Dahil hindi ko na kaya at nangangamba na ko sa problema kong walang love. Meron nagsabi sakin, huwag daw ako mawalan ng pag-asa na magkalove-life. Magdasal daw ako para maglove-life, humiling daw ako para magkalove-life at mangarap daw ako na magkalove-life pero huwag ko daw hintayin na hanggang hintay na lang ang pagkakaroon ko ng lovelife. Ang dami mo namang nasabi, ano? Papatay na ba ko ng tao para magkalove-life na?
Meron pa nga nagsabi, yung pagiging single daw ay "Choice" ng isang tao. Ang sagot ko sa kanya:
"Hindi ko choice ang pagiging single! Wala talaga eh! Meron ka ba dyan? Share mo naman para matuwa pa ko sayo!"
May sinabi din sa akin, "Kung kapalaran mong maging single, wala tayong magagawa dyan!". Sinagot ko sya:
"Siguro nga hindi kapalaran ko ang maging single. Pero sa tingin ko kapalaran mo din yatang hindi na tumagal sa mundong ito. Bugbugin kaya kita! Lalo mo pa kong pinahirapan!"
Makukulit din itong mga kaibigan ko. Meron pa ngang nagsabi sa akin "Hindi naman status ang single. Ibig sabihin lang ng pagiging single ay katapagan, matapang kang harapin ang mundo ng mag-isa, kahit walang iba!" Wow! Hugot pa more! Ang matindi kong sagot sa kanya:
"Oo nga eh! Tama ka! Dahil sa pagiging single ko tumapang ako! Gusto ko nga ng away ngayon eh! Nasaan na ba yang mundo? Hahamunin ko ng away!"
May nagsabi din sa akin na wag daw hanapin ang love kusang dadating daw sayo. Alam mo kung anong sagot ko?
"Anong petsa na? Kelan pa ba dadating? Yung batang sixteen years old kotang kota na sa dami ng naging syota! Ako ngang twentyfive years old na wala pa rin! Kung kinakailangan kong hanapin ang love na yan hahanapin ko na agad agad! Iba na ang naninigurado! Baka makuha pa ng iba!"
Ako lang kaya ang nangangamba sa problem kong walang love? o kayo rin? Target ko sana ngayong 2015 na mabago ang status ko sa facebook. Kaso september na? Makakahabol pa ba ako? Ano bang feeling ng "in a relationship"? Kung wala talaga kahit "it's complicated" tatanggapin ko na! Maiba naman! Lahat gagawin ko magkalove-life lang this year. Kahit zombie na ang kaaway ko! Hindi ko uurungan. Kahit pagsama-samahin mo pa ang buong angkan mo sa clash of clans, di nyo ko matitibag! Kahit lahat ng hayop sa Pet Rescue, sasagipin ko magkalove-life lang ako.
"Ang medyas hindi magagamit kapag nag-iisa lang!"
Mukha ka namang tanga kung isang medyas lang ang suot mo habang naglalakad. Ibig sabihin may mga bagay na hindi mo kayang gawin kapag nag-iisa ka lang. Hugot pa more!
BINABASA MO ANG
Buti ka pa may Love Problem, Ako Problem lang!
RandomAng magpapabago sa mga taong may karelasyon at sa mga taong walang karelasyon at sa mga taong problemado lang.