13

2.5K 93 8
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

LABING-TATLO

"Siya na ba?" tanong ni Henry kay Harold na nakaupo sa swivel chair nito. Nasa loob sila ngayon ng office ni Harold.

Napatigil sa pagta-type sa laptop si Harold at napatingin kay Henry na nakaupo naman sa kaliwang upuan na nasa tapat ng office desk niya. Nagsalubong ang magkabilang kilay at nangunot ang noo nito.

"Huh? Anong sinasabi mo diyan?" pagtatakang tanong ni Harold kay Henry.

Napangiti si Henry. "Si Gun... 'yung ipinakilala mo sa akin kahapon bilang bestfriend mo since high school, siya na ba?" tanong muli nito.

"Huh? Paano napasok si Gun? Hindi kita maintindihan..."

"Siya na ba ang bago mong ipapasok diyan sa puso mo? I mean... siya na ba ang magiging kapalit ni Anton?" tanong kaagad ni Henry na nagpalaki naman sa buka ng mga mata ni Harold. Literal na nagulat siya sa sinabi ng kaibigan.

"What?!!! Are you insane? Manginig ka nga sa sinasabi mo diyan... Si Gun na bestfriend ko? Ipapalit ko kay Anton?" sabi nito at napailing-iling. "Kung ano-anong sinasabi mo diyan..." sabi pa nito.

"Bakit? May masama ba sa sinabi ko? Saka di ba, halos lahat naman ng relasyon na nabubuo, nagsisimula sa pagiging magkaibigan right?" sabi ni Henry.

Napailing-iling si Harold sa sinabi ng kaibigan. "Henry naman... Gun is only my bestfriend... 'Yun lang at hanggang doon lang iyon... Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano diyan..." sabi ni Harold at umiwas ng tingin sa kaibigan.

"Bakit? Ayaw mo ba sa kanya? Mukha naman siyang mabait at mabuting tao... And I think, he's a good catch..." sabi ni Henry. "Isa pa... kailangan mo rin naman na siguro na magmahal at may magmahal rin sayo para naman may mag-aalaga na..."

"Shut up Henry..." sabi kaagad ni Harold na napatingin muli sa kaibigan. Napabuntong-hininga ito. "Sinabi ko na sayo... Gun is my bestfriend at hindi na lalagpas roon... Isa pa, wala sa bokabularyo ko ngayon ang salitang pag-ibig... Di ba ikaw na rin ang nagsabi na ibuhos ko kay Kiel ang buong pagmamahal ko? 'yun ang ginagawa ko ngayon..."

"Pero hindi ko sinabi na huwag ka ng magmahal muli... Harold... Lahat ng tao sa mundo, nangangailangan ng pagmamahal na nagmumula sa ibang tao... If you know what I mean... Iba kasi ang pagmamahal na nagmumula sa kadugo kaysa sa pagmamahal na nagmumula sa ibang tao..." sabi kaagad ni Henry at napabuntong-hininga. "Siguro naman it's time for you to fall in love again with somebody else after ng sa inyo ni Anton... I think, naka-move on ka na..." sabi pa nito.

"Henry... Oo, naka-move-on na ako pero hindi ibig sabihin nun ay magmamahal na muli ako ng iba..." sabi ni Harold.

"Naka-move-on ka na nga ba? O baka kaya naman ayaw mong magpapasok ng ibang tao diyan sa puso mo kasi siya pa rin ang nag-iisang laman niyan..." sabi ni Henry.

"Henry..." sabi ni Harold. Napabuntong-hininga ito. "Ikaw talaga, sa sobrang inlove mo sa gf mo, kung ano-ano ang sinasabi mo sa akin tungkol sa pag-ibig na 'yan..." sabi pa ni Harold. "I'm Happy and contented... Nandyan si Kiel na siyang alam kong pupuno ng pagmamahal na hindi maibibigay ngayon ng tinatawag mong pag-ibig na maibibigay lang ng ibang tao..."

"Pero mas magiging masaya ka kapag nagmahal ka muli at minahal ka... Alam mo naman siguro ang pakiramdam na magkaiba ang pagmamahal na galing sa iyong anak kaysa sa pagmamahal na nanggagaling sa taong nagpapatibok ng puso mo tama?" sabi kaagad ni Henry. Napabuntong-hininga ito. "I think... iisa lang ang nakikita ko sayo ngayon, 'yun ay ang hindi ka pa nakakamove-on kay Anton... Hanggang ngayon, mahal mo pa rin siya..." sabi pa ni Henry.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon