Chapter 12

6 0 0
                                    

"Um, Keith... hindi ba doon yung unang checkpoint?" tanong niya sa akin.

Alam pala ne'to pero bakit ngayon lang siya nagsabi?

Kanina pa namin hinahanap yung unang checkpoint at hindi ko alam kung saan dahil hindi naman ako nakinig kanina. Hindi rin naman ako makapag-teleport kasi nga wala akong clear picture nung lugar. At tsaka... kasama ko siya. Hindi naman pwedeng iwan ko na lang siya at mag-teleport na lang. Pero ngayon lang siya nag-salita na alam pala niya.

Tinignan ko na naman siya nang masama at napansin niya't tumingin na lang sa iba.

Napabuntong-hininga ako. Iyan ang kailangan namin pagbuwisan ng aming mga buhay? Spineless. Walang ginawa kundi mag-paawa.

Pero sa sitwasyon na to, Keith, ikaw ang may kasalanan. Hindi ka naman nakinig kanina at kanina mo pa siya tinitignan nang masama. More over, hindi mo nga siya kinakausap. Teka, teka... bakit ko ba kinakausap sarili ko AT kinakampihan pa yung taong yun? Mabuti pa't tanungin ko na nga lang siya.

"Saan?" tanong ko.

Bigla siyang napatingin sa akin. Nagulat ata na kinausap ko siya.

"Um.. doon sa harap nung library.." sagot naman niya.

Doon? Kung saan pa talaga hindi ako tumingin. Lumakad na akong pabalik at sumunod na lang siya.

Pagdating namin doon, wala nang katao-tao dahil kanina pa siguro nagsimula yung laro.

Basically, paunahan lang makadating sa last checkpoint ang larong to. No rules. Ibig sabihin pwedeng gumamit ng rayon. Magiging madali na lang ang pagpunta dahil pwede naman akong mag-teleport. Pero, oo nga pala, kasama ko nga pala siya. Hindi ko kayang i-teleport ang ibang tao kasama ko. Or kaya ko na at hindi ko lang sinusubukan? Nevermind. Baka may hindi pa ako ma-teleport na body part niya. Magalit pa si Royce at si Van sa akin.

"Keith.." sabi niya "..yung clue."

Inabot niya sa akin yung envelope na may nakasulat na pangalan ko. Kinuha ko yun para buksan ko at basahin yung laman.

1 1

Eleven? Ano naman ang ibig sabihin neto?

Inabot ko na sa kanya para mabasa naman niya. Tahimik lang siya nang mabasa niya yun at siguro ay nagiisip.

"Sa classroom mo dati, Keith." bigla niyang sinabi.

"Sa 1-A? Paano mo naman nalaman?"

"Um... '1 1' ang sabi dito. For sure ang hinahanap natin ay lugar kaya kung numbers ang gagamitin, iisipin mo na room number. Pero hindi. Lahat ng rooms sa first floor ay usually three digits."

"Kung sinasabi mo na first floor ang ibig sabihin ne'to? Bakit hindi ang infirmary na pinakaunang room sa first floor?" tanong ko.

"...I guess, just a hunch? A ang first letter ng alphabet. I don't think na gagalawin nila ang infirmary na baka gamitin kapag may nasugatan sa game. After all, walang rules.."

May point siya. At surprisingly, marunong siya mag-isip para sa sarili niya.

Pero kung tama nga yung sinabi niya, bakit masyado namang simple ang puzzle na to? Or baka dahil first checkpoint pa lang naman kaya madali?

I decided na mas maganda kung sundin na lang ang sinabi niya dahil wala rin naman akong maisip na ibang lugar, kaya lumakad na kami papunta run.

"Ah." sabi ko't tumigil. Napatigil rin siya.

EUPHONIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon