Chapter 7

4 1 0
                                    

"Ang naive mo talaga, Jill."

Verona..?

Pagdilat ko ng mga mata ko... itim. Itim, itim, itim. Wala akong makita. Bakit wala akong makita? Anong nangyayari at bakit pati inaapakan ko hindi ko makita. Nagsimula na ako mag-panic. Hindi ako sanay ng ganito, nang walang nakikita. Anong nangyayari?!

Biglang may gumalaw na bagay sa paanan ko kaya tumingin ako sa baba at ang nakita ko ay.. flower petals? Saan galing itong mga to? Maya-maya pa, nagsama-sama silang lahat at bumuo sila ng vines na biglang pumukupot sa mga paa ako't hinila akong pababa. Napasigaw ako pero wala akong narinig na lumabas mula sa bibig ko. Naramdaman kong hinihila ako pababa nang pababa hanggang sa-

...

Nagising ako. Panaginip lang pala ang lahat na nangyari.

Umupo ako at nagulat nang may gumalaw sa bandang paanan ko na sa pagtingin ko ay aso lang pala. Bakit mayroong aso rito? Well... whatever. Masaya akong makakita ng aso. Pumunta siya sa akin at dinila-dilaan ang pisngi ko.

"There, there... good boy.."

Hinimas-himas ko ang ulo niya at mukhang natutuwa naman siya katulad ko. Tinigilan ko na ang paghimas ng ulo niya saka naman niya dinilaan uli ang pisngi ko. Nakakakiliti. But I like it, it's pleasant. Mag-alaga rin kaya ako ng aso?

Ah, pero baka hindi pumayag si Renee. Ayaw pa man din niya na may ibang living thing aa kwartto namin bukod sa kanya at sa akin. Tututukan lang ako ng baril nun pag nagdala ako ng aso, katulad nung isang beses na dinalhan ko siya ng halaman. May sakit siya nung araw na yun kaya nag-suggest yung may-ari ng greenhouse na dalhan ko siya ng bulaklak, pero imbis na bouquet, halaman na nasa paso pa ang dinala ko sa kanya.

Tinawanan ko na lang ang sarili ko.

Ang naive mo talaga, Jill.

Nanikip ang dibdib ko nang maalala ko na yung nangyari na pag-atake sa akin ni Verona... at ang pagligtas sa akin ni Vanairge Phillip at Keith Yael.

Thinking back, napaka-naive ko since before kaya tumatak sa akin yung sinabi ni Verona. Inis lang sa sarili ang naramdaman ko noon.. at ngayon. Wala pa ring nagbabago sa akin kahit na tumanda na ako.

Ahhh! Wala talagang mangyayari sa akin kung lagi na lang ako ganito! Mabuti pa at bumangon na ako para gawin ang mga dapat kong gawin. Pero bago yun... nasaan na nga ba ako?

Tumingin-tingin ako sa paligid ko at napagtanto ko na nasa isa akong kwarto na never ko pang napuntahan until now. Kama lang at isang lamesa ang meron dito sa loob. Meron din palang isang bintana na nasa may tapat ng lamesa.

Binuhat ko yung aso at tumingin mula sa bintana. Puro puno lang ang nakikita ko... nasa school pa ba ako? Tumingin din ako sa langit at na-realize na hapon na pala.

Ilang oras na akong tulog? Naaalala ko na maggagabi na rin nung kasama ko si Verona sa greenhouse. Ibig sabibin isang araw na akong tulog?! Si Renee! Nag-aalala na siguro yun nang sobra!

Binaba ko na yung aso sa lapag at pumunta na sa may pinto, pero sa pagbukas ko... nandun rin si Vanairge Phillip. Napaurong na lang ako nang makita na papasok siya.

Tinahulan siya nung aso at pinanood ko lang siy yumuko at laruin yung aso. Tuwang-tuwa ata siya habang nilalaro yung aso at medyo nakakabigla. May ganitong side rin pala siya... akala ko isa lang siyang matangkad at nakakatakot na lalaki na mahilig makipag-away.

Tumayo na siya at hunarap sa akin. Medyo kinabahan na ako. Hindi dahil sa takot... pero dahil siguro sa fact na medyo malapit siya sa akin. Never kong napansin ito pero may itsura pala siya at yung itim niyang buhok niya na unruly laging tignan parang ang lambot-lambot. But above all else, ang achingly familiar niya sa akin. Saan ko ba siya nakita?

"Hindi na masama pakiramdam mo?" tanong niya.

"Um... h-hind- hindi na." sagot ko naman, medyo nahihiya at nautal pa ako.

"I see." sabi niya.

"Thank you sa.. um, pagligtas sa akin."

Hindi siya nagsalita. Binuhat lang niya yung aso at lumabas na uli. Bago yun, tumingin siya sa akin ng saglit na para bang sinasabi na sumunod ako sa kanya. At ginawa ko naman.

Sinusundan ko lang siya sa parang maliit na bahay na ito. Maraming kwarto at sa pagbaba namin, may living room ba makikita. Nandun din si Keith Yael at may kausap siyang babae na hindi ko kilala.

"Sabi ko nga sayo-"

Napatigil sa pagsasalita si Keith Yael nang makita niya kaming bumaba.

"Nagising ka na pala." sabi nung babae na nakaupo sa sofa.

Tinignan ko lang siya. Medyo matangkad siya, siguro kasing tangkad ni Renee. Or baka mas matangkad pa pero hindi ko lang masabi dahil nakaupo siya. Nakatali lang sa likod ang kulot niyang buhok na hanggang balikat. Ang pinakakakaiba sa kanya ay ang pagsusuot niya ng uniform na pang-lalaki. Nevertheless, hindi siya mapagkakamalan na lalaki kasi.. binayayaan siya.. sa chest area... unlike me na.. nakakaawa. Medyo na-concious tuloy ako.

"Johnny?! Edi ibig sabihin nandito rin yung bubwit na si Agatha?" sabi ni Keith Yael.

Tumalon nula sa kamay ni Vaneirge yung aso, presumably si Johnny, sa pagaakala na tinawag siya ni Keith Yael. Tuwang-tuwa yung aso nang lumapit sa kanya pero parang ayaw niya sa aso sa pagkakaiwas niya rito.

"Buti naman at nagising ka na. Medyo nag-aalala na kami dahil dalawang araw ka nang walang malay." sabi nung babae.

Dalawang araw?! Ahhh... Si Renee...

"Ako nga pala si Royce Sihena. Mas matanda ako ng isang taon, pero tawagin mo na lang akong Royce. At baka kilala mo na, pero ipakilala ko na lang din. Etong isa na to" sabay turo kay Keith Yael, "ay si Keith Yael. At yang katabi mo naman ay si Vaneirge Phillip. Ka-batch mo silang dalawa. Johnny naman yung pangalan nung aso. Materiel siya ng isa pa naming kasama na si Agatha Devon. Wala siya rito dahil middle schooler lang siya."

"A-ah, ako naman si Ji-"

"Jillian Angelis, diba?"

"Y-yes.. kilala mo ako? And Jill na lang, please."

"Ahahahaha! Syempre kilala ka namin, Jill."

"Syempre..?"

"Nagtataka ka siguro kung bakit ka nandito." sabi ni Royce, at humigop siya ng kape.

Biglang umalis si Vaneirge sa living room at pumasok sa isa pang kwarti na di ko alam kung ano.

"Pabayaan mo lang yan si Van. Kumuha lang siguro siya ng kape. Halika, maupo ka."

At umupo nga ako sa sofa.

"So, siguro hindi mo rin alam kung bakit, hanggang ngayon, hindi ka pa rin nakakagamit ng rayon."

Medyo nakakahiya na marinig yun galing sa ibang tao. Pero totoo naman kaya yumuko na lang ako.

"Simple lang, Jill. Dahil ikaw ang Lumiere." Humigop uli siya ng kape.

Napatingin uli ako sa kanya sa gulat. Tama ba yung sinabi niya? Na ako ang...

Ang Lumiere?

* * * * * *
French;
Lumiere - light

EUPHONIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon