Chapter 7

50 12 0
                                    

Mas lalong lumaki ang papulasyon ng aking mga kaibigan. Mas lalong dumami ito noong nagsimula na akong magkatrabaho sa isang malaking kumpanya. Kung saan iba-ibang tao ang nakilala ko. Iba't ibang ugali, iba't ibang pananaw sa buhay. Mas naramdaman ko dito ang "PROBLEM kong walang LOVE". Naging biglaang love adviser na yata ako ng mga kaibigan ko, na ako mismo ay walang love problem. Pero nagtataka ako, dahil nabibigyan ko naman sila ng magandang opinyon. Hindi ko din alam kung saan ko nahuhugot ang mga ganun. Basta ako corcern lang ako sa mga kaibiga ko natu love na love ko.

Simulan na natin agad ang love problem ni Rolie. Babae si Rolie at hindi lalaki, mas lalaong hindi mukhang lalaki. Ako na ang naging mitya ng pagmamahalan nila ni Ronel. Hindi ko masyado kilala si Ronel kaya hindi ko alam ang past relationship nya. Pero si Rolie nakwentuhan nya ko tungkol sa buhay nya. Nagka-anak sya sa dati nyang boyfriend at iniwan sya. Ganun kabilis ang pagkwento nya, iniwan agad agad sya. Wala na syang mga magulang at ang anak nya ay pinapalaki ng tita nya sa probinsya. Bago palang kami ni Rolie sa trabaho at hindi pa namin kilala ang lahat. Kaya nung medyo nagkaka-alam na kami may isang lalaking nagpasulyap ng kanyang mga mata. Matangkad at malakas daw ang dating, sya si Ronel.

"Grabe! Ang tangkad nya!" kinikilig na sinabi ni Rolie.

"Sino? Si Dingdong Dantes?" biro ko kay Rolie na literal na dumaan talaga sa harap namin si Dingdong.

"Hindi si Dingdong! Si Ronel!" pagtanggi ni Rolie.

"Talagang mas napansin mo sya kes kay Dingdong ha!?!? Nahiya naman si Dingdong sayo!" sabi ko sa kanya.

"Basta! Bigyan natin sya ng code name! Para hindi halatang sya yung crush ko!" sabi ni Rolie.

"Ano to? Penpal Charade? May paganyan ganyan ka pa! Anong code name naman gusto mo sa kanya aber?!?" tanong ko kay Rolie.

"Itago nalang natin sya sa pangalang SuperMan! Kasi ang laki nya!" kinikilig natu sinabi ni rolie.

Doon ko sinimulan kausapin si Superman at ginawa talaga nila kong kartero.

"Hoy! Superman! Este Ronel may sulat sayo galing Amerika! Joke!" inabot ko ang sulat kay Ronel.

"Kanino galing?" tanong ni Ronel.

"Kanino pa? Edi kay Wonder Woman! Este kay Rolie pala!" pabirong sagot ko kay Ronel.

"Hi!" Yan lang pala ang nakasulat sa papel. Pasulat sulat pang nalalaman. Pinahirapan pa kong maglakad. Doon nagsimula ang kanilang sulatan, titigan at tuluyan ng naging sila. Late ko na ng nalaman na may asawa't anak na si Ronel. Alam na din pala ito ni Rolie pero patuloy pa din ang kanilang relasyon. Madaming issue ang kanilang relasyon, madaming tsismis sa kanila, hindi lang dahil  pumapatol si Rolie sa may asawa, dahil kahit saang sulok sila ng pinagtatrabahuan namin ay nagtutukaan sila. Matagal ang naging relasyon nila. Dahil na din sa pagtatago nila at pagtatakpan ng mga kaibigan nila, umabot sila ng apat na taon
na walang kaalam-alam ang asawa ni Ronel. Pero dahil walang lihim na hindi nabubunyag. Unti-unti na palang pinapasa sa asawa ni Ronel ang mga picture nilang magkasama.

Meron nakaalitang katrabaho si Rolie na babae, si Sunny. Malalim ang dahilan ng kanilang alitan. Kaya si Sunny ang naging dahilan kaya ang matagal ng panahon na pagtatago ay ngayon lang nalaman ng asawa ni Ronel na meron syang kabet sa trabaho. Kaya simula ng malaman ng asawa ni Ronel na may kabet sya ay hindi na nya pinatahimik si Rolie, lahat ng pagbabanta ginawa na ng asawa ni Ronel. Hindi naman natin masisisi ang asawa ni Ronel, dahil ikaw ba naman agawan ng asawa ng may asawa. Nakaka-awa ang mga nangyayari kay Roie pero kasalanan din naman nya ang nangyari.

Kami nila Yam at Rj ang tinakbuhan ni rolie sa Love Problem nya.

"Ano ba dapat ang gawin ko?" malungkot na tanong ni Rolie.

"Gantihan mo kaya! Wag mong hayaang kung ano-anong masasakit na sinasabi sayo!" galit na sinabi ni Yam.

"Hayaan mo nalang sya! Si Ronel ang sisihin mo! Tignan mo nga! Hindi ka man lang nya maipagtanggol ngayon!" sagot ko kay Rolie.

"Naku Rolie! Hiwalayan mo na kasi!" sabi ni Yam.

"Oo! Hihiwalayan ko na! Lalo pa't wala syang naitutulong sa akin!" sagot sa amin ni Rolie.

"Tara na! Alas tres na ng madaling araw!" pagyayang umuwi ni Rj sa amin.

Pero sa kadulu-duluhan ng usapan ay hindi naman sa amin nakinig si Rolie. Sayang lang ang pag-uusap naming lahat na umabot pa ng alas tres ng madaling araw. Dahil patuloy at lihim pa din silang nagkikita at magkarekasyon, kahit naninira na sya ng relasyon at patuloy na ginugulo ang buhay.

Hanggang ngayon ay humihingi pa rin sa akin ng tulong si Rolie pero hindi naman sya nakikinig kahit anong sabihi mong ikakabuti nya, kaya ayoko ng problemahin ang kayang love problem, kung hindi rin naman nya kayang gawin.

"Huwag kumapit sa kabit kung ayaw mong patalim ang lumapit!"

Para sayo yan Ronel!

Buti ka pa may Love Problem, Ako Problem lang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon