6

3.2K 101 3
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

ANIM

Umaalingawngaw sa buong lugar ang tunog ng isang makabagong awitin na nagbibigay buhay sa lahat. Patay sindi ang iba't-ibang kulay na mga ilaw na nagbibigay ng kaunting liwanag sa medyo may kadilimang lugar. Nagsasayawan sa saliw ng awitin ang mga taong naroon sa loob ng lugar na iyon.

Nasa bar ngayon si Harold. Nakatayo sa tapat ng bar counter habang iniinom ang inorder niyang alak na nakalagay sa shot glass. Nakatalikod ito sa mga taong naroon sa dance floor at nagsasayawan dahil hindi naman niya gustong manuod sa mga ito. Pumunta lang siya dito sa bar na ito para mag-unwind. Dapat nga ay isasama niya si Henry kaso ay may date ito kasama ang girlfriend kaya alone siya.

Hindi gay bar ang pinasukang bar ni Harold. Straight bar ito kaya magkahalong babae at lalaki ang mga narito.

Iinumin na sana ni Harold ang alak na nasa baso ng bigla na lamang may humila sa kanyang kaliwang braso dahilan para mabitawan niya ang baso. Napaharap siya sa taong humila ng braso niya at halos madikit ang kamay at katawan niya sa katawan nito dahil sa tindi ng pag-ikot at paghila sa kanya. Nagkatitigan sila sa mga mata ng... lalaking humila sa kanya. May pagkakulay brown ang mga mata nito at parang kilala siya dahil sa klase ng tingin nito sa kanya. At nagulat na lamang siya ng bigla nitong ipinalupot ang kaliwang braso sa kanyang bewang, inilapit ang mukha nito sa kanya kaya naaamoy na niya ang mabango nitong hininga at pamaya-maya ay idinampi na nito ang labi sa kanyang labi.

Halos manigas si Harold sa kanyang kinatatayuan. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakadampi pa rin ang labi ng lalaking humahalik sa kanya. Para siyang tuod at hindi makagalaw. Magkahalong kaba at nerbiyos ang kanyang nararamdaman.

Malambot ang labi ng lalaki. Hindi niya iyon maikakaila. Gusto nga sana niyang pumikit para kahit papaano'y damhin ang init ng labi nito kahit na nakadampi lang pero hindi niya ginawa. Hindi naman niya ito kilala kaya nga nagtataka siya kung bakit hindi pa rin siya humihiwalay rito.

Nahiwalay lang sa kanya sa paghalik sa labi niya ang lalaki ng may biglang humila sa kanang balikat nito. Napaharap ang lalaki sa isang babaeng galit na galit at isang malakas na sampal sa kanang pisngi ang ibinigay nito doon sa lalaki.

"YOU ASSH*LE!!!!! PATI BA NAMAN LALAKI PINATULAN MONG PLAYBOY KA!!!!" malakas na sigaw ng babae sa lalaki na talagang galit na galit ang itsura. Namumula na nga eh. Kahit na malakas ang tugtog na nanggagaling sa stereo ng bar ay mas malakas pa rin ang sigaw ng babae kaya halos narinig rin ng lahat ng mga taong naroon ang mga sinabi nito. Maganda ang babae at sexy. Hindi pa nakuntento at sinampal pa nito ang lalaki sa kaliwang pisngi. Ang sakit nun kasi halos tumabingi ang mukha ng lalaki sa tindi ng sampal nung babae.

Doon napagmasdan ng mabuti ni Harold ang itsura ng lalaki. Hindi pa naman siya ganun kalasing para maging malabo ang kanyang mga paningin at hindi malaman ang ginagawa.

Matangkad ang lalaki. Matipuno ang pangangatawan na hubog sa suot nitong plain red na polo na bukas pa ang first three buttons kaya lumilitaw ang maumbok na dibdib nito. Gwapo at makinis ang perfect proportioned na hugis ng mukha ng lalaki. Clean-cut ang style na gupit ng buhok. Makapal ang magkabilang kilay, may pagkasingkit ang mga mata. May papatubong bigote at balbas. Mapula ang may kanipisan nitong labi. Kalokalike nga ni Sam Milby ('yung version ngayon na hot). Mestiso ito. Hapit na hapit sa suot nitong pantalon ang magandang hubog ng hita at binti nito. Nakasuot ito ng rubber shoes na kulay black na ang tatak ay nike.(nakita kasi ni Harold na may logo ng nike 'yung sapatos.) Talagang sinipat ni Harold mabuti ang kabuuan ng lalaki at bahagya siyang natulala rito.

"BREAK NA TAYO!!!!" sigaw muli ng babae sa lalaki. Bumalik naman sa sarili si Harold at napatingin sa babae. Tiningnan rin nito si Harold ng masama bago umalis kasama ang mga babae kasama nito. Mga kaibigan yata. Hindi na lamang pinansin ni Harold ang galit na tingin sa kanya kanina ng babae kasi wala naman siyang naging kasalanan rito. Ang lalaking humalik sa kanya ang may kasalanan.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon