9

2.7K 93 0
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

SIYAM

Lumipas pa ang ilang linggo at ang tahimik at medyo boring na mundo ni Harold ay naging maingay at medyo... magulo na rin dahil sa pagdating ni Gun sa kanyang buhay.

Paanong hindi magiging maingay at magulo... Eh halos si Gun ang lagi niyang nakakasama at nakasunod sa kung saan man siya magpunta. Nangungulit sa kanya simula sa classroom hanggang sa cafeteria kung saan dati ay tahimik lamang siyang kumakain, nandun rin si Gun na walang tigil sa pangungulit talaga sa kanya.

Mula sa pinapanood nitong paboritong anime na Naruto na inaabangan lagi ang updates, pati na rin ang ginagawa nito sa bahay nila sa tuwing bored ito, lahat na yata ay naikwekwento sa kanya. Pakiramdam nga niya, naging human diary siya nito na lahat ng ginagawa ay sinasabi at siya naman, dakilang tagapagpakinig ng mga kwento nito. Kulang na nga lang na sabihin nito ay ang ginagawa nitong censored sa tuwing... at ang kulay ng suot nitong underwear.

Halos nakilala na rin niya si Gun dahil marami na rin itong naikwento sa kanya tungkol sa buhay nito. Pwede na nga niyang isulat sa makapal na bugkos ng papel at gawing libro ang kwentong buhay nito at pamamagatan niyang 'Ang Talambuhay ni Kulit at Pasaway'.

Nakita rin ni Harold ang mga pag-uugali nito. Pasaway lalo na sa loob ng classroom, makulit, makwento, palabiro kahit na ang pinaka-corny-ing jokes sa mundo, sinasabi sa kanya... at ang iba nitong pag-uugali na minsan, kinaiilangan niya. Napakasweet nito, 'yung tipong lagi itong may baon na berry knots para ibigay sa kanya. Maaalahanin, 'yung tipong mawala ka lang sandali sa paningin niya sa kadahilanang naiihi ka at pupunta ka ng banyo, pagkatapos mong umihi at pagkalabas ng banyo ay sasalubong siya sayo at sisigaw ng 'San ka nagpunta? Bakit di ka nagpapaalam sa akin?' Ganun. Minsan nga, naiinis na siya pero wala naman siyang magagawa. Bestfriend na nga niya ito kahit hindi naman niya gusto. Siguro, tatanggapin na lamang niya na ganito talaga ang mga pag-uugali ni Gun.

Nalaman rin niya na ito ang tinaguriang 'Most Wanted Playboy ng Campus' at napatunayan na rin niya iyon ng minsang makita niya na nakikipagmake-out ito sa isa sa mga campus queen sa loob pa mismo ng boys cr. Wala namang kaso sa kanya iyon. Ganun si Gun eh pero minsan ay nasabihan na rin niya ito na huwag maglaro pagdating sa pag-ibig dahil hindi lahat ng larong ginagawa natin ay nakakapagpasaya... Minsan, nagdudulot ito ng sakit at pighati sa pakiramdam ng iba.

Aminado naman si Harold na sa ilang linggo na pagsasama nila ni Gun bilang magkaibigan, kahit papaano'y naging masaya siya. Napapangiti siya nito sa mga kakulitang ginagawa. Magaan sa loob kasama si Gun. Minsan na rin niya itong nasabihan ng mga minor problems niya, wala pa naman kasi siyang major problems na kinaharap ng mga panahong iyon. All he can say is, Gun is a true bestfriend, he think.

Kasalukuyang naka-indian sit si Harold sa damuhan habang busy-ing-busy na binabasa ang librong hawak-hawak niya at hinhintay rin niya si Gun na pumunta ng cafeteria para bumili ng makakain. Nasa garden siya ngayon. Maraming halaman, bulaklak at puno na rin kaya presko sa lugar na ito. Dagdagan pa na madalang lang itong puntahan ng mga estudyanteng ang hilig ay magpapansin dahil doon sila sa cafeteria naghahasik ng lagim. Kaya napakatahimik ng lugar na ito.

Inayos ni Harold ang suot na salamin at patuloy pa ring nagbabasa. Para itong tanga na napapangiti at animo'y kinikilig sa binabasa. Hindi talaga nito mamamalayan kung may paparating ng tao sa tabi niya kasi inilagay nito ang mundo sa binabasa.

"BULAGA!!!!!"

"AY PUTAPETE..." gulat na sigaw ni Harold ng marinig ang pambubulaga sa kanya. Sa gulat nga ay naihagis niya sa kung saan ang librong hawak.

Galit na tumingin si Harold kay Gun na tumatawang nakatingin sa kanya. Nakatayo ito sa tabi niya. Ito kasi iyong nanggulat.

"Bakit ka ba nanggugulat?" galit na anas nito.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon