37

1.7K 68 4
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

TATLUMPU'T-PITO

Dahan-dahang iminulat ni Harold ang kanyang mga mata. Unang nasilayan ng mga ito ang kulay sky blue na kisame ng kanyang kwarto. Bahagya siyang napangiti sa hindi malamang kadahilanan. Marahil ay maganda lamang ang kanyang gising ngayon kaya siya'y napapangiti.

Pamaya-maya ay tumagilid siya ng higa sa kanyang hinihigaang kama at halos mapalundag at mahulog siya sa kama ng magulat siya ng todo dahil nakita niyang katabi niya sa hinihigaang kama si Gun. Nakangiting nakatingin sa kanya habang patagilid rin na nakahiga sa kanyang kama. Nakaunan pa ang kaliwang braso nito sa ulo. Kaagad tuloy siyang umalis sa kanyang kama at tumayo.

"Good Morning..." nakangiting sabi nito.

"A-A-Anong ginagawa mo dito sa loob ng kwarto ko?" gulat na sabi ni Harold habang nakatingin dito na nanlalaki pa ang mga mata.

Napangiti si Gun. "Nice body huh..." sabi ni Gun na ngayon ay nakatingin sa hubad na katawan ni Harold. Topless ito at tanging boxer shorts lamang ang suot. Ganun kasi si Harold kapag natutulog, walang suot na pang-itaas na damit.

Kaagad na napatingin sa sarili si Harold at halos hatakin na niya ng todo ang kumot na nakapatong sa kanyang kama at ibinalot sa kanyang sarili. Nahihiya siya.

"Kung makabalot ka naman sa katawan mo... akala mo naman kakainin ko 'yan ng buo at rereypin kita..." sabi ni Gun. Naupo ito sa kama. "Pero pwede rin naman sigurong mangyari ang sinabi ko kung gugustuhin mo..." mapanukso pa nitong sabi.

"Tumigil ka nga!" sigaw na sabi ni Harold. Pilit nitong isinisiksik ngayon ang sarili sa gilid ng pader habang nakatingin kay Gun. "Ano ba kasing ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok sa kwarto ko? Nag-akyat bahay ka ba?" sunod-sunod na tanong nito.

"Hoy! Hindi ako akyat bahay..." sabi ni Gun. "Pinaakyat at pinapasok ako dito ni Mommy..."

"Mommy?" sabi kaagad ni Harold na hindi pa rin makarecover sa gulat sa nangyayari.

"Yup... Si Mommy Esmeralda... My soon to be mommy dahil soon... magiging asawa na kita..." medyo pabiro nitong sabi.

Napaiwas na lamang ng tingin si Harold kay Gun at napailing.

"Bakit ka ba nandito? Umagang-umaga nambubulabog ka na naman..." sabi ni Harold na hindi tumitingin kay Gun.

"Gusto lang kasi kitang makita ngayong umaga... Para ka kasing Morning show... kinukumpleto mo ang buong araw ko kahit na umaga pa lang..." sabi nito habang nakatingin kay Harold at pataas-baba-taas-baba-taas-baba pa ng magkabilang kilay.

Muling napailing si Harold. Kung ano-anong sinasabi.

"Nice painting huh... Saan mo 'yan nabili?"

Kaagad na napatingin si Harold kay Gun ng marinig iyon. Nakita niyang nakatingin si Gun sa painting na nakasabit sa itaas na bahagi ng kama niya.

"Ah... eh... Binigay lang sa akin 'yan..." sabi ni Harold. Binigay sa kanya ni Anton.

"Ah ok..." sabi ni Gun at muling napatingin kay Harold. "Oo nga pala... Mag-ayos ka na at gusto kong makasabay ka sa almusal..." sabi ni Gun.

Nangunot ang noo at nagkasalubong ang magkabilang kilay ni Harold.

"Bakit? Wala ka bang kasabay sa inyo para mag-almusal?" tanong ni Harold.

Bahagyang natawa si Gun. "Actually... Meron naman... si Lola kaso gusto ko ngayon na ikaw ang kasabay ko sa almusal... Gusto ko kasing mabusog ng todo... Alam ko kasi na kapag kasama at nakikita kita... Hindi lang tiyan ko ang mabubusog kundi pati ang mga mata ko at siyempre... ang puso ko..." sweet na sabi nito.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon