Isa din sa mga tropa ko si Marie. Si Marie na araw gabi tumatakas sa tabi. Close kami ni Marie, tropa din sya ni Janna, Kaila, Rose at Emong. Minsan pumupunta ako sa bahay nila at nagkwekwentuhan kami tungkol sa mga buhay-buhay. Alam ko lahat ng takbo ng kanyang pag-ibig. Matagal nang magkarelasyon si Marie at Jessie, parehas silang maganda at gwapo, masasabi na ding perfect match pero hindi yata magiging perfect kanilang match ng magsimulang magka-anak silang dalawa. Masaya naman silang nagsasama noong hindi pa nabubuntis si Marie. Pero nag-bago ang lahat ng iyon simula ng pinanganak nya ang una nilang anak ni Jessie.
"Jessie! Mahal na mahal kita! Magkaka-anak na tayo!" sabi ni Marie.
"Sorry Marie! Pero ayaw pa ng magulang ko. Ang bata pa daw natin." malungkot na sagot ni Jessie.
"Okay na naman sa magulang ko! Doon nalang tayo sa amin!" pagyaya ni Marie.
"Pero pag-aaralin pa daw ako ni mama!" sagot ni Jessie.
"Anong problema dun? Bakit kailangan mo kong hiwalayan?" umiiyak na tanong ni Marie.
"Basta ayoko na!" sabi ni Jessie at biglang umalis na.
Simula noon ang magulang ni Marie ang katuwang nya sa pagpapalaki ng anak nila ni Jessie. Simula noon natigil na din ang pag-aaral ni Marie. Tricycle driver ang tatay ni Marie at Office worker naman ang nanay nya.
1
Message
ReceivedInbox:
from: +639191234567 (Marie)
"Magsimba tayo Marie!"Linggo ng gabi sinundo ko na sa bahay nila si Marie. Nag-simba kami sa simbahang malapit lang sa amin. Dalawa lang kami dahil hindi pwede ang ibang barkada. Natapos na ang misa at nag-yaya na akong umuwi:
"Tara! Uwi na tayo!" pagyayako kay Marie.
"Wait lang! Samahan mo muna ko!" sabi ni Marie.
"Saan?"
"Basta sumunod ka lang!" sagot ni Marie.
Sumama ko kay Marie, dahil malapit na din daw ito sa lugar namin. Nagtataka ako dahil sa sobrang dilim kami na kalye dumaan.
"Hoy Marie! Ang dilim naman dito! Doon kaya tayo sa kalsada! Maliwanag doon! Madaming ilaw!" sigaw ko kay Marie.
"Hindi pwede! Shortcut to!" pagtanggi ni Marie.
"Shortcut!?! Eh! Mas malayo tong dinaanan natin eh! Ano to!? Longcut!?!" pagbiro ko kay Marie.
"Hindi nga pwede doon!" sabi ni Marie.
"Bakit nga?" tanong ko kay Marie.
"Makikita tayo ng Tatay ko!" sagot ni Marie.
"Oh? Ano naman? Mas maganda nga yun! Baka ihatid pa tayo ng tricycle nya!" sabi ko kay Marie.
"Basta sumunod ka lang!" sabi ni Marie.
"Ang daming aso Marie! Makakagat pa tayo sa ginagawa mo!" takot kong sinabi kay Marie.
"Kagatin mo dila mo! Wag kang tatakbo Zaido!!!" naglalakad na sinabi ni Marie.
Doon ko lang naintindihan ang lahat. Kaya pala ayaw nya sa kalsada dumaan dahil makikita sya ng tatay nya na tricycle driver na bumabyahe doon sa may kalsada. Kahit buwis buhay pa ang dadaanan nya gagawin nya ang lahat dahil doon pala kami pupunta sa bahay nila Jessie. Napaka harot din nitong si Marie kahit buhay na nya ang takataya gagawin ang lahat. Pag-ibig nga naman! Gumagawa pala ng paraan si Marie para makatakas sya sa bahay nila at di alam na kila Jessie pala sya pupunta at para hindi na sya tanungin kung saan pupunta. Kaya pala madalas syang nagyayaya magsimba, ang akala ko gisto na nya mag-madre sa halos araw-araw syang mag-yaya magsimba.
Nalusutan naman namin ang lahat ng panganib na nagbabadya sa aming pagpunta kila Jessie. Kaya pagdating sa bahay nila Jessie, pinapasok naman kami sa kanila at nagkwentuhan. Parang walang nangyaring masama sa kanilang dalawa, dahil nagtatawanan pa kami. Dahil sobrang gabi na, nauna na akong umuwi at si Jessie na daw ang maghahantid kay Marie. Linggo-Linggo na naming ginagawa iyon. Kumbaga kinunsintebko si Marie sa kaharutan nya. Kahit na buwis buhay ang dinadaanan namin at laging madaming asong naka-abang sa amin linggo-linggo ng gabi.
1
Message
Recieved
from (+639191234567)Marie"Zaido! Buntis ako!!!!"
"Anooooooo!?!?!?!"
message sentMedyo nakunsensya ako nun, dahil siguro sa pag-sama ko sa kanya linggo-linggo sa bahay nila Jessie kaya nakabuo ulit sila. Pangalawang anak na nila ito ni Jessie. At sa pangalawang pagkakataon ay naghiwalay na naman sila. Pero this time hindi na sila kailanman nag-kita ulit. Sana sa pangalawang pagkakataon ay matuto na si Marie at hindi na tumakas ulit, dahil sa pag-ibig. Para si Marie araw gabi meron pa ring panty.
"Sa una pwede pa! Sa Pangalawa? Hindi na!"
Para sayo yan Marie Osama!
BINABASA MO ANG
Buti ka pa may Love Problem, Ako Problem lang!
RandomAng magpapabago sa mga taong may karelasyon at sa mga taong walang karelasyon at sa mga taong problemado lang.