Chapter 6

7 1 0
                                    

"If you don't mind, Jill.. kukuha ako ng konting dugo ha.." sabi niya, sabay tutok nung kutsilyo sa pisngi ko.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko at nanghingi ng tulong sa loob-loob ko.

RENEEEEEE!!!!

"AHHHHH!!!"

Dugo. Hindi sa akin. Kanino...?

May espadang tumusok sa kamay ni Verona at napasigaw siya sa sakit. Pagkatapos nun, nawala na yung yellow powder at yung kutsilyo na kanina niyang ginawa. Nabitawan rin niya ang buhok ka at napaupo na lang ako sa lapag. Coughcoughcough. Huminga ako nang malalim nang ilang beses at pagkatapos nun tuloy-tuloy na ang paghinga ko.

Sino ang sumaksak sa kamay ni Verona?

Tinignan ko nang maiigi ang espada na nakatusok pa rin hanggang ngayon sa kamay ni Verona. Familiar siya sa akin. Pulang espada na may rosas at thorns... Wait.. Bakit siya nandito?

May narinig akong footsteps sa likod ko. Tumalikod ako at may nakitang matangkad na lalaki na kung dati ay kinatatakutan ko.. pero ngayon.. ang comforting ng presence niya.

Si Vanairge Phillip.

Pumunta siya sa harap ko at tumingin nang saglit sa akin. Bakit naisip ko kahit minsan na nakakatakot itong taong to? At napatitig lang ako sa likod niya.

Binunot ni Verona yung espada mula sa kamay niya at tinaoon sa lapag. Napasigaw uli siya nang gawin niya yun. Hinawakan niya agad ang natusok na kamay niya gamit ang isa para tigilan ang tumutulong dugo. Bumilis ang paghinga niya at nakayuko na siya nang konti.

"Va.. Vanairge... Phillip.." bulong niya. Nakakatakot na itsura ang iniharap niya kay Vanairge Phillip. Kukuwestyonin mo talaga na isang tao lang ang Verona na nakangiti kanina sa Verona ngayon.

"Bakit ka nandito... bakit ngayon pa?!" sigaw ni Verona.

Biglang nagsabog ng mga petals ang mga bulaklak sa greenhouse at inatake si Vanairge. Nag-manifest ng bagong espada si Vanairge at hiniwa ang mga petals na umaatake sa kanya. Hindi ko masundan bawat isang hiwa niya dahil nagmumukha na lang silang lines sa sobrang bilis.

"Tsk. Bakit..." sabi uli ni Verona.

"Bakit ka nandito?! Sa dinami-dami ng araw na pwede kang mapadpad dito, bakit ngayon pa?!"

"Huwag kang masyadong magalit, baby. Ang ganda mo pa naman." Biglang nagpakita si Keith Yeal sa likod ni Verona at nang mapansin ni Verona yun, umiwas agad siya. Teleportation..?

"Hmm.. pero kung gusto mong malaman... wala akong hindi nakikita, ba~by." sabi ni Keith Yeal.

Biglang tumawa nang malakas so Verona.

"Ahahahaha!!! I get it, I get it!! Hindi lang pala kami ang may samahan!" sabi ni Verona.

Samahan..? Anong samahan ang sinasabi ni Verona?

Hindi nagsasalita sa Vanairge Phillip or si Keith Yael.

Biglang umatake uli si Verona gamit ang mga flower petals na iniwasan lang ni Keith Yael gamit ang kanyang teleportation. Si Vanairge Phillip naman patuloy na hinihiwa ang mga petals gamit ang espada niya.

Tumatawa lang si Verona habang mangyayari to. Pagtingin ko sa kanya, napansin ko na may pulang ring sa kanyang mga mata.

"Oh? Na-corrupt ka kaagad, huh? Nakaka-disappoint ka naman!" sabi ni Keith Yael. Nag-teleport siya sa likod ni Veeona at hinawakan niya sa dalawang kamay nito. Sinubukan pumiglas ni Verona pero masyadong mahigpit ang hawak ni Keith Yael.

"Van!!!" sigaw niya kay Vanairge Phillip.

Pinwesto na ni Vanairge Phillip ang espada niya para saksakin si Verona.

Si Verona.. sasaksakin niya? Hindi ako naniniwala na gagawin ni Verona ito ng kusa lang. Someone forced her! Oo, mabait si Verona. Hindi magagawa ni Verona ito. Sasaktan nila ang inosenteng si Verona!

I mustered up all my remaining strength para lang makatayo. Buti nawawala na ang bisa nung lason.

Sasaksakin na ni Vanairge si Verona-!

"'WAG!!!" sabi ko, sabay tulak kay Vanairge Phillip nang buong lakas.

Hindi in-expect ni Vanairge Phillip na itutulak ko siya kaya na-off balance siya at natumba.

Pagkatapos, biglang may nabasag na salamin mula sa itaas ng greenhouse at may lalaking naka-hoodie ang nahulog mula roon.

Ginamit ni Verona ang distraction na ito para makawala kay Keith Yael. Inatake niya gamit ang isang petal ang kamay ni Keith Yael kaya nabitawan niya si Verona.

Pumunta siya doon sa lalaking naka-hoodie at bago umalis, sinabi niya sa akin,

"Ang naive mo talaga, Jill."

Wala akong maisagot sa kanya kaya tinignan ko lang siya. Nakita ko na wala na rin ang pulang ring sa kanyang mga mata.

Ah...Verona...

Binuhat ng lalaking naka-hoodie si Verona at tumalon na palabas ng greenhouse.

"Tsk... nakatakas pa siya.."

Sabi ni Keith Yael bago ako mawalan ng malay.

- - - - -

"Nawalan na siya ng malay." sabi ni Keith.

Inusog ni Van si Jill at tumayo. Napansin niya na may kutsilyo na nakatusok sa paa niya. Nawala na ng kusa yung kutsilyo at nagiwan na lang ng sugat.

"Kaya pala siya lumakas bigla. Nagawa pala niyang makakuha ng dugo mula sa kanya." sabi ni Keith.

Pinuntahan ni Van si Jill at binalutan ng tela ang sugat niya.

Tinignan lang ni Keith habang binabalot ni Van ng tela ang sugat ni Jill. Nang matapos at nakatayo na si Van, sinabi niya,

"Hindi niya namalayan na may sumaksak na sa paa niya?"

"Nang papunta rito, narinig kong sinabi nung babae na nag-release siya ng lason na nakakapagpa-paralyze." sagot ni Van.

"Hmmm.. ang daming alam gawin nung babaeng yun. Bulaklak kamo?"

Kumuha siya ng isang petal na nahulog sa lapag. Pagkatapos, binitawan niya ito at tumingin sa paligid. Nasira na ang mga bulaklak sa mga halaman. Natawa siya. Greenhouse na nga lang talaga to.

Pumunta siya sa lugar kung saan may mga basag na glass mula sa taas ng greenhouse. Physique siguro. Medyo nagiging delikado to by the minute. As expected of Eclaires. Sabi ni Keith sa sarili niya.

Lumingon si Keith kay Van. Nakatitig lang si Van kay Jill. Ibang klase talaga ang devotion ni Van sa babaeng yun. Sabi uli ni Keith sa sarili niya.

Simula pa lang na malaman niya na isa siyang Eclaire at ipinasok sa St. Catherine Academy, nakita na niya kung paano sayangin ni Van ang oras niya sa babaeng yun. At hindi pa rin niya maintindihan kung bakit. May itsura nga siya, mahinhin, babaeng-babae. Pero walang alam gawin kundi maghintay ng tulong.

Nairita siya. Nairita siya lalo nang maalala niya na kailangan rin noyang protektaham ang babaeng yun.

"Keith, bakit mo pinatagal?" tanong ni Van. Ang sama nang tingin sa kanya ni Van.

As expected. Nahalata ni Van. Nahalata niya na pinatagal talaga niyang sabihin na mag-isa yung babae kasama nung flower girl.

"Hmph." sinabi na lang ni Keith at lumabas na.

Tinignan ni Van lumabas si Keith at bago sumunod, binuhat niya muna si Jill. Ang gaan niya, sabi ni Van sa sarili niya.

* * * * *
Vaneirge; Van-yer

EUPHONIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon