Chapter 21

10 0 0
                                    

"Mukhang walang tao sa loob. Papasok pa ba tayo?" tanong ni Alex sa akin.

Pagkatapos namin mag-training, dumiretso kami dito sa maison pero wala kaming naabutan sa loob. Kanina pa kami kumakatok pero walang sumasagot.

"Hmm, uh, wag na lang siguro?" sagot ko.

"Sigurado ka? Baka dumating na sila maya-maya."

"Wag na lang. And er, medyo natatakot pa rin talaga ako kay Keith. Siguradong se-sermonan ako nun dahil nga sa pagsali ko sa Tourney."

"Hahaha! May point ka, si Keith pa. Kung sigurado ka talagang hindi ka na papasok sa loob, ihahatid na lang kita sa dorm mo."

"A-ah! Wag na."

"Kahit na sabihin mong wag, ihahatid pa rin kita. Kaya tara na."

I relented.Wala rin naman akong magagawa, sabi nga niya. Kumatok si Alex nang one last time sa maison at nung wala pa ring sumagot, pumunta na lang kami sa dorm.

Nang malapit na kami sa dorm, biglang tumunog ang cellphone ni Alex. Sinagot niya ito kaagad. Exaggeratedly, na parang ang pagsagot sa tawag na iyon ang pinaka-importanteng bagay sa buong mundo. Nakakagulat rin kung paano siya makipag-usap sa taong tumawag sa kanya. Ibang-iba sa wag ng pakikipag-usap niya sa akin. May pagka-childish at tawa siya nang tawa. Generally, sobrang sayi niya. Na-curious tuloy kung sino yung kausap niya. Pero hindi ko tinanong nang matapos sila mag-usap kung sino yung tumawag sa kanya kasi medyo nakakahiya.

"Oy, Jillian."

Nakarating na kami sa labas ng dorm na tinutuluyan ko at nakita namin si Keith sa labas.

"Keith?! Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Saan ka ba nagpunta?! Antagal ko nang naghihintay rito!" sabi ni Keith, "At bakit kasama mo yan?" sabay turo kay Alex.

"Long time no see. Natutywa rin akong makita ka, Keith." ngiti ni Alex.

"...yeah, yeah" sabi naman ni Keith.

Hindi ba magkasundo si Keith at si Alex? Bakit parang hindi natutuwa si Keith makita siya? Well, ganun naman ang attitude ni Keith sa lahat.

"Anyway, mauna na ako" simula ni Alex, "May kailangan pa akong puntahan. Jill, next time uli". At umalis na siya.

"Anong next time.." narinig kong bulong ni Keith bago niya sabihin, "Bakit kasama mo si Alex?"

"Tinulungan niya lang ako mag-training and then sinamahan niya na ako sa dorm."sagot ko.

"Si Alex tinulungan ka? Yung taong yun?"

"Oo..?"

"Hm, baka nautusan ni Royce..."

"No, actually-"

"ACTUALLY. May gusto nga pala akong sabihin sa'yo kaya ako pumunta rito."

I think alam ko na kung ano ang sasabihin niya at hindi ako nae-excite marinig yun.

"Bakit ka sumali ng Tourney?! Kung si Van maco-convinve kaagad, ako hindi. Kaya bigyan mo ako ng napakagandang rason" sabi niya.

As expected. About sa Tourney 'to. Mayroon ba akong dahilan na papasa sa kanya? Knowing him, I think na kahit anong sabihin ko hindi niya tatanggapin. Hahanap na lang ako ng diversion...

"Now, magsasalita ka ba or what?" salita niya.

...which he would not let me do. Bahala na, sasabihin ko na lang ang totoo.

EUPHONIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon