Chapter 22

6 0 0
                                    

Ang sakit ng ulo at ng mga mata ko. Hindi ako makatulog nang maayos dahil sa nangyari kagabi with Jillian.

Pero hindi ako nagsisisi na sinabi ko ang mga 'yun. Masyadong naïve si Jillian na isiping tatagal siya sa Tourney. Kung alam lang niya kung gaano kahirap mapasali sa Tourney, hindi niya susubukan. Maski nga ako hindi ako sasali doon kung hindi nga lang mandatory. Ang swerte nga niya na hindi niya kailangan sumali doon.

Para siguro sa mga katulad ni Jillian na hindi pa nakakaranas na sumali sa Tourney, aakalain lang nila na isa lang yung friendly competition sa buong campus. Pero hindi. Far from friendly ang mga nagaganap doon. Pinagbabawal na gumawa ng permanent damage sa katawan ng isang estudyante, pero ang salitang 'permanent' ay walang meaning sa mga healers ng Tourney. Kahit bali-baliin mo ang mga buto ng kalaban mo, sirain mo ang pag-iisip niya, o putulan mo ng kamay... lahat yan kayang ibalik ng mga healer. Nakakatakot ang Tourney kung tutuusin. Mas lalo pa kay Jillian na hindi nakakagamit ng rayon. At ang Lumiere.

Lumiere... kahit anong isip ko, mayroon talagang mali tungkol sa Lumiere. May isang malaking mali na hindi nagfi-fit sa lahat ng alam ko tungkol sa Lumiere at sa nakikita ko kay Jillian. In the first place, bakit hindi nakakagamit ng rayon si Jillian? Kung ang Lumiere ang-

"Keith, mukhang ang himbing ng tulog mo kagabi."

Napatalikod ako. Si Ella lang pala yung nagsalita. As usual, walang kagana-gana ang itsura niya dahil hindi uso sa kanya ang facial expressions. Alam kong aasarin lang uli ako nito kaya hindi ko siya pinansin at naglakad na uli papuntang school building. Wala ako sa mood makipag-usap ngayon. Lalong-lalo na at alam kong iinisin lang niya ako.

"Hmm... ibang klase ka, Keith. Nagawa mong galitin si Jillian.. at sinigawan ka pa. Hindi ko akalaing marunong pala siyang magalit. Or isa yun sa mga special talents mo, na magawang galitin kahit sino?" sabi niya.

Bastos na-. Huminto ako para humarap sa kanya at sinabi, "Paano mo nalaman yan?"

"Hindi ko pa nasasabi sa'yo? Isa akong Esprit, mind reading" sagot niya.

Hindi ko alam kung ano ang mas nakakairita. Ang pang-aasar niya o yang attitude niya na hindi fit sa pang-aasar niya. Kung mang-aasar na lang, ayus-ayusin mo na rin! Pakitaan mo naman ako ng iba bukod diyan sa poker face mo. Pati sa pang-aasar indifferent ka pa rin, nakakairita!

"Hindi ko rin ba nasasabi sa'yo? Isa rin akong Esprit, teleportation."

"Oh? Magka-Troupe pala tayo."

"Hmm.. as far as I know, walang Ella sa listahan ng mga Esprit. Kaya. Sabihin mo na kung paano nalaman yan bago pa kita i-teleport sa impyerno." sabi ko at hinawakan ang balikat niya.

Pero paghawak ko sa balikat niya, may naramdaman akong napaka-init at, by reflex, inalis ko kaagad yung kamay ko.

"Aray!" Napangiwi ako.

"Wag mo akong sisihin. Defense mechanism lang yan ng katawan ko, alam mo yan." sabi ni Ella.

Totoo nga na nag-iinit ang katawan ni Ella kapag may threat na humawak sa kanya, pero pati ba naman ako considered na threat?!

"Sabihin mo na lang kasi kung paano mo nga nalaman." sabi ko, habang minamasahe ang kanang kamay kong napaso.

"Hindi ko makita kung bakit ko kailangang sagutin ka."

"Hindi pa ba sapat na pinaso mo ang kamay ko?"

"...hmph. Mali ka, Keith."

"Huh? Anong mali sa mga sinabi ko? Kung yung nangyari sa amin ni Jillian ang tinutukoy mo-"

"Walang magiging epekto sa akin ang impyerno kaya kahit na i-teleport mo ako doon... walang point" sabi niya, at umalis na.

"..."

EUPHONIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon