Chapter 3

63 13 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit nadadamay ako lagi sa mga Love Problem nila, na ako mismo ay walang Love Problem at puro Problem lang. Isa sa mga problem ko ay ang Love Problem ng kapatid kong si Zaito. Close kami ng kuya ko nung bata pa kami pero habang lumalaki nawawala yung closeness namin, pero nag-uusapnaman kami, pero tamang usap lang. Matagal ko nang kaibigan si Evelyn, mas nauna ko syang nakilala bago pa nya nakilala ang kapatid ko. Minsan lang magpakilala si Zaito ng girlfriend nya sa magulang namin. Kaya minsang nagdala sya ng babae sa bahay. Laking gulat ko na ang kaibigan kong si Evelyn ang kasama nya:

"Ma! Si Evelyn! Girlfriend ko!" pakilala ni Zaito.

"Good Evening po!" pagbati ni Evelyn.

"Okay!" maikling sagot ni mama.

Ayos din tong nanay namin eh. Lakas maka-pamahiya. Kaya lang siguro sya ganun, dahil ayaw pa nya mag-asawa yung kapatid ko. Saksi ako sa pagmamahalan ni Zaito at Evelyn. Mula umpisa naging masaya sila. Pero medyo nagkaroon ng problema ang kanilang relasyon noong umalis ng pilipinas si Evelyn at magtatrabaho na sa ibang bansa. Pero lagi silang magka-skype at laging magka-usap sa telepono.

"Balita ko may babae ka dyan ha!" tanong ni Evelyn na nasa Amerika.

"Wala no! Ikaw lang babae ko!" mahinang sagot ni Zaito.

"Huwag mo konh lokohin. Nakikita ng kapatid ko dyan na may iba kang kasamang babae!" galit na sinabi ni Evelyn.

"Hindi! Wala talaga!" sabi ni Zaito.

Doon nagsimula ang kanilang pagtatalo at tuluyang nagkahiwalau. Totoong may babae talaga ang kapatod ko. Madaming nakaka-kita at nakakarating ito kay Evelyn. Hindi ko alam sa kapatid ko kung bakiy nagloko. Close na sa pamilya namin si Evelyn at pamilya na din ang turing namin sa kanya. Sobrang nag-sisi ang kapatidbko at pilit pa din nyang sinusuyo si Evelyn. Dahil na-block na sya sa Facebook ni Evelyn, ako nalang ang Friend nya sa Facebook at doon na humingi ng tulong ang kapatid ko sa akin.

"Tulungan mo naman ako ay Evelyn!" sabi ng kapatid ko sa akin.

"Bakit anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

Nakwento naman nya ang lahat at tinulungan ko naman sya. Hindi ko inaasahan na sa lovelife pa kami ulit makakapag-kwentuhan ng ganung katagal. Feeling ko tuloy naging close kami uliy dahil kay Evelyn. Ginawa ko ang lahat. Lahat ng magagandang bagay at lahat ng totoo sinabi ko kay Evelyn para naman madagdagan ang pogi points ng kapatid ko. Nagtagumpay naman ako at tuluyan silang nagkabalikan.

Nagsimula na ulit silang mag-skype  at magtawagan sa isa't isa. Hanggang sa isang araw, Birthday ng Kapatid kong si Zaito at naghanda sya sa bahay.

Eksena:
Nag-iinuman sila sa labas ng bahay. Ang saya-saya nila! Tawanan at kantahan. Habang nagkakasiyahan sila. Simisilip ako sa Bintana. Medyo naduling nga ako kasi baka makita nila ko.

May dala lang naman silang nababae, okay lang naman pero ang masama tig iisa sila at magkakapartner, pagkatapos kong ayusin ang relasyon nila ni Evelyn. Biglang nagpunta ang kapatod ni Evelyn at may dala pang cake. Kaya hindi na nagtatabi ang kapatid ko at ang dala nyang babae pero nakakahalata na ang Kapatid ni Evelyn. Simula noon ay naghiwalay na talaga sila Zaito at Evelyn ng tuluyan at hindi na sya binalikan ulit. Sobra akong naghihinayang sa lahat ng nangyari. Pero anong magagawa ko pa? Pasaway talaga ang kapatid ko. Masya na si Evelyn sa lovelife nya sa Amerika ngayon at itong kapatid ko ay nagsisimula na naman sa lovelife nya ngayon.

P.S.
Sinadya kong igsian yung kwento nila. Baka mabasa nila eh. Haha

"Maging Loyal sa partner para ang life ay maging Lovely!"

Buti ka pa may Love Problem, Ako Problem lang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon