Chapter 24

2 0 0
                                    

Nagpunta kaagad kami ni Van sa maison para hanapin si Ella dahil sure enough doon ang diretso niya. Doon siya laging pumupunta pagkatapos ng klase kapag naiisipan niyang pumasok.

Hindi maaaring wala siya doon. Kailangan kong malaman ang dahilan kung bakit kasama niya si Verona na isa sa mga taong nanakit kay Jillian.

"Keith" narinig kong tawag ni Van.

"Ha?"

"Anong gagawin mo kapag nalaman mo ang dahilan ni Ella?" tanong niya.

Napatigil ako. Hindi ko naisip ko ano nga bang gagawin ki pagkatapos kong marinig ang dahilan ni  Ella. Kailangan magandang ang dahilan na maririnig ko mula sa kanya dahil kung hindi..

Dahil kung hindi.. ano?

Inisip ko ang implications nun. Kung malalaman ko na binetray kami ni Ella at sumapi siya sa grupong yun, kaya ko nga bang saktan si Ella? In the first place, hindi ako sigurado kung may laban ako sa kanya. Hindi ko man gustong aminin, pero mas malakas sa akin in terms of destructive power si Ella. Ano nga naman ang laban ko na isang Three star kay Ella na Four star. Pero bukod doon.. kahit na lagi niya akong inaasar, itinuturing kong isang kaibigan si Ella. Kaya gusto kong malaman ang katotohanan as soon as possible. Sa ngayon, wala akong ibang choice kundi pagkatiwalaan siya.

"Hindi ko alam. Basta gusto ko lang talagang marinig ang dahilan niya" sagot ko kay Van na nanahimik muli.

Pagdating namin sa maison, agad-agad kong hinanap si Ella sa bawat kwarto at sulok, pero hindi ko siya nakita. Nagkamali kami. Hindi siya pumunta sa maison ngayong araw at nagtaka naman ako dahil ngayon lang talaga ginawa ni Ella to. Wala namang ibang pinupuntahan yun pagkatapos ng klase. Maski nga ang sarili niyang Troupe hindi niya pinupuntahan  dahil hindi naman yun nagte-training para sa Tourney.

Bumalik na kami sa sala at naupo na lang sa sofa.

"Keith? Van? Akala ko hindi kayo pupunta ngayon dito?"

Napatingin ako sa nagsalita, ganun din si Van. Nakatayo si Royce sa bandang pintuan na may iniinom na kape.

"Royce!" napatayo ako bigla.

Nagtaka si Royce nang tawagin ko siya.

"Royce, nasaan si Ella?!" tanong ko.

"Hindi. Bakit sa akin niyo siya hinahanap? Hindi ba't kayo ang ka-batch niya? Sa pagkakatanda ko.. nakita ko siyang pumasok kaninang umaga kaya alam kong nasa school grounds siya ngayon" sabi niya.

Tch. Hindi ko na siya ginulo pa at mukhang hindi niya talaga alam kung nasaan si Ella.

"Bakit mo ba hinahanap si Ella?" tanong ni Royce.

Hindi ko alam kung sasagutin ko siya, pero buti na lang at sumagot para sa akin si Van.

"Nakita namin kanina na kasama si Verona, ang nanakit dati kay Jill."

"..." Hindi nagsalita si Royce.

"Royce.. May nasabi ba sa'yo si Ella?" tanong ko.

"Wala. Pero.."

"Pero ano?! May alam ka ba tungkol rito?!"

"Kumalma ka, Keith. Hindi pa ako nakakasigurado. Ito lang ang tingin ko."

Hindi ko namalayan na napatayo na pala ako mula sa inuupuan ko. Masyado akong nagagambala sa mga nangyayari sa punto na hindi ko na nagugustuhan. Hinihiling ko na sana dumating na si Ella rito para i-clear na niya ang lahat ng ito.

"Inuulit ko," simula ni Royce "hindi ko alam ang dahilan ni Ella, pero ang tanging taong alam kong kasali sa grupo nila ay si Alex."

"...ha?" Tama bang si Alex ang rinig ko..? Si Alex na walang pakialam sa kahit ano?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EUPHONIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon