Chapter 13

29 10 0
                                    

Sa isip-isip ko lang! Bakit ba Love Problem ng iba ang pinoproblema ko? Bakit hindi ang sarili kong Love Problem. Ay mali! Problem lang pala dahil wala naman talaga kong Love life. Ako lang ba ang may problemang walang Love, pero love problem ang pinoproblema. Ang gulo! Bakit ba kasi ako single? Hindi ko din masagot! Problema na naman!

"Buti pa ang espresso may double shot! Ako Single pa din!"

Hindi ako choosy o pihikan. Yung totoo mas importante sa akin yung may mabuting kalooban walang halong kaplastikan, pero importante din sa akin ang taong may sense of humor, yung masaya lang walang badvibes. Napansin ko lang lahat ng kaibigan ko number one sa kalokohan, nasobrahan yata ang pagpili ko ng may sense of humor. Walang araw na magkakasama kami ay hindi kami pagtitinginan ng mga tao. Lagi kaming pinagtitinginan dahil sa ingay at guli namin. Minsan nahihiya na ako pero ano magagawa ko? Ako ang pasimuno!

Sa lahat ng kaibigan ko ako nalang talaga ang hindi pa nakaka-experience ng kahit na anong tungkol sa love. Kaya minsang tinanong ako.

"Wala ka pa ding nagiging dyowa?"

"Meron na! Pero hindi kami nagtagal, nakipaghiwalay na sya!" sagot ko.

Kunwari lang yun! Para hindi naman ako maging kawawa. Pero ang totoo LOVE is ZERO pa rin talaga ako. Kaya ngayong 25 years old na ko, nangangamba na ako, baka meron talagang forever. Forever Loveless! Share ko lang ng minsang Valentines day, habang naglalakad ako. Meron akong nakitang lalaki na may hawak na bulaklak at cake. Sa isip ko lang, kelan kaya ko makakabitbit ng ganun? Kahit taga abot nalang ako, pwede na! Atleast naranasan kong makahawak nun. Meron naman akong nakitang babaeng kilig na kilig habang inaabutan ng singsing ng kanyang kasintahan. Sa isip-isip ko lang, saksakin ko kaya tong babae, tignan natin kung kiligin pa sya. Ang harot kasi! Bitter na kung Bitter basta nakakabadtrip panoorin. Pero ang pinaka pinapangrap ko talagang gawin kapag nagkasyota ako ay ang makipila sa napakahabang pila sa motel. Nakakatawa at nakakadiring isipin pero gusto kong maexperience yun. Sabi nga ng kaibigan ko.

"Nakakalimang motel na kami hindi pa din kami makapagcheck-in, ang haba ng mga pila! Punuan!"

Kaya naisip ko kapag magkakabusiness ako motel nalang kasi mas pinipilahan pa kesa sa NFA Rice. Kahit yung makipila nalang sa motel ang maexperience ko, kahit walang kasama maexperience ko lang. Magmukha na akong tanga! Okay lang!

Isa pa sa mga pinoproblema ko kapag bumabyahe ako. Papasok ako sa trabaho at bus ang sinasakyan ko. Sobrang maluwag at madami pang pwedeng upuan, pero itong si kuya mas piniling tumayo sa tapat ng girlfriend nya, dahil hindi sila magkatabi s aupuan. Nakakabadtrip! Hindi dahil hindi ko mapanood ang palabas sa T.V. Kundi ang laki-laki ng girlfriend nya, hindi naman mananakaw ng snatcher ang dyowa nya sa kanya. Gusto ko na ngang sumigaw na:

"Kuya! Umupo ka nga! Ang dami pang upuan oh! Kung makabantay ka sa Girlfriend mo! Wagas! Tignan ko lang kung may babaeng nakahubad sa likod, malamang iwan mo yang girlfriend mo dyan!"

Nakakairita lang sila. Hindi nakakatuwa!

Isa pa sa gigil na gigil ako kapag nasa Mrt ako. Sobrang sikip at rush hour na. Minsang pagsakay ko, hindi ako makapasok pero kasya pa naman ako at nagmamadali din akong pumasok. Paano ba naman? May dalawang mag-syota na magkadikit at hindi mapaghiwalay kahit konting usog lang, kahit konti lang naman ang hinihiling ko para makasakay na din ako. Aba! Walang paki-alam at patuloy pa ring magkayak kahit ang dami ng taong naiipit dahit sa kalandian nila. Kung uusog lang sila magkakasya pa ako. Kaya ang ending, hindi ako nakasakay at hindi sana ako malelate kung umusog ang badtrip na magsyota na yun. First time yata nila magyakapan eh! Parang mga linta hindi naman mababango! Sa isip-isip ko lang.

"Hindi na aabutin sa motel tong dalawa! Para silang mga asong nagse-sex! Hindi mapaghiwalay! Pwe!"

Minsang pag-uwi ko naman ay Fx na ang sinakyan ko. May bumaba sa gitna ng Fx, apat ang kasya dito. May lalaki sa dulo at magsyota sa gitna at ako ang pang-apat. Natutulog ang magsyota sa gitna at hindi na ako magkasya, kaya nilakasan ko ang pagsara ng pinto para magkasya na ako. Nakakabadtrip din itong natutulog na magsyota na halos sumubsob na ang mukha ng lalaki sa pisngi ni Ate na nagpapabebeng matulog at ang kamay ni kuya na nakayakap sa likod ni Ate. Sikip na sikip na ako, pero hindi pa rin sila matinag. Hindi naman kama ang Fx para matulog silang dalawa ng ganun, kung makatulog yung dalawa kulang nalang unan at kumot nasa kwarto na silang magsyota. Dahil badtrip na badtrip ako sa bintana nalang ako ng Fx sumandal. Sa isip-isip ko lang.

"Buti pa tong bintana ng Fx pinaexperience akong may kasandalan! Bintana nalang kaya syotain ko!?"

Hindi naman ako nagagalit sa mga mag-syota na sweet na sweet. Ang sa akin lang, di lahat ng oras at lugar pwede nyong gawin yung mga bagay na nakakaabala sa iba. Oo na! Alam na naming magsyota kayo! Di nyo na kailangan ipalandakan sa akin! Bakit nga ba masyado akong apektado? Inggit lang? Hindi no! Concern lang! Hmp!

Buti ka pa may Love Problem, Ako Problem lang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon