, pwese ka na mag-level up. Kada panalo mo sa isang laban aa Tourney, makakuha ka ng point depende sa star level ng natalo mo.

Si Renee ay isang 3-star at ako naman ay no star. Hindi pa naman kasi ako nasali sa Tourney imposibleng magkaroon ako ng star. Sino naman kaya ang tatanggap sa akin pagka-graduate ko dito? Si Renee ay 3-star kaya maraming kukuha sa kanya kaagad, pero ako... nakakalungkot. Makakagamit pa kaya ako ng rayon? At makakapagipon pa ba ako ng enough points para maka-1-star man lang?

Napabuntonh-hininga na lang ako. Napansin ata ni Renee yun kaya sabi niya, "Umagang-umaga..."

Ngumiti na lang ako uli dahil tama naman si Renee. Unagang-umaga ganito na ako.

Pumasok na kami ng classroom at magsisimula na ang klase.

- - - - -

"Haaaayyy... tapos na rin." sabi no Renee.

Kakatapos lang ng klase sa araw na to. Inayos ko na yung mga gamit sa table ko at inilagay sa bag.

"Renee, may training ba kayo uli ngayon?" tanong ko.

"Hmm.. meron ba kaming.. ah, wala. Pero may party ata. Sorry, Jill, mahihintay mo ba ako ngayon? Sasaglit lang ako, promise."

"Ayos lang kung mag-tagal ka. May pupuntahan naman ako ngayon." sabi ko.

EUPHONIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon