Chapter 10

3 1 0
                                    

"Ako na nga magpapakilala sa sarili ko. Ako si Agatha Bernard, FIRST YEAR MIDDLE SCHOOLER, at isang four-star Convoquer. Ako rin ang amo ni Johnny." sabi ni Agatha at sumubo uli ng cake.

I was at a loss for words. Isang four-star Convoquer na first year middle schooler? Bilib na bilib na ako kay Renee na isang three-star Article, pero si Agatha...

"Ang galing mo, Agatha!" sabi ko "Four-star ka na sa age mo!"

Walang sinabi si Agatha pero makikita mo sa mukha niya na masaya siya sa puring natatanggap niya.

Ang star ranking ng mga Eclaire ay nakabase sa performance nila sa Tourney, sa kanilang destructive power. Another factor pa ay ang kanilang efficiency sa paggamit ng rayon. Ang mga no star ay katulad ko na in touch sa rayon pero hindi kayang gamitin. Ang 1-star ang mga beginners. Marunong pero hindi pa kayang kontrolin masyado. Ang 2-star ay marunong na kontrolin ang kanilang abilities at, by the time na 3-star na sila, bihasa na sila sa paggamit nito.

Ang mga 4-star naman ay iba.. kaya nilang gamitin ang rayon beyond the limits ng average sa kanilang field. For example, ang average number of materiel na kayang i-manifest ng isang Convoquer ay 3.. pero sa isang 4-star, higit pa roon at naka-depende yun sa tao mismo. Tatlo raw ang mga 4-star sa school pero, so far, si Agatha pa lang ang kilala ko. I'm guessing si Van rin dahil siya ang nag-top sa last na Tourney.

Ang 5-star naman ay ang mga Eclaire na kayang gumamit ng higit sa isang field at dapat bihasa sila sa kahit isa. Pero bihirang-bihira mangyari yun at wala ni-isa sa school na to ay 5-star.

Tinignan ko si Agatha na busying-busy sa pagkain. Nakakabilib isipin na ang bata na halos mabulol-bulol sa pagkain ay isang Eclaire na masasabing kaya gumiba ng isang mataas na building in a matter of seconds. Nakakahiya rin na ako na mas matanda sa kanya ay walang sinabi. At bigla kong naalala na hindi pa pala ako nagpapakilala.

"Ah, ako nga pala si Jillian, but I prefer Jill." pakilala ko.

"I know! Ikaw ang Lumiere, diba?" sabi ni Agatha na ikinagulat ko.

"Alam mo na ako ang Lumiere?"

"Of course! Kailangan alam mo kung sino ang pino-protektahan mo."

Hindi na lang ako nag-salita. Ganoon ba ako ka-powerless na kailangan ko pa ang proteksyon ng isang bata na katulad ni Agatha?

"Hindi nga lang kita masyadong nakikita hindi tulad nila Van, Keith at ng iba.. pero inutusan ko si Johnny na bantayan ka in my stead." sabi niya.

I pat her shoulder at sinabi, "Thank you, Agatha. I feel safe na nandito kayo nila Johnny para sa akin."

Natulala lang si Agatha sa sinabi ko.

"Hindi lang kami ni Johnny, you know! Pati si Keith na laging nagsusungit, si Royce.. hindi ko alam kay Chelsea... pero lalong-lalo na si V-"

"Agatha. Bakit mo kinakain ang share ng iba?" biglang sabi ni Van.

"Wala naman sila rito eh! Hindi naman nila malalaman na kinain ko ang bagay na hindi nila maabutan."

"Kahit na. Dinala ni Jill yan para sa iba."

"Pero..." mukmok ni Agatha.

Natawa lang uli ako sa nakikita ko.

"Para kang tatay, Van." sabi ko.

Namula si Van na isa pang ikinagulat ko. Tumayo naman si Agatha at sinabi,

"Matagal na kami magkasama ni Van! Pareho kaming inampon ni Dr. Gryne bago kami pumasok sa academy. Pero sinasamahan ko lang siya kasi hindi niya alam kung ano ang gagawin niya nang wala ako!"

Napabuntong-hiniga na naman si Van at tumawa na naman ako.

Orphans din pala sila Van at Agatha. Naiintindihan ko ang feeling na mag-isa ka lang sa mundo dahil wala kang pamilya, unlike the others... kaya natutuwa ako na nandiyan lang sila para sa isa't isa.

Napatingin ako sa may orasan at nakita na 4pm na lang. Nakabalik na siguro si Renee ng ganitong oras. How I wish na sana makakapag-stay pa ako rito, pero ayokong pagaalalahin pa si Renee kaya tumayo na ako at sinabi,

"Gusto ko pa sanang mag-stay pero kailangan ko nang umalis."

"Eh! Maaga pa naman! 4pm na? A-advance ang orasan namin ng dalawang oras! " sabi ni Agatha.

"Agatha, kasasabi lang ni Jill na may kailangan siyang gawin.." sabi naman ni Van.

"Pero..." simangot ni Agatha.

"Agatha, bibisita na lang ako aone other time at magdadala uli ako ng sweets." sabi ko at tinapik-tapik ko uli ang uli niya.

Tumingin siyang bigla sa akin nang nakangiti, "Talaga?!"

"Pinky promise." Inabot ko sa kanya ang aking pinky at agad-agad niyang binigay yung sa kanya. Ngumiti siya sa akin at ni-return ko naman ang ngiting yun.

Hinatid na ako ni Van sa may pintuan at nagba-bye kay Agatha at kay Johnny. Dinilaan lang ni Johnny ang kamay ko at sabi naman ni Agatha,

"Bye-bye, Jill! Babalik ka ha! Wag mo kalimutan yung promise natin."

"Of course." sabi ko, at lumabas na nang tuluyan. Sumunod sa akin si Van.

"Thank you sa dala mo." sabi ni Van, "Pero naubos nga lang ni Agatha halos lahat.."

"Ahahaha, it's fine. Magdadala na lang ako ng mas marami."

"You don't-"

"But I want to."

Tumahimik na lang siya at maya-maya.. ngumiti. Ngumiti na lang din ako at umalis na.

Naramdaman ko na nakasunod pa rin sa akin si Van kaya huminto ako at bumalik sa gilid niya. Tinignan niya ako na parang nalilito nang sahlit at humarap na uli. Napangiti ako roon at tahimik na kami naglakad.

"Um, Van..." sabi ko, breaking the silence. At tumingin siya sa akin.

"Pwede ko bang tanungin kung bakit... niyo ako kailangan protektahan pa? I mean.. bakit kailangan kayo pa?"

Hindi siya sumagot. At naalala ko yung time na nagalit si Keith sa akin nang tanungin ko rin yun.

"H-hindi naman sa pagiging unappreciative! I just.. paano ko ba sasabihin.."

As if reading my mind, sabi niya, "Huwag kang mag-alala, hindi ako magagalit."

Tinignan ko lang siya. Nakaharap lang siya at parang nakatingin sa distance. Na parang nasa malayong-malayo, na parang hindi siya naririto ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero nalungkot ako.

"Hindi ko rin alam kung bakit..." sabi niya, "pero kami ang may pinakamaraming... dugo ng Lumiere. Hindi literal na dugo, pero kami ang pinaka-kontektado kumbaga."

"Nasabi ni Royce kahapon na ang Lumiere ang pinaggalingan ng ability ng mga Eclaire na gumamit ng rayon. In a sense, parang kami ang 1st generation na na-convert. Of course hindi talaga kami yun, pero ganoon lang yung feeling namin. At ang nakita ng detector nang nalaman na mga Eclaire kami."

Humarap na lang rin ako. Hindi nila pinili na maging Eclaire, lalong-lalo naman na ibuwis ang buhay nila para sa isang stranger na katulad ko, pero ginagawa pa rin nila yin. Medyo naintindihan ko na kung bakit ayaw sa akin ni Keith. Para sa kanya.. ako ang dahilan kung bakit naka-shackle siyang gawin ang bagay na hindi naman niya gusto. At hindi ko siya masisisi.

Dumating na kami sa harap ng Etoile dorm. Ibinigay na ni Van sa akin ang mga gamit ko at nagpaalam. Pinanood ko siyang umalis at naisip ko sa sarili ko kung gaano ka-gentle ni Van na hindi ko inakala.

Napangiti lang ako at pumasok na sa dorm.

EUPHONIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon