Chapter 16

20 9 0
                                    

Akala nyo tapos na ko sa problem kong walang love? Hindi pa! Dahil pati ang Couple Shirt pinagdiskitahan ko na din. Hindi naman ako bitter sa mga nagsusuot ng couple shirt, pero parang ganun na din. Ang sweet nga tignan eh, ang cute din tignan depende sa nagsusuot, sa totoo lang nakakabadtrip! Meron ngang kapag nagdikit yung magsyota mabubuo yung shape na heart, eh kung punitin ko kaya yang couple shirt nyo tignan natin kung heart shape pa kalalabasan nyan. Nabwisit din ako sa isang couple shirt na meron pang arrow na nakaturo sa kanilang dalawa at nakasulat pa:

"Girlfriend ko-> at <- Boyfriend ko"

Gusto sanang sabihin sa kanilang dalawa. Gusto nyo ng microphone? Iannounce nyo pa kaya sa stage para malaman ng buong baranggay! Wala kaming pakialam kung magsyota kayo!

Isa pa sa nagpa-init ng ulo ko. Meron pang couple shirt na Mommy at Daddt na nakaprint, pero ang nagsusuot sixteen years old. Yung totoo? Ang aga nyo namang naging magulang, di pa nga kayo kinakasal. Meron pang nakalagay sa couple shirt nila yung number ng anniversary nila. Sa isip-isip ko lang! Yang number na yan na nakaprint sa shirt nyo, ganyan din kadami nagtaksil ang dyowa mo, eh 31 yung nakaprint! Ang dami! Haha

Ang pinaka nagpa-kulo talaga ng dugo ko ay yung nakita kong couple shirt na may nakaprint na mukha ng girlfriend nya at boyfriend nya ang may suot at ang mukha ng boyfriend nya ay nakaprint sa shirt ng girlfriend nya. Nakakawindang! Ang lakas ng loob nyong dalawa na ibandera ang picture nyo sa shirt. Akala nyo ang gaganda at ang gagwapo nyo. Edi kayong dalawa na ang totoong nagmamahalan! Maghihiwalay din naman kayo! Utang na loob itigil nyo na yan!

Bakit ba nauso pa yung couple shirt na yan? Kung maghihiwalay ba sila masusuot pa din nila yung shirt? Oh common! Sige na! Kayo na ang sweet sana langgamin kayo ng marami at mangati kayo ng tuluyan! Minsan tuloy naisip ko na bumili rin ng couple shirt para sabihin naman ng tindera sakin ang sweet ko sa syota ko. Pero hindi nya alam sabay kong susuotin yung couple shirt, wala naman kasing magsusuot ng isa. Kanino ko isusuot sa aso namin? Edi nagsyota pa ko ng hayop. Mas maganda nalang sunugin ko yung couple shirt para di na ko mabwisit.

Kung nauso ang couple shirt. Papauso ko naman ang SINGLE SHIRT. Para hindi naman unfair sa aming mga single. Gusto nyo kayo lang masaya eh. Tapos ang ilalagay kong caption:

"Di bale ng single, ready to flirt naman!"

Bili kayo ha! Ano pa bang maganda? Suggestion naman.

Pero hindi naman ako nag-aalala na single ako! dahil nangangamba na ako. Dahil tumatanda rin tayo! Ang hinihiling ko lang naman ay maexperience ang magka-in relationship, para bago sa status ko. Kahit experience lang po! Wag nyo ng ipagdamot!

Buti ka pa may Love Problem, Ako Problem lang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon