Chapter 19

13 0 0
                                    

"Jill?"

Napalingon ako. Si Van pala.. na medyo nakakagulat na nandito siya.

Nandito ako uli sa greenhouse para ayusin at diligan ang mga halaman rito. Hanggang ngayon hindi pa rin sumasabay sa paguwi sa akin si Renee kaya dumiretso na lang ako rito.

"Sabi na nga ba at nandito ka." sabi niya.

Lumakad siya palapit sa kinaroroonan ko.

"At nakakagulat na nandito ka, Van! Kaunti lang ang bumibisita sa greenhouse dahil wala naman talaga masyadong makikita rito." sabi ko.

Ngumiti lang siya. Katulad nang madalas niyang gawin. Hindi siya masalita na tao at medyo comforting iyon in a way.

"So, hinahanap mo ako?" tanong ko.

Tumango siya at kinuha yung water sprinkler sa may paanan ko. Nag-proceed siyang magdilig ng mga halaman... na nadiligan ko na.

"Um, Van..."

Hindi niya ata ako narinig.

"Van, nadiligan ko na 'yang mga nandyan." sabi ko, sa mas malakas na boses.

Bigla siyang napatigil at inilapag kaagad yung water sprinkler.

"S-sorry.." bulong niya.

Napatawa na lang ako.

"Bakit mo pala ako hinahanap?" tanong ko.

"Next week na ang Tourney. Regarding doon..." simula niya.

"I know, I know. Hindi ako dapat lumabas ng dorm."

"No, actually, sasabihin ko sana na sumama ka sa akin sa araw na iyon."

Hindi ako makaimik.

Hindi siguro maalala ni Van kung ano ang nangyari noong nakaraan para i-suggest ang idea na yun.

"Pero, Van... magiging pabigat lang ako sa iyo. Mas mabuti pa na mag-stay na lang ako sa dorm. Baka maulit lang ang nangyari nung

"Most likely na mauulit nga ang mga nangyari kung hindi ka sasama sa akin." sabi niya.

"...anong ibig mong sabihin?"

"Nangyari ang mga iyon dahil sa kapabayaan ko. Kaya kung pababayaan lang kita uli sa Tourney..."

"..."

Mag-stay o hindi ako sa dorm, pabigat lang talaga ako. Yun ang ibig niyang sabihin. Na-explain rin niya na hindi ko naman kailangan sumali sa mismong Tourney, basta sumama lang ako sa kanya.

"Alright." sabi ko.

Tumango na lang siya uli at naghanda na umalis. Iyon lang ata ang pinunta niya rito para sabihin sa akin. Pero napatigil siya nang sabihin ko,

"Sasama ako but on one condition."

----------

"Huh?! Anong pumasok sa utak ng babaeng yun?!" sigaw ni Keith.

"Keith, ang ingay-ingay mo talaga! Ang OA pa!" sabi naman ni Agatha.

"Bakit naman niya naisipan iyon?! Oy, Royce, hahayaan mo lang ba na gawin niya yun?" tanong ni Keith sa akin.

Hindi na lang ako nagsalita.

Hindi ko rin masisisi si Keith kung bakit ganoon ang reaction niya nang sabihin ni Van na pumayag sumama si Jill sa Tourney pero dapat ay kasali siya sa mismong games.

"Van, iyon talaga ang sabi niya?" tanong ko.

Tumango si Van.

"Kung ganoon pala, wala na tayong magagawa." sabi ko.

EUPHONIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon