Chapter 8

5 1 0
                                    


Ang Lumiere?

Ako ang Lumiere..? Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko nang sabihin ni Royce na ako raw ang Luniere dahil wala akong kahit anong idea kung ano yun. Mabuti ba yun? Masama? Hindi ko alam.

Dumating si Vanairge na may dala-dalang tatlong tasa ng kape. Since meron na si Royce.. para sa akin, kay Keith, at sa sarili niya siguro ang mga yun. Pero nahihiya akong kumuha dahil hindi naman talaga ako sigurado na para sa akin nga.

Napansin ata ni Royce na nagaalangan akong kumuha.

"Go ahead. Para sa'yo talaga yan. Diba, Van?" sabi niya.

Walang sinabi si Vanairge at kumuha lang siya ng para sa kanya. Kumuha na rin ako ng sa akin at uminom ng konti.

"Ikaw din, Keith, kumuha ka." dugtong ni Royce.

"Huh? Alam niyo namang ayaw ko ng kape, diba?"

"Sino gusto mo uminom niyan? Si Johnny?" Nang marining ni Johnny ang pangalan niya, lumapit siya kay Royce at dinilaan ang kamay niya.

Cute. Ah... gusto ko rin ng aso. Sana pumayag si Renee pag sinabi ko sa kanya. Wait.. pwede ba ang aso sa dorm?

"Ayoko ngang inumin yan." sabi uli ni Keith, with arms crossed.

"Sige na, Keith. Sayang ang kape at pagod ni Van."

"Ergh.. sinasadya mo talaga to Van eh.." At kumuha na rin ng kape.

Tumingin ako kay Van na parang walang pakialam habang iniinom ang sarili niyang kape. Pagkatapos, tinignan ko uli si Keith na mukhang ininom nang isang lagok yung kape. Teka.. isang lagok?! Pero mainit pa yung kape!

As expected, napaso si Keith at umubo nang umubo. Tumayo ako sa inuupuan ko at kinuha ang panyo sa may bulsa ko.

"Ok ka lang?" sabi ko, sabay abot ng panyo.

Tinignan lang ako nang masama ni Keith at sinabi, "No, thank you. Hindi ko kailangan ng tulong mo."

Na-taken aback ako sa sinabi niya at bumalik na lang sa inuupuan ko kanina. Galit nga talaga siya sa akin... At hindi magandang feeling yun.

"Anyway," sabi ni Royce "sasabihin ko lang sana sa'yo na ikaw ang Lumiere at kami naman ang nakaatas na protektahan ka. Hmm.. wala kaming pangalan pala.. how about yung 'Ombre de la eclaire'? Nevermind, ang pangit pakinggan."

Ombre de la eclaire? (Shadow of the enlightened). Natawa na lang ako sa sarili ko sa naming sense ni Royce at sa need na magkapangalan sila. Anyway, ang subject at hand ay ang... Lumiere. At kung bakit na kailangan pa nila ako, isang stranger, na protektahan.

"Um... if you don't mind.. hindi ko kasi alam kung ano yung Lumiere.." sabi ko, hiyang-hiya sa aking ignorance.

"Ah, oo nga pala. Hindi common knowledge ang Lumiere kaya natural lang na hindi mo alam. Pero nakakapagtaka na walang nagsabi sayo, kahit ang principal.."

"Hindi ko pa actually nami-meet ang principal. Ang tanging nagpalaki sa akin ay yung gardener na si Ms. Norn, pero wala siya ngayon dahil nagkasakit siya."

Si Ms. Norn nga lang ang nag-alaga sa akin simula baby pa lang ako. Siya ang may ari ng greenhouse at nang malaman ko na may cancer siya, sobrang lungkot ko, hanggang ngayon.. feeling ko mawawala ang nanay ko.

"Ganun ba? Then I'll explain kung ano ang Lumiere at bakit ka namin kailangan protektahan." sabi niya. Pagkatalos at inubos na niya ang kanyang kape.

I gulped at hinintay na magsalita uli si Royce. Nilapag niya yung mug sa coffee table at inayos ang sarili sa upuan.

"Ang Lumiere ang sinasabing source ng ability ng mga Eclaire na makagamit ng rayon."

EUPHONIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon