#TBMG2_WhenISeeYouAgain
TATLUMPU
Abala si Harold sa kanyang ginagawa habang nakaharap sa kanyang laptop. Kanina pa talaga siya busy-ing-busy. Kailangan kasi niya matapos ang lahat ng gagawin niya para wala na siyang gagawin na iba pa sa darating na weekends kung saan iyon ang araw kung saan oras para makipag-bonding naman siya sa anak na si Kiel.
Kaagad na napatingala at napatigil sa ginagawa si Harold ng marinig niyang bumukas ang pintuan ng kanyang opisina. Nagtatakang tiningnan niya ang pumasok na si Gun na seryosong nakatingin sa kanya.
"Bakit ka nandito? Bakit ka ganyan makatingin sa akin?" mga tanong ni Harold kay Gun.
Hindi nagsalita si Gun. Seryoso pa rin ang mukha nito na nakatingin sa kanya. Pamaya-maya, lumapit ito sa kanya at bigla na lamang siyang hinawakan sa kanang braso niya saka hinila patayo sa inuupuan niyang swivel chair.
"Uy!" nasabi lamang ni Harold dahil biglang hinila na siya palakad at palabas ng kanyang opisina.
"Oy! Saan mo ako dadalhin?" tanong ni Harold na halata ang pagkagulat at pagtataka sa mukha. Naglalakad at papunta sila ngayon sa kung saan.
Hindi nagsalita si Gun. Tuloy-tuloy lamang ito sa paghila kay Harold at nakatingin lamang sa nilalakaran.
"Oy!" pasigaw na sabi ni Harold. Hindi muli nagsalita si Gun.
Napabuntong-hininga na lamang si Harold at nagpaubaya na lamang na hilahin siya nito sa kung saan mang lugar.
Sa paglalakad nila, napansin niyang papunta sila ngayon sa rooftop ng kumpanya. Wala talaga siyang ka-ide-ideya sa kung anong gagawin ngayon ni Gun at kung anong gagawin nila. Pinagti-tripan ba siya nito?
Nang makaakyat na sila ng hagdan at nasa tapat na sila ng pintuan ng rooftop, napatingin si Gun kay Harold. Ngumiti ito na lalong ipinagtaka ni Harold.
"Ano na naman bang trip ito..."
Napatigil sa pagsasalita si Harold ng buksan ni Gun ang pintuan ng rooftop at hinila siya papasok doon. Halos manlaki ang mga mata niya ng makita ang halos lahat ng empleyado ng kumpanya, pati ang mommy niya at si Kiel ay nandun din at nakatayo na nakatingin sa kanya ng may ngiti sa labi. Naka-formation pa ang mga ito na akala mo'y nasa choral competition sila.
"HAPPY BIRTHDAY!!!!!" sigaw ng lahat sabay laglag mula sa taas ng isang malaking tarpaulin na may nakasulat na Happy Birthday Harold.
Gulat na gulat talaga si Harold. Hindi niya talaga ito inaasahan.
"Birthday ko?" wala sa sariling saad ni Harold habang tulalang nakatayo sa tabi ni Gun na pangiti-ngiti.
Bumalik lamang sa realidad si Harold ng maramdaman niyang may yumakap sa kanya. Napatingin siya dito. Si Kiel na nakangiting nakatingin rin sa kanya.
"Happy Birthday Daddy..." sabi ni Kiel sabay hinigpitan pa ang yakap nito sa kanyang bewang. Humiwalay rin ito kaagad ng yakap sa ama.
Napangiti kahit na hindi pa rin nawawala kay Harold ang gulat. Napatingin siya kay Gun.
"Ikaw kasi... Masyado kang busy kaya pati araw ng kapanganakan mo, nakalimutan mo na..." nangingiting sabi ni Gun. "Mabuti na lang at ako tandang-tanda ko pa kung kailan ipinanganak ang taong makakasama ko habambuhay..." bulong na sabi pa nito kay Harold sabay bigay ng isang pamatay na ngiti.
Napaiwas ng tingin si Harold kay Gun. Gusto niyang maiyak ngayon dahil sa saya sa sorpresang ito para sa kanya.
Napalibot ng tingin si Harold sa buong lugar. Punong-puno ng mga nakasabit na... ballpen sa paligid. Nagkasalubong ang magkabila niyang kilay at nangunot ang kanyang noo dahil parang pamilyar sa kanya ang mga ballpen na nagkalat sa paligid. Parang ito iyong ballpen na hiniram sa kanya noon ni Gun nung high school sila na hindi na nito ibinalik sa kanya. Pero nagtataka lamang siya kung bakit dumami ito? Ah wag na nga lang niyang pansinin. Muli siyang napatingin kay Gun na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015
Ficción GeneralTHE BROKEN MAN'S GAME BOOK 2: WHEN I SEE YOU AGAIN NOTE: READ THE BROKEN MAN'S GAME (BOOK 1) FIRST BEFORE READING THIS... THANKS! DON'T FORGET TO FOLLOW, VOTE AND COMMENT... DATE STARTED: JULY 25,2015 (SATURDAY) DATE FINISHED: SEPTEMBER 12,2015 (SAT...