#TBMG2_WhenISeeYouAgain
APATNAPU'T-TATLO
Sa loob ng restaurant. Sa bandang dulo. Magkaharap na nakaupo sa pandalawahang mesa sila Gun at Chace. Nakahain na sa mesa ang mga inorder nilang pagkain kanina ngunit miski isa sa mga ito'y hindi pa nila nagagalaw. Ramdam na ramdam ang tensyon sa pagitan ng dalawa.
Matalim na titig ang ipinupukol ni Gun sa kaharap na si Chace na nakatingin rin sa kanya at nakangisi.
"Alam mo... Kung nakakahiwa lang ang tingin mo... Siguro kanina pa nagkapira-piraso dito sa harapan mo ang katawan ko..." paunang sabi ni Chace na bumasag sa kanina pa namumuong katahimikan sa pagitan ng dalawa.
"Sana nga..." maangas na sagot ni Gun na kanina pa nakakaramdam ng matinding inis sa kaharap.
Napangisi ng todo si Chace sa narinig mula kay Gun. Kinuha nito mula sa mesa ang nakapatong na tasa ng kape saka humigop doon. Pagkatapos ay muli nitong ibinalik sa pagkakapatong sa mesa ang kinuhang tasa at muling tumingin kay Gun.
"Anyway... Like what you said yesterday... Sinabi mo di ba na susundin mo ang lahat ng gusto ko tama ba?" tanong ni Chace. Pinagsalikop pa nito ang magkabilang braso sa tapat ng kanyang dibdib.
"Oo... Kaya sabihin mo na sa akin ngayon kung anong gusto mo para matapos..."
"Oh!Oh!Oh! Relax ka lang diyan Gun...Darating rin tayo diyan." sabi kaagad ni Chace na natatawa. "Masyado ka naman yatang nagmamadali... Kita mong nag-eenjoy pa akong makita kang nagkakaganyan...." Sabi pa nito. Napatingin si Chace sa mga pagkaing nasa harapan. "Bakit hindi ka muna kumain? Baka nagugutom..."
"Wala akong balak na makasalo sa pagkain ang katulad mo kaya ikaw na lang ang kumain..." sabi kaagad ni Gun.
Napatango si Chace. "Ok... Bahala ka... Sinasabi ko lang naman sayo na kumain ka muna baka kasi sabihin mo na napakasama kong tao at hindi kita pinapakain ngayon..." sabi ni Chace.
"Bakit? Hindi ka nga ba masamang tao?" matigas na tanong ni Gun.
Napangisi si Chace. "Hindi naman ako masamang tao... Noon... Pero ng dahil sayo at sa ginawa mo... Hindi lang ako naging masamang tao... Naging kawangis ko pa ang demonyo..." maangas na sabi ni Chace.
Natahimik si Gun sa sinabi ni Chace. Napabuntong-hininga ito.
"Sabihin mo na sa akin kung anong gusto mo para matapos na ang pag-uusap nating ito..." sabi ni Gun.
"Bakit? Ayaw mo na ba akong makita at makausap? Kita mong nag-eenjoy pa ako tapos pinuputol muna ang pag-eenjoy ko..."
"Sabihin mo na... Ayaw ko ng makipagligoy-ligoy pa sayo..." sabi kaagad ni Gun.
Napatango si Chace. "Mukha nga... Anyway... Sigurado ka ba na susundin mo ang lahat ng gusto kong ipagawa sayo?"
"Oo nga... Kaya sabihin mo na..." sabi kaagad ni Gun.
Napangisi si Chace. "Sigurado ka? Baka magsisi ka..."
"Sabihin mo na..." matigas at may diin na saad ni Gun.
"Ok... If that's what you wish..." sabi ni Chace saka napangiting nakakaloko. "Paano kung sabihin ko sayo na gusto kong gawin mo ay tumalon ka sa building at mamatay ka na? Gagawin mo ba?" tanong nito na bahagyang ikinagulat ni Gun.
Hindi nakasagot si Gun sa sinabi ni Chace.
Napangiti ng nakakaloko si Chace. "Hay! Sinabi ko na nga ba... Kaya hindi ako naniniwala sa mga sinasabing ganyan ng mga tao na gagawin raw nila ang lahat... Mabuti na lang at hindi ako naniwala sa mga sinabi mo dahil ngayon pa nga lang na ipapagawa ko ang gusto ko na mangyari sayo... Hindi mo magawa..." sarcastic na sabi ni Chace.
Tumindi ang nararamdamang galit ni Gun.
"Hayop ka talaga..." mahina ngunit matigas na saad ni Gun.
Napangiti lang ng nakakaloko si Chace. "Mali ka Gun... Tao ako... Masamang tao..." sabi nito.
Muling namuo ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.
"Ano? Gagawin mo ba? O papanuorin mo na lang na maghirap at mamatay ang pinakamamahal mong... Lalaki? Hahahaha!" natatawang sabi ni Chace pagkatapos ng mahabang katahimikan.
"Hindi kita hahayaan na mangyari iyon..." sabi ni Gun.
"At paano? Paano mo ako pipigilan? Isusumbong mo ako sa mga pulis? O ano?" sunod-sunod na tanong ni Chace.
"At bakit ko naman sasabihin sayo ang mga gagawin ko para lang mapigilan ka? Hindi naman ako tanga..." matigas na sabi ni Gun. "Ito ang tandaan mo Chace... Kapag may ginawa kang hindi maganda sa kanya... Mas mauuna kang mamatay..." matigas na sabi pa nito.
Natawa si Chace. "Wow naman! Natakot ako alam mo ba iyon?" sarcastic na sabi nito. "Pero mas matakot ka sa akin dahil hindi mo pa ako lubusang kilala at hindi mo alam ang mga kaya kong gawin... Magugulat ka na lang na parang BOOM!... Parang bomba na sasabog sa harapan mo ang mga gagawin ko na tiyak... Hindi mo kakayanin pang makita..." sabi pa nito with matching panlalaki pa ng mga mata.
Napakuyom ang magkabilang kamao ni Gun na nakapatong sa kanyang hita habang matalim pa rin ang tingin kay Chace.
"Napakalaki ba ng kasalanan ko sayo kaya mo ito ginagawa? Pati ibang tao handa mong idamay..."
"Oo! Malaki ang kasalanan mo sa akin at higit sa lahat... Sa kapatid ko... Ang napakabait at malambing kong kapatid na walang awa mong sinaktan... pinaglaruan at pinatay... Kaya lahat ay gagawin ko mapaghiganti ko lang siya sayo... Kahit buhay pa ang kapalit..." matigas na sabi kaagad ni Chace.
"Pero alam mo at alam rin niya na hindi ako ang pumatay..."
"IKAW ANG PUMATAY SA KANYA!" malakas na sigaw ni Chace na narinig ng lahat ng tao na nasa loob ng restaurant. Napatingin ang mga ito sa kanilang dalawa. Ramdam nila ang matinding galit sa boses nito. "Kaya sisiguraduhin ko na papatayin rin kita... Papatayin kita sa sama ng loob..." matigas na sabi ni Chace. Matalim, at namumula sa galit ang mga mata nito na nakatingin kay Gun. Napahampas pa ang dalawang palad nito sa mesa.
Natahimik si Gun. Nanatili na lamang siyang nakatingin kay Chace. Nawala ang talim ng tingin nito.
"Kaya humanda ka na... Kung ikaw... Handa mong gawin ang lahat para lang mailigtas ang mahal mo... Ako... handa kong gawin ang lahat mapatay lang kita... Handa kong gawin ang lahat para lang sa hustisya sa ginawa mo sa kapatid ko... Naiintindihan mo ba?" matigas na sabi pa nito. "Ilalagay ko sa kamay ko ang hustisya sa ginawa mo sa kapatid ko..." sabi pa nito.
Nanatiling nakatingin si Gun kay Chace. Ramdam na ramdam na niya ang kaba na bumabalot sa kanyang dibdib. Matinding kaba na ngayon lamang niya naramdaman sa buong buhay niya. Kabang hindi mo nanaisin na maramdaman kailanman.
Biglang tumayo na si Chace mula sa kanyang inuupuan. Kinuha ang wallet sa bulsa sa likod ng suot niyang pantalon. Kumuha siya ng pera at pabagsak na inihagis iyon sa ibabaw ng mesa. Pagkatapos ay walang sali-salitang umalis at naglakad na ito palayo at palabas ng restaurant.
Naiwan si Gun na tulala. Ngayon pa lang, nakakaramdam na siya ng takot. Takot na baka bukas makalawa, may mangyaring hindi maganda kay Harold. Hindi niya iyon hahayaang mangyari. Kahit na sa kanya na lang may mangyaring hindi maganda, ok lang basta wala lang ritong mangyari na masama. Kung kailangan niyang maging bodyguard nito 24/7, gagawin niya para lang mailigtas ito sa gagawin ni Chace laban sa kanya.
-KATAPUSAN NG KABANATA APATNAPU'T TATLO-
BINABASA MO ANG
#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015
General FictionTHE BROKEN MAN'S GAME BOOK 2: WHEN I SEE YOU AGAIN NOTE: READ THE BROKEN MAN'S GAME (BOOK 1) FIRST BEFORE READING THIS... THANKS! DON'T FORGET TO FOLLOW, VOTE AND COMMENT... DATE STARTED: JULY 25,2015 (SATURDAY) DATE FINISHED: SEPTEMBER 12,2015 (SAT...