Chapter 14

12 0 0
                                    

"Hahahaha! Kayo talagang mga aso ng Lumiere.. akala niyo alam niyo na ang lahat ng nangyayari sa school na 'to. Pero ano ba talaga ang alam niyo? Ang magpaka-alila sa Lumiere?" sabi niya.

Kung hindi lang ako isang 'aso' sa Lumiere... baka magustuhan ko pa siya dahil nakikita niya ang ginagawang pagka-aso ng mga kasamahan ko, at possibly ako rin. Pero ganoon pa man...

May pride ako sa ginagawa ko kahit papaano.

"At kayo naman..." sabi ko "Makaalam lang kayo ng kaunting bagay tungkol sa Lumiere, akala niyo lamang na kayo sa iba. Ano bang alam niyo tungkol sa Lumiere?"

Ngumisi siya.

"Keith Yael. Sa pagkakaalam ko galit ka sa Lumiere... pero parang kinakampihan mo pa siya."

"Diba? Sabi ko sayo eh. Magkaroon lang kayo nang kaunting kaalaman... ganyan na kayo kung umasta. Pero tama naman ang pagkakarinig mo, galit ako sa Lumiere. "

"Ganoon naman pala. Pero bakit mo ginagawa to para sa kanya?" tanong niya.

Hindi ko naman gagawin to kung hindi ako napipilitan.

Gusto ko sanang sabihin, pero interesado ako sa nais niyang iparating kaya hinayaan ko na lang siya mag-salita nang mag-salita.

"Bakit kayo nagpapa-alila sa kanya kung pwede niyo naman siyang gamitin?"

"..."

"Alam mo naman siguro kung anong kapangyarihan ang kayang ibigay ng Lumiere sa ating mga Éclaire. Huwag mong itanggi na hindi ka mas malakas ngayon at nakasama mo siya nang mahigit isang oras." sabi niya.

Totoo naman ang sinasabi niya. Hindi ko rin itatanggi na mas malakas ako ngayon.

"Kaya bakit hindi mo na lang gamitin siya para mas lalong palakasin ang sarili mo gamit ang dugo niya?"

At bigla na akong natawa sa sinabi niya. Siguro mga ilang minuto rin akong tumawa dahil nang mapatigil na ako.. hindi na maganda ang itsura niya.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" tanong niya.

"Sorry, sorry... hindi ko lang kasi in-expect na sasabihin mo yun." sabi ko nang medyo natatawa pa rin.

"Yung ano?"

"Yung part na gagamitin ang dugo ng Lumiere para lumakas. Kala ko seryoso ka talaga dun!"

Tinignan niya ako nang masama.

"Seryoso ako." sabi niya.

"Oh?! Seryoso ka pala..."

"..."

"Mukhang hindi mo ata ako naiintindihan. Honestly, wala akong pakialam kung gumaling ako sa paggamit ng rayon o hindi. Siguro gusto ko rin kahit papaano, pero... hinding-hindi ako lalapit sa dugong marumi. Sinabi ko nga sayo... galit ako sa Lumiere."

Siya naman ang natawa.

"Hangal ka, Keith Yael." Tumingin na naman siya nang masama sa akin.

"Nasabi nga sa akin." sagot ko.

Mukhang mapapaaway na naman ako, at nasa disadvantage na naman ako uli.

Pinanood ko lang siya habang iniisip ang mga posibleng maging kakayahan niya. Maliit lang siya at halatang hindi siya masyadong nagte-training dahil hindi matipuno ang kanyang katawan. Nasisiguro ko na hindi siya isang Physique.

Nakita kong kumuha siya ng isang pocket knife at itinutok sa akin. Sa ginawa niyang ito, nasisiguro ko rin na hindi rin siya isang Convoquer, Article, or Elementaire. Which means... pareho kaming Esprit.

EUPHONIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon