55 (THE REVISED VERSION)

2.3K 69 2
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

LIMAMPU'T-LIMA: THE SHOCKING FINALE PART 2

"Gun..."

Napatigil sa paglalakad papuntang arrival area si Gun nang marinig niya ang pagtawag sa kanyang pangalan. Hindi pa man niya ito niilingon, alam na niya kung sino ang tumawag sa kanya dahil kilalang-kilala ng puso't-isipan niya ang boses na iyon.

Dahan-dahan lumingon at napaharap si Gun. Nagulat siya nang makita si Harold na ngayon ay nasa hindi kalayuan at nakatayo. Nakatingin sa kanya na may tipid na ngiti sa labi. Hindi niya inaasahan na susundan siya nito ngayon sa airport.

Dahan-dahan siyang naglakad palapit rito. Hindi mapagsidlan ang saya na nararamdaman ni Gun dahil kahit sa huling pagkakataon, nagkaroon siya ng pagkakataon na makita ang pinakamamahal.

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na aalis na ako?" tanong ni Gun kay Harold. Parang maiiyak na ito.

Hindi sumagot si Harold. Sumilay lamang ang ngiti sa labi nito habang titig na titig sa kanyang mukha.

Napatitig na lang rin si Gun sa mukha ni Harold. Ang gwapong mukha ng taong nagpapatibok ng todo-todo sa kanyang puso.

Pamaya-maya ay nagulat na lamang si Gun ng biglang itaas ni Harold ang kamay nito papunta sa kanyang pisngi. Hinaplos nito ang kanyang pisngi. Pagkatapos ay napunta ang kamay nito sa kanyang noo, pababa sa kanyang mga mata, napapikit siya, pagkatapos ay bumaba ang haplos nito sa kanyang ilong at ang huli, napahaplos ang malambot na kamay nito sa kanyang malambot na labi. Napadilat siya. Kitang-kita ni Gun ang nangingilid na luha sa gilid ng mga mata ni Harold. Titig na titig ito na animo'y kinakabisado ang bawat detalye ng kanyang mukha.

"Harold..."

"Mahal na mahal kita..." mahina ngunit puno ng damdamin na sabi kaagad nito kay Gun. Hinahaplos nito ang kanyang kanang pisngi. Gulat na gulat naman si Gun sa narinig mula kay Harold.

"Ma-mahal...Mahal mo ako?" nauutal na tanong ni Gun. Hindi niya maitatanggi sa sarili na masaya siya sa narinig mula kay Harold.

Sa halip na sumagot ay ngumiti lamang si Harold. Matamis na ngiti ngunit kitang-kita rin ni Gun ang lungkot sa mga mata nito.

"Harold..."

"Mahal na mahal kita..." sabi kaagad nito.

Biglang niyakap ni Gun ng mahigpit si Harold. Parang ayaw na tuloy niyang umalis pero kailangan niyang umalis. Pamaya-maya ay bumitaw rin siya sa yakap pero ang mga braso ay nakapalupot sa bewang ng huli. Tumitig siya sa mga mata nito. Ang mga mata ni Gun ay puno ng saya na may halong lungkot at panghihinayang.

"Mahal na mahal rin kita... alam mo 'yan... Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko..." madamdaming bulong ni Gun kay Harold. Magkalapit ang kanilang mga mukha. Hindi alintana na nasa airport sila at may mga taong nakakakakita sa kanila. Wala na silang pakielam sa mga ito.

Kitang-kita ni Gun ang pagdaloy ng luha ni Harold mula sa mga mata nito. Napangiti pa ito kay Gun.

"Wag kang umiyak... Hindi ka ba masaya na mahal kita?" tanong ni Gun.

Nanatili lamang walang sagot si Harold at nakatitig lamang sa mukha ni Gun.

"Uy! Bakit hindi ka sumasagot?..."

"Alagaan mo lagi ang sarili mo huh... Huwag kang magpapabaya..." sabi kaagad ni Harold na patuloy na lumuluha. "Tandaan mo lang lagi na nandito lang ako sa tabi mo at laging magbabantay sayo... Mahal na mahal kita..." sabi ni Harold.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon