Lahat nalang ng problema ko sa problem kong walang love napagdiskitahan ko na. Pati kasi yung mga coupon napagtripan ko na din. Ayos kasi tong mga coupon na pinamimigay at binibigay sa akin. Kung hindi Buy 1 Take 1, Good for 2, meron pang Bring Loveone less 50%. Sino ba naman ang hindi mababadtrip nun? Mas lalong pinagdidiinan na mag-isa ako at lalo kong naramdaman na alone ako. Kapag yayayain ko mga friends ko, kung hindi busy wala sila sa bahay. Yung mga kapatid ko busy din sa school at trabaho. Kaya kapag ginagamit ko yung Buy 1 Take 1 na drinks, lusaw na yungbisa bago ko pa mainom. Kaya minsang pumasok ako sa isang restaurant.
"Sir! Ilan po kayo?" tanong ng receptionist.
Nakita naman nyang mag-isa ako. Tatanungin pa kung may kasama ako. Ipamukha ba na alone "ako"! Gusto ko sanang isagot sa receptionist.
"Sumama ka na para dalawa tayo! Baka nagugutom ka? Nakakahiya naman sayo!"
Nakakabadtrip din yung mga coffee shop, dyan na nga lang ang tambayan ko binibwisit pa ako. Wala akong makitang pwesto na isa lang ang upuan. Lagi nalang may katapat na upuan. Ewan ko ba! Sinasadya yata ng panahon ito o talagang problema ko lanh na wala kong makasama. Buti nalang nauso ang wifi at lagi sya ang kasama ko sa mga oras na ako'y nag-iisa.
"Buti pa ang WiFi lagi kaming connected sa isa't isa."
Buti nalang nauso ang wifi talaga, para kunwari may pinagkaka-abalahan ako. Pero minsang busy ako mag-internet at habang umiinom ng paborito kong Frappe. May lumapit sa akin. Feeling ko ng mga oras na yun ay may makakasama na ako.
"Kuya! May nakaupi po dito?" tanong sa akin.
"Wala po!" sagot ko naman.
"Pwede pong mahiram yung upuan? Thank you po!" sabi sa akin.
Sa isip-isip ko lang. Meron ka bang nakikita na hindi ko nakikita? Nakita na ngang walanggm naka-upo, tatanungin pa kung may naka-upo. Nakakabadtrip lang! Upuan na nga lang katabi ko, nawala pa! Wala na ba kong karapatang may makasama. Tulungan nyo na kaya ko sa problem kong walang love. Tinulungan ko naman kayo eh!
BINABASA MO ANG
Buti ka pa may Love Problem, Ako Problem lang!
RandomAng magpapabago sa mga taong may karelasyon at sa mga taong walang karelasyon at sa mga taong problemado lang.