A/N: MARAMING SALAMAT PO SA PATULOY NA PAGBABASA!!! DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT...
#TBMG2_WhenISeeYouAgain
APATNAPU'T-ANIM
"Nice..." nangingiting sabi ni Chace habang nililibot nito ang tingin sa paligid ng mansion. Kasabay niyang naglalakad ngayon si Harold sa gitnang bahagi ng garden patungo sa main door ng mansion. Nakatingin naman sa kanya si Harold.
"Ang lawak at ang ganda ng mansion niyo..." sabi pa ni Chace na hindi talaga mapigilan ang pagkamangha sa ganda ng nakikita ng mga mata niya ngayon.
"Salamat..." sabi naman ni Harold. 'Hindi mo lang alam... Maaari rin itong mapasayo kung sakaling ikaw nga ang nawawalang anak ni Mom at ang kapatid ko...' sabi nito sa isipan. Napabuntong-hininga siya.
Napatingin si Chace kay Harold. "Oo nga pala... Ano bang meron at naimbitahan mo ako ngayon ditong pumunta?" tanong ni Chace. "May event ba?" tanong pa nito.
"Ah... eh... Wala naman. Gusto ko lang na imbitahan ka... Alam mo na... Isa ka kasi di ba sa mga kaibigan ko so gusto ko na mas makilala mo pa ako at siyempre, makilala rin kita..." palusot na sabi ni Harold. Hindi naman niya pwedeng sabihin dito ang tunay niyang pakay kaya niya inimbitahan si Chace.
Napangiti si Chace. "Ah... Parang getting to know each other ba ang gusto mo?" nakakalokong sabi nito.
Napatango na lamang si Harold.
Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa main door ng mansion. Kaagad hinawakan ni Harold ang doorknob nun at binuksan ang malaking pinto.
Bumungad sa mga mata ni Chace ang ganda ng itsura ng loob ng mansion nila Harold. Hindi niya first time makapunta sa isang mansion pero hindi pa rin nito napigilan na mamangha sa ganda ng loob ng mansion. Sa tingin nga niya isa ang mansion nila Harold sa mayroong pinakamaganda na architectural design na nakita niya.
"Sino bang architect niyo? Ang ganda talaga kasi ng mansion niyo eh..." may pagkamanghang sabi ni Chace.
"Ah... eh... Hindi ko na matandaan kung sino... Wala pa kasi ako sa mundo ng itayo itong mansion nila Mom kaya kahit na sinabi nila ang pangalan ng kung sino ang gumawa nito, nakakalimutan ko naman..." sagot ni Harold.
Tuluyan na silang pumasok sa loob. Doon lamang nila napansin na nakatayo pala sa hindi kalayuan si Madam Esmeralda. Titig na titig ito kay Chace at parang anytime ay maluluha na ang mga mata nito.
Napatingin rin dito si Chace. Napangiti. Kaagad na nilapitan ang ginang.
"You must be Mrs. Rodriguez? Harold's Mom?" tanong ni Chace. "I heard good things ab..."
Nagulat na lamang si Chace ng bigla siyang yakapin ng mahigpit ni Madam Esmeralda. Halos manlaki pa nga ang mga mata nito sa ginawa ng ginang.
"Ahm... Mrs. Rodriguez? May problema ba?" gulat na tanong ni Chace. Napatingin ito kay Harold na napaiwas naman ng tingin sa kanya.
Muling napatingin si Chace kay Madam Esmeralda ng humiwalay ito sa yakap sa kanya. Malapit pa rin ito sa kanya at mas lalo pa siyang nagulat sa sunod nitong ginawa. Bigla itong tumingkayad para maabot ang pisngi niya na biglang hinawakan ng magkabilang palad nito. Titig na titig ang mga mata ng ginang sa mga mata niya. Kitang-kita ni Chace na maluha-luha si Madam Esmeralda na pinagtatakahan niya kung bakit.
"Ang mga mata mo... Kaparehong-kapareho ng kulay ng mga mata ng... daddy mo..." naluluhang saad ni Madam Esmeralda. "Ang iyong kagwapuhan at ang tindig mo... Hindi nalalayo sa kanya..." sabi pa nito.
BINABASA MO ANG
#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015
General FictionTHE BROKEN MAN'S GAME BOOK 2: WHEN I SEE YOU AGAIN NOTE: READ THE BROKEN MAN'S GAME (BOOK 1) FIRST BEFORE READING THIS... THANKS! DON'T FORGET TO FOLLOW, VOTE AND COMMENT... DATE STARTED: JULY 25,2015 (SATURDAY) DATE FINISHED: SEPTEMBER 12,2015 (SAT...