#TBMG2_WhenISeeYouAgain
TATLUMPU'T-ANIM
"Mom..." kaagad na pagtawag ni Harold sa kanyang ina na ngayon ay papasalubong at palapit sa kanya. Kakauwi lamang niya mula sa opisina at kakapasok lamang niya ng mansion.
May ngiti naman sa labi na lumapit si Madam Esmeralda sa anak. Binigyan niya ito ng halik sa pisngi.
"Si Kiel?" tanong ni Harold sa ina pagkatapos nitong halikan siya.
"Ayun... Nakatulog na naman sa paghihintay sayo..." sabi ni Madam Esmeralda.
Napabuntong-hininga na lamang si Harold. Alam niyang nagkukulang na naman siya ngayon bilang ama kay Kiel dahil sa nawawalan na naman siya ng oras para dito. Sa dami ba naman kasing trabaho na kailangan gawin sa opisina kaya hindi rin maiwasan na hindi siya magkaroon ng oras para sa anak.
"Oo nga pala Anak... May bisita ka..." sabi ni Madam Esmeralda na ikinakunot ng noo at ikinasalubong ng magkabilang kilay ni Harold ng marinig niya.
"Sino?" pagtatakang tanong ni Harold.
Napatingin ang kanyang ina sa living room kaya napasunod rin ng tingin si Harold sa tiningnan nito.
Bahagya pang nagulat at nanlaki ang mga mata ni Harold ng makita si Anton na nakatayo mula roon. Nakangiti habang nakatingin sa kanya.
"A-Anton?" may halong gulat na sabi nito.
- - - - - - - - - - -- -
"Gabi na huh...Anong ginagawa mo dito?... Bakit ka pumunta dito sa bahay?" tanong ni Harold kay Anton na katabi niya ngayong nakaupo sa isang bench dito sa garden ng mansion.
Napatingin si Anton kay Harold. Napangiti ito. "Umaakyat ako ng ligaw saka namamanhikan ako..." sabi nito na ikinagulat ni Harold.
"Huh? Umaakyat ng ligaw? Namamanhikan?" may halong gulat at pagtataka na tanong ni Harold kay Anton.
Bahagyang natawa si Anton sa nakitang reaksyon ni Harold dahil sa sinabi niya.
"Hindi... Joke lang iyong sinabi ko... Pero kung gugustuhin mo... Pwede kong gawing totohanan dahil kung tutuusin... Gusto kitang ligawan... Hindi ko pa kasi yata nagawa iyon sayo noon bago maging tayo..." sabi ni Anton.
Napaiwas ng tingin si Harold kay Anton. Napatingin ito sa madilim na kalangitan kung saan nagsabog at nagkalat roon ang mga makikinang na bituin.
Bahagyang nagulat muli si Harold ng maramdamang may humawak sa kanyang kanang kamay na nakapatong sa may bench kaya kaagad siyang napatingin dito at next kay Anton. Nakangiti itong nakatingin sa kanya.
"Nagpunta lang ako dito kasi gusto kitang makita..." sabi ni Anton.
Muling napaiwas ng tingin si Harold kay Anton. Malalim na napabuntong-hininga ito para maibsan ang matinding kaba na nararamdaman.
Naramdaman niya pa ang bahagyang pagpisil ni Anton sa kanyang kamay na nakadagdag sa matinding kaba na kanyang nararamdaman.
"Na-miss kong hawakan itong kamay mo..." pabulong na sabi ni Anton na narinig naman ni Harold.
Napatingin si Anton sa kalangitan habang hawak pa rin nito ang kamay ni Harold.
"Na-miss kong makatabi ka sa bawat oras..." pabulong na sabi muli nito.
Nanatiling tahimik lamang si Harold.
"Na-mimiss ko ang lahat... Na-mimiss ko ang lahat ng meron tayo dati..." pabulong na sabi muli nito.
BINABASA MO ANG
#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015
General FictionTHE BROKEN MAN'S GAME BOOK 2: WHEN I SEE YOU AGAIN NOTE: READ THE BROKEN MAN'S GAME (BOOK 1) FIRST BEFORE READING THIS... THANKS! DON'T FORGET TO FOLLOW, VOTE AND COMMENT... DATE STARTED: JULY 25,2015 (SATURDAY) DATE FINISHED: SEPTEMBER 12,2015 (SAT...