#TBMG2_WhenISeeYouAgain
LABING-PITO
Nakahiga sa kanyang kama na nasa loob ng kanyang kwarto si Harold. Tulala habang nakatitig sa kisame. Hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa kanyang isipan ang nangyaring halikan nila ni Gun sa loob ng kanyang opisina kanina lamang umaga.
Inilagay ni Harold ang kanyang kanang kamay sa tapat ng kanyang dibdib. Ramdam niya ang mabilis na pagpintig ng puso niya sa loob. Animo'y nasa karera ang puso niya sa bilis ng takbo nito at hindi niya alam kung bakit nagkakaganito ang puso niya. Hindi nga lang ba niya talaga alam o sadyang pilit lang niyang itinatanggi sa sarili niya na alam niya talaga kung bakit?...
'Nahuhulog na naman ba ako? Nahuhulog na naman ba ang puso ko and this time... Kay Gun naman?' tanong ni Harold sa kanyang isipan. Pamaya-maya, napabuntong-hininga ito ng malalim. 'O baka naman kasi kaya ganito ang nararamdaman ko towards him dahil sa unti-unti na naman akong nasasanay na nandyan siya sa tabi ko?' tanong nito sa isipan. Muli itong napahinga ng malalim. Nalilito siya kung ano ba ang sagot sa mga tanong niya.
Sa kabilang dako naman, nakahiga rin sa kanyang kama na nasa loob ng kanyang kwarto si Gun. Hindi ito tulala sa halip ay nakangiti itong nakatitig sa kisame at animo'y doon niya nakikita ang mukha ni Harold. Mas lumalawak pa ang ngiti nito sa labi sa tuwing maiisip ang halikan nila ni Harold. Ang tamis, ang init, ang lambot ng labi ni Harold.
Mas lalong lumawak pa ang ngiti nito lalo na't sumasagi sa isipan niya ngayon ang mga ala-ala ng pinagsamahan nila ni Harold.
'Malapit na Harold... Malapit na akong magkaroon ng lakas ng loob para sabihin sayo ang matagal nang isinisigaw ng puso ko... Malapit na...' sabi nito sa isipan at napangiti pa ng todo. 'Kaya kung sino man ngayon ang nasa loob ng puso mo, umalis-alis na siya diyan dahil tuluyan na akong papasok sa loob... Sisiguraduhin kong ikaw ang magiging pinakamasayang tao sa mundo oras na ako ang ilagay mo sa loob ng puso mo...' sabi pa nito sa isipan.
- - - - - -- - - - - -
"You're here again..." sabi ni Harold ng makitang nandito na naman si Gun sa loob ng kanyang opisina. Napaiwas ito ng tingin dahil sa nakaramdam siya ng ilang.
Napabuntong-hininga si Gun. Ramdam niya ang pagkailang ni Harold sa kanya. Naiilang siguro ito dahil sa nangyari kahapon.
Nagulat na lamang si Harold ng may humawak sa kanyang kaliwang braso kaya napapiksi siya at nabitawan siya nito. Napatingin si Harold kay Gun.
Napabuntong-hininga muli si Gun. Tama nga siya, naiilang si Harold sa kanya.
"I'm sorry for what happened..."
"Forget it... It's nothing..." sabi kaagad ni Harold at umiwas muli ng tingin kay Gun.
Para namang nag-echo ng paulit-ulit sa tenga ni Gun ang sinabi nito. Aminado siyang nasaktan sa sinabi nito.
'Forget it? It's nothing? Huuh! Kung sayo wala lang iyon at dapat ng kalimutan, sa akin, hindi... Napakalaking bagay ng nangyaring iyon at hindi basta-basta na dapat kalimutan...' sabi ni Gun pero sa isipan lang.
Napabuntong-hininga si Gun at pilit na ngumiti. Kinakalimutan niya sa isipan niya ang mga sinabi nito at pinapaniwala ang sarili na hindi niya narinig mula kay Harold ang mga salitang iyon.
"By the way... My Lola wants to meet you..." sabi ni Gun ng nakangiti. Parang walang narinig na masakit na salita.
Nagsalubong ang magkabilang kilay at nangunot ang noo ni Harold.
"Huh? Ako? Gustong ma-meet ng lola mo? Bakit?" pagtatakang tanong nito.
Ngumiti muli si Gun. "Dati pa kasi kita naikwekwento sa kanya. Eh kahit kailan naman hindi pa kita nadadala sa bahay namin kaya gusto niya na makita ka..." sabi ni Gun. "Gusto niyang makilala ang bestfriend ko..." sabi pa nito.
BINABASA MO ANG
#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015
General FictionTHE BROKEN MAN'S GAME BOOK 2: WHEN I SEE YOU AGAIN NOTE: READ THE BROKEN MAN'S GAME (BOOK 1) FIRST BEFORE READING THIS... THANKS! DON'T FORGET TO FOLLOW, VOTE AND COMMENT... DATE STARTED: JULY 25,2015 (SATURDAY) DATE FINISHED: SEPTEMBER 12,2015 (SAT...