Chapter 14

19 9 0
                                    

High Tech na ang mundo ngayon. Kahit itong bansa nating napapabilang sa third world country ay hindi na rin papahuli. Uso na din ang mga dating online, kung saan maghahanap ka ng mga gusto nyong makatuluyan. May mga nagtatagumpay at meron ding nabibigo. Saan kaya ako napabilang? Minsan ko na din itong sinubukan pero hindi rin ako nagtagal. Ang dami daming member na kasali dito pero kahit isa wala man lang nagtangka sa akin.

"Hello??? Kasali ako dito!! Hanapin nyo naman ako!"

Ano bang mali sa profile picture ko? Sa status ko? Sa caption ko? Kaya hindi ko na sinasyang ang oras ko sa dating online na yan at binaling ko nalang ang atensyon ko sa isang application sa isang cellphone. Ito yung pag-gawa ng mga photo video na may kasamang kanta at kung ano-ano pa! Para kayong gumawa ng sarili nyong music video. Nakakaadik ito lalo na kapag napag-aralan mo ito.

Minsang gumagawa ako ng video si Bert at Mila ang una kong ginawan. Pinakita ko sa kanila at nagandahan naman sila. Sobrang natuwa ako at sina Geline at Jc naman ang ginawan ko. Sobra pa rin akong naaliw kaya pati sina Rj at Ram ginawan ko ng video kahit na hindi naging sila, kinilig naman ang bakla. Kaya minsan wala kaming ginagawa sa trabaho ay pinapanood ko din ang video sa iba at gandang ganda naman sila. May mga nagpagawa pati boss ko naki-uso na rin. Habang isa-isa ko silang ginagawan ng video, napahinto ako at napa-isip.

"It's UNFAIR!!!!!!"

Habang sila ay kilig na kilig sa panonood ng mga videong ginagawa ko. Ako? Namomoblema sa Love na puro problem lang! How dare you guys! Ang sakit naman nun para sa part ko! Puro magkasintahan ang mga ginagawa kong video at thinking out loud pa ang background music tapos ako ang video ko ako lang mag-isa!?! Nasaan ang hustisya?!?! Meron pang Happy Anniversary, Happy Monthsary at kahit simpleng pampakilig lang pinagawa nyo pa sa akin. Pero ginusto ko naman iyon at dahil kaibigan ko kayo ay pinapatawad ko na kayo sa pang-iinggit sa akin

Dahil inggit na inggit ako. Syempre ginawan ko nalang din ang sarili ko. Pero yun lang walang kasama sa video pero ako lang. PERO OKAY LANG! MASAYA NA AKO DAHIL MASAYO KAYONG NAG-IIBIGAN! Big letters lahat para halatang inggit na talaga ko.

:(

Buti ka pa may Love Problem, Ako Problem lang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon