1

8.3K 140 9
                                    

#TBMG_2_WhenISeeYouAgain

ISA

MAKALIPAS ANG LIMANG TAON...

"Welcome back to our home Anak!" masayang pagsalubong ni Madam Esmeralda na wala pa ring kupas ang ganda sa anak na si Harold na kapapasok pa lamang ng mansion kasama ang anak na si Kiel. Kaagad nitong nilapitan ang anak para halikan sa pisngi. "Pasensya ka na at hindi ka na namin nasundo sa airport... alam mo naman na naging busy kami rito sa mansion sa paghahanda para sa pagbabalik ninyo..." sabi pa nito. Napatingin ito sa apong si Kiel na nakatayo sa tabi ni Harold at mahigpit ang kapit sa suot na damit ng ama. "Apo... ang laki-laki mo na huh... Napakagwapo... manang-mana sa daddy..." tuwang-tuwa na sabi ni Madam Esmeralda sa apo na bigla nitong binuhat, niyakap ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. "Miss na miss na kita pati ang daddy mo..."

"Mamsi..." bata pa rin ang boses na sabi ni Kiel. Kiel is around 5 years old now at tulad nga ng sabi ni Madam Esmeralda, napakagwapo nitong bata at manang-mana ang itsura ni Harold. Hindi ito chubby na bata at ang tangkad nito'y parang hindi naaayon sa edad niya. Ang tangkad nga nito'y parang nasa 6 years old na. Mestiso ang bata gaya ni Harold. Tanda pa nga ni Madam Esmeralda na ganito rin ang itsura noon ni Harold nung kasing edad ito ni Kiel.

Napangiti si Harold sa ina. Siya rin naman ay miss na miss na niya ang ina.

Napatingin si Madam Esmeralda sa anak. "Grabe anak... Lalo kang gumwapo huh... 'yan ba ang epekto ng masarap na simoy ng hangin sa Davao?" natatawa nitong sabi sa anak. Natawa rin ng konti si Harold.

"Mom... Parang gulat na gulat pa kayo sa pagbabago ng itsura ko at ni Kiel eh halos araw-araw niyo naman kami nakikita sa screen ng computer dahil sa madalas tayong nagkakausap sa skype..." sabi ni Harold.

Napanguso si Madam Esmeralda. "Siyempre... Iba pa rin kapag sa personal ko kayo nakita..." sabi nito.

Oo, sa nakalipas na limang taon, maraming nagbago. Sa buhay at pati na rin sa physical na anyo ni Harold.

Naging mas matured ang itsura nito. 'Yung tipong manly at masculine na talaga ang dating at nawala na ang boy next door image niya. Bahagya ring lumaki ang katawan nito dahil sa madalas na ito sa gym na meron sa tinirhan nila sa Davao. Hubog na hubog nga ganda ng katawan nito sa suot na fitted navy blue v-neck shirt. Naka-pants rin ito na color black at rubber shoes na kulay gray.

Nagbago rin ang hulma ng mukha ni Harold. Mas nagkaroon ito ng proportion at muscles na rin lalo na at nagkaroon na rin ito ng jaw line. Mas lalo pa itong naging hot tingnan dahil sa papatubong bigote at balbas. Clean-cut ang gupit ng buhok. Medyo naging tan rin ang kulay ng balat nito dahil madalas silang tumambay ng anak sa farm nila sa Davao kung saan laging may araw. Dati kasi ay napaka-mestiso nito.

Sa nakalipas na limang taon, nanirahan sila Harold at ang pamilya sa Davao. Doon nila napagpasyahan manirahan at lumayo na rin mula kay Anton. May ancestral house kasi sila doon kaya doon nila napiling manirahan at mamuhay ng medyo simple. Doon ay naranasan nila ang buhay na walang katulong, walang aircon sa tuwing matutulog, magtanim ng kung ano-anong klase ng gulay at prutas na naging dahilan para medyo mag-iba ang kulay niya. Tirik na tirik rin kasi ang araw roon lalo na't kapag tanghali. Sa limang taon na iyon, namuhay sila ng simple at payak lamang.

Malaki naman ang ancestral house na tinirhan nila sa Davao pero hindi kasing laki ng mansion. Luma na ito pero napanatili pa rin ng mga tauhan nila doon ang kagandahan nito. Ang mga gamit ay pawang antigo ultimo ang tv at ang mga electric fan. Minsan nga hindi na sila nag-eelectric fan kasi kahit ibukas mo lang ang mga bintana sa magdamag, malamig na dahil sa pumapasok sa buong bahay ang masarap na simoy ng hangin. Safe rin naman ang lugar na iyon dahil kahit na walang nagbabantay minsan doon, wala pa ring mangangahas na pumasok at gumawa ng masama sa lugar na iyon. Sa pagkakaalam pa nga niya, no.1 ang Davao sa pinaka-safe na lugar sa buong mundo. Thanks sa local government ng lalawigan at napapanatili nila iyon.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon