#TBMG2_WhenISeeYouAgain
DALAWAMPU'T-ISA
"Layuan mo si Harold... Huwag mo na siyang lapitan o kausapin pa kahit kailan..." seryoso at may diin na sabi ni Gun kay Anton habang titig na titig siya rito. Magkatapat silang nakatayo ngayon sa isang tagong lugar dito sa ospital.
Literal na napataas ang kaliwang kilay ni Anton nang marinig ang sinabi sa kanya ni Gun.
"Anong sabi mo? Layuan ko siya? Huwag kausapin at huwag ng lapitan?" tanong ni Anton.
"Oo..." sabi ni Gun.
Tinitigan ni Anton si Gun. "At anong karapatan mo para pagbawalan ako huh?" tanong ni Anton. "Ano ka ba niya?" tanong pa nito sabay ngiti ng pang-asar.
Napangiti rin ng pang-asar si Gun. "Tinatanong mo ba kung anong karapatan ko? Sa ngayon... wala pa naman... Sinasabihan lang kita... At tinatanong mo kung ano ako ni Harold? Sige, sasabihin ko para malinaw na sayo kung ano nga ba ako sa buhay niya... I'm his bestfriend and soon to be his boyfriend..." sabi ni Gun.
Natawa ng pagak si Anton. "Kung makapagbawal ka sa akin akala mo kung sino kang boyfriend niya... eh bestfriend ka lang pala..."
"Nila-lang mo lang ang pagiging bestfriend ko sa kanya?" may pagkainis na sabi ni Gun. "Eh ikaw ba? Sino ka ba sa buhay niya?" tanong ni Gun. Magsasalita na sana si Anton ng bigla muling magsalita si Gun. "Ah... alam ko na... Nakalimutan ko at baka nakalimutan mo rin na nagsisimula na lang sa "EX" ang role mo ngayon sa buhay niya? Tama ba?" tanong nito.Inemphasize pa ang salitang EX. Natawa ng pagak. Nakaramdam naman ng pagkainis sa kanya si Anton. "Kung tutuusin... Dapat nga hindi na kita pinagsasabihan na layuan siya eh, dapat ikaw na ang kusang lumalayo at hindi kumakausap sa kanya... Bakit? Kasi matagal na kayong tapos... Matagal ng putol ang ugnayan ninyong dalawa at wala ng dahilan pa para mag-usap kayong dalawa..." sabi pa nito.
Naningkit ang mga mata ni Anton sa inis na nararamdaman. "Siguro nga... Tama ka... Matagal na kaming tapos... Pero baka nakakalimutan mo ang kahulugan ng katagang "starting over again". 'Yun ang nangyayari sa amin ngayon... Tapos man kami pero pwede pa rin kaming magsimula muling dalawa..." sabi ni Anton na ikinainis naman ni Gun.
Natawa si Anton sa nakitang itsura ni Gun. Halatang naiinis na ito sa kanya.
"Umamin ka nga sa akin? Mahal mo ba ang bestfriend mo? At ngayon, nagseselos ka..."
"Oo... Mahal ko siya dati pa... Nung high school pa kami kaya kung pwede... Kung binabalak mo na makipagbalikan sa kanya... Huwag mo ng ituloy... Malaki ka kasing epal sa pagitan naming dalawa..." sabi kaagad ni Gun.
"Ako? Epal? Bakit naman ako naging epal? Saka kung nung high school mo pa pala siya mahal... di ba dapat dati pa, kayo na? Anong nangyari? Naduwag kang umamin sa kanya at ngayon kung makaasta ka... Parang ayaw mo ng may lumalapit sa kanya at palapitin si Harold sa kahit sino?" nakangiting pang-asar na sabi ni Anton. "Hindi ako epal... Kung tutuusin, ikaw ang epal sa ating dalawa... Pumasok ako sa buhay ni Harold na wala ka... Kami ni Harold, matagal ng naging kami at magiging kami ulit eh ikaw? Pagkatapos mong mawala sa buhay niya, bigla kang babalik at mag-aasta na boyfriend niya? Tsk! Tsk!" sabi ni Anton na napapailing-iling pa. "Huwag mong kalimutan itong sasabihin ko... Siguro nga, mas nauna mo siyang nakilala at nakasama kaysa sa akin... mas nauna mo siyang minahal... pero ako ang una niyang minahal... Minahal namin ang isa't-isa kaya wala kang karapatan na pagbawalin akong lapitan siya... wala kang karapatan na hadlangan ang kagustuhan kong mabuo muli kaming dalawa... Kung gusto mo na mapunta siya sayo... Lumaban ka ng patas hindi iyong tinatakot mo pa ako sa mga tingin mo dahil walang epekto sa akin 'yan..." sabi pa ni Anton na napapangiti pa.
BINABASA MO ANG
#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015
Ficción GeneralTHE BROKEN MAN'S GAME BOOK 2: WHEN I SEE YOU AGAIN NOTE: READ THE BROKEN MAN'S GAME (BOOK 1) FIRST BEFORE READING THIS... THANKS! DON'T FORGET TO FOLLOW, VOTE AND COMMENT... DATE STARTED: JULY 25,2015 (SATURDAY) DATE FINISHED: SEPTEMBER 12,2015 (SAT...