10

2.7K 82 3
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

SAMPU

Magkatabing nakaupo sa isang bench na nakapwesto sa gilid ng quadrangle sila Harold at Gun. Break time ng dalawa ngayon at thirty minutes pa ang natitira bago sumapit ang susunod nilang klase.

"Anong tinintingnan mo?" tanong ni Gun kay Harold ng mapansing nakatingin ito sa kung saan.

Hindi sumagot sa kanya si Harold, nanatili lamang itong nakatingin sa kung ano o sino.

Napasimangot naman si Gun. Hindi niya alam kung hindi lang ba talaga siya nito narinig or talagang hindi siya nito pinansin.

Sinundan niya ang tinitingnan ni Harold. Nakita niyang mukhang isa sa mga kalalakihan na magbabarkada yata na nakatayo sa kabilang bahagi ng quadrangle ang tinitiningnan ni Harold. Hindi naman nila iyon kilala.

Muling tumingin si Gun kay Harold.

"Sino sa kanila ang tinitingnan mo?" may pagkainis na sabi ni Gun. Aminado siyang nakaramdam ng selos dahil sa pagtingin ni Harold sa ibang lalaking ka-schoolmate nila.

"Si Adrian..." sabi nito na napangiti pa habang patuloy pa ring nakatingin sa pinakamatangkad at pinakagwapong lalaki sa magbabarkada na tinitingnan niya.

Nagkasalubong ang magkabilang kilay at nangunot ang noo ni Gun na may kasamang asim ng mukha.

"Adrian? Di ba ako lang naman ang pinakagwapong Adrian dito sa campus? So bakit ka pa nakatingin sa kanya?" tanong nito.Nagngingitngit sa inis ang kalooban. Hindi naman nito alam kung sino sa magbabarkadang tinitingnan ni Harold ang Adrian na tinutukoy nito.

Napatingin sa kanya si Harold. "Ikaw lang ba ang Adrian sa mundo? Saka anong sabi mo? Ikaw ang pinakagwapong Adrian dito sa campus natin?" tanong nito. Pamaya-maya napailing na lamang at muling ibinalik ang tingin sa lalaki. Hindi naman niya ito crush, nagwagwapuhan lang siya saka base rin sa naririnig niya mula sa iba, sikat raw ito pagdating sa basketball. Plus points kasi sa kagwapuhan kapag magaling sa sports. Hindi niya ito masyadong kilala kasi although, ka-year level nila ito, hindi naman nila ito kaklase. Nasa lower section yata ito.

Naiinis na napaiwas na lamang ng tingin si Gun kay Harold.

"Tama naman ako di ba? Ako lang kaya ang pinakagwapong Adrian sa buong campus... Bakit ka pa tumitingin sa iba eh nasa tabi mo na nga ang pinakagwapong Adrian..." naiinis na bulong ni Gun sa sarili. Remember, Adrian Gun ang buong pangalan niya. Adrian ang first name at Gun ang kanyang second name.

"Anong sinasabi mo diyan?" nakatingin na si Harold kay Gun ng tanungin niya iyan. Hindi niya narinig ang binulong ni Gun.

Napatingin rin si Gun kay Harold. Naiinis ang mukha nito. "Wala... Pwede ba, huwag mo 'yung tingnan... Mamaya sisihin ka ng lahat kapag biglang nalusaw 'yun sige ka..." sabi nito at umiwas muli ng tingin.

Napaiwas na lamang rin ng tingin si Harold kay Gun. Muling tiningnan ang lalaking nagngangalang Adrian. "Walang nalulusaw sa tingin ng tao..." sabi ni Harold. "Pero merong inaatake sa puso dahil sa kaba kapag nakatingin ang taong gusto nila sa kanila..." sabi ni Harold ng hindi nakatingin kay Gun.

Napatingin si Gun kay Harold. Hindi pala tingin kundi titig...

'Paano kung sabihin ko sayong merong taong nalulusaw sa tingin ng taong gusto nila? Paano kung merong taong inaatake sa kaba sa tuwing nakatingin ang taong gusto nila sa kanila? Paano kung sabihin kong... ako ang kaisa-isang taong nalulusaw at inaatake sa kaba sa tuwing titingnan mo ako ng iyong magagandang mga mata?' sabi ni Gun sa kanyang isipan. Pamaya-maya, napabuntong-hininga ito. Hindi niya ito masabi. Kung ang pag-amin nga ng true feelings, hindi niya magawa, ito pa kaya na parang may nais ipakahulugan? Hay! Hanggang paramdam na lang ang kaya niyang gawin.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon