35

1.7K 63 1
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

TATLUMPU'T LIMA

Nakaupo sa kanyang swivel chair na nasa loob ng opisina si Harold habang abala na binabasa ang mga pipirmahang dokumento na kanyang hawak-hawak kanina pa.

Kaagad na napatigil sa pagbabasa at napatingala at napatingin si Harold ng biglang may nagpatong nang kung ano sa kanyang mesa. Nakita niya si Gun na nakangiting nakatingin sa kanya.

"G-Gun?" pagtatakang pagbanggit nito sa pangalan ni Gun na nasa harapan ng office desk niya ngayon.

"Miss me?" tanong nito.

Napaiwas ng tingin si Harold. Napunta ang tingin nito sa isang transparent plastic na bigla nitong ipinatong kanina sa kanyang mesa. Nakita niyang naglalaman iyon ng tatlong kahon ng kung ano mang nilalaman nun.

"Mukhang nangangayayat ka huh... Sabi ko naman kasi sayo huwag mo akong masyadong isipin di ba? Tsk! Tsk!" sabi ni Gun na nagpatingin muli kay Harold sa kanya.

"Ikaw? Iniisip ko?" tanong ni Harold. Ipinatong muna nito sa mesa niya ang mga hawak na dokumento.

Nagulat na lamang si Harold ng biglang lumapit sa kanya ng todo si Gun at kinurot ang kanyang ilong.

"Aray..." daing ni Harold.

"Ikaw talaga... Itatanggi mo pa kasing hindi mo ako iniisip eh... Ako nga... kahit kailan, hindi ko naitanggi sa kahit sino na lagi kitang iniisip araw-araw... gabi-gabi... minu-minuto... segu-segundo..." sabi kaagad ni Gun na lumayo na pagkatapos kurutin sa ilong si Harold. Napapangiti habang nakatingin kay Harold.

"Yabang ka rin eh noh... Sa dami kong pwedeng isipin ikaw pa talaga huh..." sabi ni Harold habang hinihimas ang ilong niya na kinurot ni Gun. Lihim pa siyang kinikilig sa mga huling salitang sinabi ni Gun. Itinatago niya lamang rito ang kilig na naramdaman.

Napa-pout ng labi si Gun. Pagkatapos ay naupo ito sa kanang upuan na nasa tapat ng mesa ni Harold. Kinuha nito ang plastic bag na dala at isa-isang tinanggal mula sa loob nun ang mga laman na kahon.

"Oh ito... Kumain ka muna... Mga matatamis na donuts ito... Gaya ko, kasing tamis ko 'yan..." sabi ni Gun na may pataas-baba-taas-baba pa ng magkabilang kilay habang inaayos naman sa mesa ang mga dala nito.

Napatingin si Harold kay Gun. Bahagyang napangiti.

Iniabot ni Gun ang isang kahon ng donut kay Harold. "Oh... Ito ang sayo... I'm sure hindi lang tiyan mo ang mabubusog diyan..." sabi ni Gun.

Kinuha naman ni Harold mula sa kamay ni Gun ang kahon na ibinibigay nito. Inilapag sa mesa at sandaling tiningnan.

"Oh ano? Titingnan mo lang ba iyan? Buksan mo na at kumain ka na..." sabi ni Gun.

Napatango na lamang si Harold at dahan-dahan ng binuksan ang kahon.

Bahagya pa itong nagulat at nagsalubong ang magkabilang kilay at nangunot ang noo ng makitang hindi lamang ordinaryong donuts ang laman ng kahon. Nakita niya na walang butas ang mga donuts na iba't-iba ang kulay at flavor at sa bawat donuts, may nakalagay na mga letra na bumubuo sa salitang My Forever.

"Ano na namang pakulo ito huh Gun?" tanong ni Harold na ang tingin ay nasa donuts pa rin.

"Hindi 'yan pakulo... Surprise 'yan..." sabi ni Gun na pangiti-ngiti pa.

Napatingin si Harold kay Gun. Pamaya-maya ay napabuntong-hininga ito.

"Usong-uso sa panahon ngayon na pag-usapan ang salitang forever... Kung ikaw ang tatanungin ko Harold... Naniniwala ka ba sa forever?" tanong ni Gun.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon