Chapter 1

22 1 0
                                    

Lia.

Lia?

Lia! Gumising ka, Lia!

"Jill! Kanina ka pa-"

Naalimpungatan ako nang may tumawag sa akin. Nakatulog na pala ako habang hinihintay si Renee matapos mag-training.

"Sorry, Jill. Hindi ko nakita agad na natutulig ka pala." sabi ni Renee.

"It's fine. Gigisingin mo rin naman ako eventually."

"Still.."

Si Renee talaga.. Lagi na lang apologetic sa mga pinakamaliit na bagay. Nginitian ko na lang siya at tumayo na ako habang kinukuha ang bag ko. Tinapik ko ang balikat ni Renee para mag-aya na umuwi.

"Hmm.. sige na. Let's go." sabi ko.

"Teka, Jill. Naiwan mo yung panyo mo."

Panyo? Tumingin ako sa desk at nandun nga yung panyo ko. Kinuha ni Renee yun at inabot sa akin.

"Ah, buti na lang nakita mo agad, Renee. Thanks."

Kinuha ko yung panyo mula kay Renee, nilagay sa bulsa, at pagkatapos, umalis na kami ng classroom.

"Nakakapagod talaga mag-training. Bakit ba kasi kailangan gawin lagi yun? Yung leader naman kasi namin masyadong masipag. Buti pa yung ibang Troupe walang training-training." sabi ni Renee.

Napataw lang ako ng konti sa sinabi ni Renee.

"Sinasabi mo yan, Renee, pero pumupunta ka naman sa mga training niyo kahit hindi naman kailangan." sabi ko habang natatawa pa rin.

"Jill, wag ka masyadong madaldal. Hindi cute. Sige ka, walang magkakagusto sa'yo."

"Ganun ba?" sabi ko. At natatawa pa rin.

Renee Ciciora. Siya ang bestfriend ko na hindi honest sa sarili. Gagawin niya kung ano ang dapat niyang gawin tapos sasabihin niya na masyadong ma-trabaho. Matagal na kami magkakilala kaya medyo kabisado ko na siya.

Mas matangkad sa akin si Renee at ang height ko ay 5'4. Maganda siya. In fact, gustong-gusto kong tinitignan ang mukha niya. Straight at waist-length ang buhok niya na lagi niyang iniiwang nakalugay. Masyado raw hassle kung tinatali niya nang katulad sa akin. Nakagawian ko kasing i-braid araw-araw ang buhok ko. Ilang beses naman na ako nag-offer na itali ang buhok niya para sa kanya pero di naman niya tinatanggap.

Ako naman si Jill. Mahilig ako magbasa ng libro, magtanim ng halaman, at maikipagusap kay Renee. Yun lang naman ang ginagawa ko araw-araw bukod sa mag-aral. Nag-aaral ako sa St. Catherine Academy bilang isang high school student.

Ang St. Catherine Academy ay isang boarding school na may kaunting student population. Isang prestigious school kasi ito kaya mahirap p?matanggap dito. Si Renee nung middle school nagsimula mag-attend dito and as for me... all my life nandito na ako. Hindi rin pala ako kasali sa kahit anong Troupe, unlike Renee, dahil hindi ko alam kung ano ang sasalihan. More so na wala akong masasalihan. Kaya hinihintay ko na lang so Renee na matapos.

"Jill? Kanina ka pa natutulala. Anong iniisip mo?" biglang sabi ni Renee.

"A-ah- iniisip ko kasi kung ano ang kakainin natin for dinner. May natira pa ba tayong food sa ref?" sabi ko.

Hindi ko napansin na nakatulala na pala ako. Pero it's true na hindi ko alam kung ano ang kakainin namin for dinner.

"Hmm.. wala na ata? There's no way na kakain ako sa cafeteria ng dorm." sabi ni Renee.

Roomate ko rin pala si Renee. May food naman sa cafeteria ng school dorm pero halos walang kumakain doon dahil sa sobrang unappetizing ng mga pagkain. Binibigyan naman kami ng monthly allowance ng school para panggastos kaya, as much as possible, lumalayo kami sa cafeteria food.

"Punta tayo sa grocery?" suggest ko.

"Sige. Let's do that." sagot naman ni Renee.

- - - - -

After dinner, nag-washup na kami ni Renee bago pa gawin yung mga bagay na kailangan naming tapusin at nang makatulog na.

Tulog...

"Jill."

Lately, hindi rin ako makatulog ng maayos dahil lagi na lang akong dinadalaw ng paulit-ulit na panaginip tungkol kay.. Lia.

Sino ba si Lia? Sino ba yung lalaki na paulit-ulit na lang tinatawag si Lia?
At bakit ba paulit-ulit ko na lang napapaniginipan yun? Hindi ako ai Lia. Wala akong kilalang Lia. Kaya bakit...

Teka, teka bakit ba masyado ako affected dito? Isang panaginip lang naman yun, hindi importante. Ilang panaginip na ang nakita ko at kailan ba ito nakaapekto sa buong buhay ko? Diba wala pa naman. Kaya wag mo nang masyadong alalahanin yun, Jill. Besides di mo rin naman alam kung sino at ano yung mga nasa panaginip.

"Jill! Nakikinig ka ba sa akin?" tanong ni Renee, na masyado na palang nakalapit yung mukha sa mukha ko. Kanina pa siya may tinatanong sa akin at hanggang ngayon, hindi ko pa pala nasasagot.

"H-ha? Renee?"

"Nakatulala ka na naman. Anong meron? Kanina ka pa ganyan. Una, yung panyo mo.. tapos yung kanina."

"Sorry..."

"B-bakit ka nag so-sorry-?! Ah anyway.."

Ano nga ba meron sa akin ngayon? Honestly, kanina pa ako hindi mapakali. Yung panaginip ba? Bakit ba ako nabo-bother sa panaginip na yun? Hindi naman dapat. Hindi ko rin naman alam kung paano ko mahahanap yung sagot sa mga tanong ko.

May mas importanteng bagay pa. Mas importante rin sa akin kung ano yung sasabihin ni Renee.

"Jill, bukas... papasok ka ba bukas?" tanong ni Renee, sabay upo sa kama niya.

"Bukas? Anong meron bukas?"

"Jill. Bukas yung pinakaunang Tourney."

Yung Tourney.

Oo nga pala. Bukas na nga pala yun. Kaya nga pala mas matagal yung training nila Renee kanina. Nakalimutan ko na.

"Bakit naman ako hindi papasok?" sabi ko.

"Jill, walang classes bukas. Buong araw yung Tourney. Hindi na katulad ng middle school na after classes lang."

"Buong araw? Edi ibig sabihin wala namang silbi kung pumasok ako o hindi bukas?"

Hindi nagsalita si Jill.

Ibig sabihin hindi ko kailangan pumasok bukas. Hindi naman ako kasali sa kahit anong Troupe kaya, by default, hindi rin ako kasali sa Tourney. Pero gusto kong mapanood si Renee kaya-

"Jill, huwag ka palang papasok bukas."

Seryoso si Renee nang sinabi niya yun.

"Bakit? Anong meron? Pero gusto kitang mapanood.."

"Huwag mo na akong panoorin. High school na tayo, Jill. Baka kung ano pa ang mangyari sa'yo."

"Renee... wala namang mangyayari sa akin. Ilang beses ko na naman na napanood yung Tourney."

"Basta, Jill. Huwag ka na lang pumasok ha. Please. Anyway, matutulog na ako. Good night!"

Natulog na nga si Renee.

Ngayon lang ako sinabihan ni Renee na huwag manood ng Tourney. Tatanungin ko na naman ba kung bakit?

Puro na lang ako tanong ngayong araw. Pagod na ako. Matutulog na lang din ako tutal hindi ko naman kailangan pumasok bukas. Bukas ko na lang gagawin lahat ng kailangan ko.

Tumayo na ako mula sa lamesa at nagligpit. Pagkatapos, pinatay ko na yung ilaw ng kwarto namin.

"Good night, Renee. Galingan mo bukas, sayang hindi kita mapapanood." sabi ko.

At natulog na rin ako.

EUPHONIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon