Chapter 15

8 0 0
                                    

Naramdaman kong nag-init ang dugo ko. Literally. Pakiramdam ko ay may apoy sa mga ugat ko, pero imbis na manunog, nagbibigay pa ng lakas. Naguumapaw at purong lakas. Sinara ko ang kanang kamay ko at sa pagbukas ko, naramdaman ko ang init hanggang sa dulo ng aking mga daliri.

Ganito pala ang epekto ng dugo ng Lumiere.

Naintindihan ko na ngayon kung bakit ang daming gustong makakuha ng dugo ng mga Lumiere, kung bakit kailangan isikreto sila mula sa ibang tao. 

Kung bakit kailangan silang protektahan...

Inihiga ko nang dahan-dahan si Jill sa lapag. Pagkatapos niya akong painumin ng dugo niya, saka siya nawalan ng malay. Kailangan kong dalian at nanganganib na ang kanyang kondisyon. Marami na ang nawalang dugo sa kanya.

Tumayo ako at humarap sa kalaban ko ngayon, si class representative, na ngayon ay nakangisi lang sa akin. Nakakuha rin siya ng dugo ni Jill kaya mas malakas na siya kaysa kanina... at mas yumabang. Confident siguro siya na kaya niya akong talunin lalo na at meron ditong source ng lakas. Tamang-tama pa na walang malay at tumutulo ang dugo.

Tsk. Kailangan ko na talagang dalian at tapusin na to.

Pero paano ko siya tatalunin? Hindi ko nga alam kung ano ang kapangyarihan niya..

Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Jill kanina.

Refraction...?

Kung yun nga ang kaya niyang gawin, mae-explain na kung bakit wala siya sa lugar kung saan ko siya nakita. Akala ko lang na nandun siya pero hindi. Ibig sabihin ne'to hindi ko pwedeng pagkatiwalaan kung ano ang nakikita ko.

Nag-teleport ako sa lugar kung nasaan si class rep at, as expected, wala siya roon. Pinakiramdaman ko agad kung nasaan siya at saktong-sakto kong na-block ng aking kamay ang suntok niya mula sa likod.

"Hmm.. nakakaya mo na malaman kung saan ako nanggagaling? Iba talaga ang nagagawa ng dugo ng Lumiere." sabi niya.

Binalik na niya ang kamay niya at saka naman sumipa. Nag-teleport ako papunta sa likod niya para atakihin siya pero wala na siya agad doon. 

Narinig ko siyang tumawa sa may gilid ng silid at napalingon ako.

"Ngayon ay alam mo na rin kung ano ang meron sa dugo ng Lumiere.. bakit hindi ka sumali sa amin? Para magamit natin ang kapangyarihang ito kung kelan natin gusto." sabi niya.

Nainis ako sa sinabi niya at tumawa na lang din.

"Sorry, pero kahit na sumali ako sa inyo..." ngumiti ako, "Akin lang siya!"  Nag-teleport ako para suntukin siya pero naharang niya yun at tumakbo paalis.

"Hindi maganda magdamot, Keith Yaeeeeel!!" 

Naglabas siya ng dalawa pang kutsilyo at ibinato sa akin. Nag-teleport ako bago pa ako masaksak.

Sa likod mo.

Lumingon akong bigla at, sabi nga ng boses sa utak ko, nandun nga siya kaya nag-teleport ako paalis. 

Ano yun? 

Bakit may narinig akong boses... ni Jill? Tumingin ako kung saan ko siya iniwan pero wala pa rin naman siyang malay. Saan nanggaling yung boses sa utak ko?

Binalik ko na ang tingin ko kay class rep at tumawa na naman sa akin. Parang hindi ata nauubusan ng tawa ito.

"Hindi mo ako masusundan, Keith Yael... pero ikaw, nasusundan ko." sabi niya, "Nase-sense ko ang lightwaves at kada disturbance dito, meaning ang teleportation mo."

"Ganoon naman pala..." sabi ko. Nag-teleport ako kung saan nandun yung dalawang kutsilyo at pinulot yun,

Ibinato ko sa kanya yung dalawang yun at sinabi,"Dapat sinabi mo agad! Pinadali mo lang ang buhay ko!"

EUPHONIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon