#TBMG2_WhenISeeYouAgain
DALAWA
"Kiel..." pagtawag ni Harold sa anak habang naglalakad at inililibot ang paningin sa kung saan-saang parte ng mansion. Hinahanap niya ang kanyang anak para patulugin na ito dahil sa gabi na.
"Kiel..." pagtawag niya muli rito. Patuloy itong naghahanap.
Napahinto sa paglalakad si Harold ng sa wakas ay makita niya si Kiel. Napansin niyang nakaupo ito ng pa-indian sit doon sa may lapag ng veranda habang nakatingala sa kalangitan.
Kaagad niyang nilapitan si Kiel.
"Kiel..." pagtawag niya muli rito pero hindi siya nito pinapansin. Para itong tulala na nakatingin pa rin ang mga mata sa madilim na kalangitan na punong-puno ng nagkalat na mga bituin.
Napabuntong-hininga si Harold at umupo rin ito sa tabi ng anak. Naka-indian sit na rin ito. Alam na niya kasi kung bakit ganito ngayon ang ginagawa ng anak.
"Daddy... ang sabi niyo po di ba... nandun si Mommy?" tanong nito sa ama nang hindi tumitingin rito. Tinuro ng munti nitong hintuturong daliri ang kalangitan. "Bakit hindi ko po siya makita? Gusto ko po siya makita..." sabi nito na may halong lungkot sa boses.
"Anak..." malungkot rin na sabi ni Harold at niyakap niya ang anak.
"Mabuti pa po si Mommy, sabi niyo po nakikita niya ako pero ako po... Hindi ko siya makita... Bakit ganun?" sabi nito sabay tingin sa hawak-hawak pala nitong litrato. Litrato ni Diana na hindi napansin ni Harold na hawak-hawak pala nito.
Muling napabuntong-hininga si Harold. Mas hinigpitan niya ang yakap sa kanyang anak. Halata niya kay Kiel na sabik na sabik ito sa pagkakaroon ng isang ina.
Nagsimulang mag-usisa at hanapin sa kanya ni Kiel ang mommy niya nung 4 years old ito. Aksidente kasi nitong nakita ang picture nun ni Diana at tinanong kung sino 'yon. Hindi naman sa hindi gusto ni Harold na ipakilala niya si Diana sa anak, bata pa kasi ito kaya alam niya na hindi pa masyadong maiintindihan nito ang lahat. Pero nung nagsimula na nga itong mag-usisa at magtanong ng tungkol sa mommy nito, doon ay ipinagtapat na niya ang lahat kahit na sa tingin niya ay hindi pa rin nito masyadong maintindihan ang mga sinabi niya. Sinabi niya rito na nasa heaven na ang mommy nito and so on. Nalungkot nga ito at hindi alam ni Harold kung naintindihan ba nito ang ibig niyang sabihin na nasa heaven na ang mommy nito.
"Daddy... Kailan ko po ba makikita si Mommy?" tanong nito kay Harold. Nakatingin na ito sa kanyang daddy. Kitang-kita ni Harold ang lungkot sa mga mata ng anak.
Napatingin rin si Harold sa anak. Napangiti ng tipid. "Soon baby..." sagot nito. "Don't worry Kiel... Daddy is always here for you and your mommy is guiding you from a far and smiling while looking at you... Smile baby... ayaw ni Mommy ng hindi nagi-smile si Kiel..." sabi nito sa anak. Binitawan na niya sa yakap ang anak.
Hindi pa rin nag-smile si Kiel at ibinalik ang tingin sa kalangitan. "Mommy... Please... Can I see you now? I want to see you..." sabi nito na animo'y kausap nito ang mommy.
Napabuntong-hininga muli si Harold. Nakatingin lamang siya rito. Naiintindihan naman niya ang kanyang anak. Bata pa ito kaya talagang maghahanap ito ng ina. Kahit na alam niyang nandyan siya at naibibigay naman niya dito ang lahat at nagagampanan niya ang tungkulin ng isang ama at minsan ay ina na rin, still, hindi pa rin iyon kumpleto... Laging may kulang at iyon siguro ang nararamdaman ni Kiel ngayon.
Nahirapan si Harold na palakihin ng mag-isa si Kiel. Hindi naman kasi siya expert pagdating sa pag-aalaga ng mga baby. Siya ang halos gumawa ng lahat at gumabay para lumaking mabuting bata ang anak. Mahirap maging isang single parent. Lahat nasa iyo ang responsibilidad. Hindi sa nagrereklamo siya na mahirap, anak naman niya ito pero alam niyo 'yung pakiramdam na sana, dalawa kayong nag-aalaga sa anak ninyo. Pareho kayong nagmamahal sa kanya para 'yung bata, busog na busog sa pagmamahal. Minsan kasi, kahit na sobrang mahal natin sila, sa pakiramdam nila, kulang pa rin iyon kasi wala iyong isang taong magpaparamdam pa sa kanila na mahal sila. Mahirap sa isang bata na lumaki ang wala ang isa sa mga magulang niya.
BINABASA MO ANG
#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015
General FictionTHE BROKEN MAN'S GAME BOOK 2: WHEN I SEE YOU AGAIN NOTE: READ THE BROKEN MAN'S GAME (BOOK 1) FIRST BEFORE READING THIS... THANKS! DON'T FORGET TO FOLLOW, VOTE AND COMMENT... DATE STARTED: JULY 25,2015 (SATURDAY) DATE FINISHED: SEPTEMBER 12,2015 (SAT...