Chapter 11

10 0 0
                                    

"Class, kilala niyo naman siguro kung sino siya." sabi nung matandang teacher, sabay turo sa akin, "pero sa mga hindi... siya si Keith Yael na galing section A. Simula ngayon, dito na siya sa section na ito kaya maging mabait kayo sa kanya. Huwag niyo na tanungin kung bakit dahil hindi ko sasabihin, ok? Yun lang."

Itinuro nung teacher kung saan ako pwede mapuo kaya sumunod na lang ako at naupo na. Tinignan-tignan ko ang mga magiging kaklase ko. Ang boring ng mga itsura nila, bukod siguro sa katabi ko na si Renee Ciciore. Kung hindi nga lang siya sunod nang sunod dun sa babaeng walang alam kundi umiyak ay maawa sa sarili.

"Ciciore." sabi ko.

Hindi niya ako pinansin.

"Ciciore," sabi ko ulit, "nasaan ang amo mo?"

"Yael, di ka naman siguro nag-transfer sa klase namin para guluhin ako?" sabi niya, pero hindi pa rin siya lumilingon sa akin.

"Surprisingly, nakikinig ka pala sa klase?"

At di na maman siya sumagot.

Tinigilan ko na lang panggugulo ko kay Ciciore at sinubukan makinig sa matandang teacher. Pero hindi ko pa rin magawang tumagal ng 5mins. sa pakikinig dahil nakakaantok talaga siya.

Bakit nga ba ako nandito?

- - - - -

"Keith, simula bukas.. section B ka na." sabi ni Royce bigla.

"Huh?! Section B?! Bakit ako na-transfer doon?!"

"Tinransfer kita. Kinausap ko ang principal para payagan kang mag-transfer doon."

"Wala akong pake kung paano mo ako nai-transfer.. bakit nga kasi?"

"Tinatanong mo pa kung bakit... syempre para mabantayan mo si Jill."

Hindi na lang ako umimik. Siya na naman ang dahilan. Lagi naman eh. Pinasok ako rito sa school na to para bantayan siya kahit hindi ko naman gusto. For the record, hindi ko rin naman pinili maging isang Eclaire. Pero para sa kanya, napilitan akong i-give up ang mga pangarap ko simula pagka-bata habang buhay.

At ano naman ang ginagawa niya?

Wala. Naghihintay lang siya na may sasagip sa kanya pag kailangan niya at hindi man lang subukang tulungan ang sarili niya. Umaaasa lang siya sa ibang tao, sa amin, at... kaya niyang gawin lahat nang gusto niya. Nasa kanya ang freedom na ipinagkait sa amin.

Nainis na ako.

"Bakit ako pa?! Hindi na lang si Ella?! Si Van! Sigurado akong matutuwa pa yun!" sigaw ko.

"Bakit ba against na against ka sa idea? Eto naman talaga ang pinunta natin dito, di ba?"

Nag-init lang lalo ang ulo nang marinig ko yun. Syempre hindi niya maiintindihan kung bakit ayaw na ayaw ko sa babaeng yun. Isa rin si Royce sa mga taong blindly na susunod sa kahit anong gusto ng taong yun.

"Wala nang iba na pwedeng magbantay sa kanya. Hindi pwede si Van at may inutos akong gawin siyang importante. Hindi kami pwede nila Agatha at Eric dahil hindi kami magka-batch. Si Ella naman... alam mo na. Kaya alam mo na kung bakit ikaw ang itinransfer ko." sabi ng Royce.

EUPHONIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon