Chapter 9

4 1 0
                                    

"Jill!!! Saan ka nagpunta?! Dalawang araw kitang hinanap!"

"S-sorry, Renee... pinag-alala pa kita." sabi ni Jill.

Pinag-alala? Understatement ang pinag-alala! Halos mabaliw-baliw ako sa kakahanap sa'yo... Gusto ko sanang sabihin yun sa kanya pero hindi ko na lang ginawa.

Na-realize ko na masyado na palang mahigpit ang hawak ko sa balikat ni Jill nang makita kong nag-wince siya nang saglit, kaya tinanggal ko agad ang mga kamay ko.

Kumalma ka, Renee. Nandito na si Jill, safe and sound, sa harap mo.

"U-umm, Renee.. punta na tayo sa kwarto natin?" sabi ni Jill, at ang kanyang malumanay na boses.

"Ah, oo nga. Sorry, Jill. Halika na." sabi ko.

Nang makapasok na kami sa kwarto namin, dumiretso si Jill sa higaan niya. Ako naman ay nagpakulo ng tubig para sa aming dalawa.

"Jill..." sabi ko, at naupo sa sarili kong higaan, "saan ka nagpunta? At bakit hindi mo man lang ako sinabihan?"

Tahimik lang si Jill.

"Jill?"

Tinignan ko kung ano na ang nangyari sa kanya at nakita na tulog na pala. Hindi man lang ako binigyan ng chance na mag-rant kung paano niya ako pinahirapan noong nakaraang dalawang araw. I guess, I'll let it go. Mas importante na nandito na siya.

Kinuha ko yung kumot niya at itinalukbong sa kanya. Pagkatapos, pumunta na ako sa lababo para mag-timpla ng kape at siguradong malapit nang kumulo yung tubig.

Naisip ko uli yung nakita ko kanina habang hinihintay na umuwi si Jill.

Si Vanairge Phillip. Hindi ako magkakamali na si Vanairge Phillip yun. Anong ginagawa niya kasama si Jill? More importantly, paano sila naging magkakilala?

Kumulo na yung tubig kaya tinanggal ko na sa pagkakakasalang at ibinubos yung tubig sa mug ko.

"Ah!"

Natapunan ng mainit na tubig ang daliri ko. Binuksan ko agad yung gripo para lamigan kahit konti yung paso ko.

Habang, ginagawa ko yun, naalala kong bigla yung mukha ni Jill nang salubungin ko siya sa may lobby ng dorm.

Bakit siya pa, Jill?

- - - - -

Nagising ako at wala na si Renee sa kwarto namin. Nag-iwan siya ng note para sa akin na ang laman ay:

Jill, nauna na ako. Huwag ka na munang pumasok at magpahinga ka na lang.

Kung totoo nga yung sinabi ni Royce kahapon na dalawang araw akong walang malay, sobra-sobra na ang pahingang ginawa ko. Pero ano pang magagawa ko at kanina pa nagsimula ang mga klase.

Nagbihis na lang ako para pumuntang bookstore. Kailangan ko na ring bumili ng mga bagong libro dahil wala na rin akong mabasang iba. Tama rin siguro na hindi nga ako pumasok ngayon para makapag-isip ako kung ano nang gagawin ko pagkatapos kong marinig ang tungkol sa akin.. sa pagiging Lumiere.

I definitely can't sit still after hearing that. Especially dahil mayroong mga tao na nagaaksaya ng time and efffort para lang mapanitili akong ligtas. To be honest, natatakot ako... pero hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag wala man lang akong ginawa.

EUPHONIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon