Chapter 2

68 13 0
                                    

Sa barkada namin hindi lang pala si Kaila ang problemado sa pag-ibig. May iniinda rin pala at nakikisabay din si Janna sa kanyang Love Problem. Syempre, dahil barkada ko sya, damay na naman ako sa mga Love Problem nya.

Nagkikita naman kami. Pero mas madalas kaming nakakapag-usap sa text o sa chat sa Facebook:

"Nahuli ko syang may ibang Facebook account!"
from Janna (+639391234567)

Reply:
"Baka naman nakalimutan yung dati nyang facebook account kaya gumawa ng bago?"
from Zaido (+639161234567)

"Hindi no! Kaka-update lang nya sa lumang account nya!"
from Janna (+639391234567)

"Natanong mo na ba sya kung sa kanya talaga yun?"
from Zaido (+639161234567)

"Oo! Syempre tatanggi yun! Bakit naman may gagaya sa kanya? Di naman sya famous at mas lalong di naman sya gwapo!
from Janna (+639391234567)

"Oh? Para saan yun?"
from Zaido (+639161234567)

"Para gamitin sa pambababae nya! Gumawa sya ng bagong account para sa katrabaho nya para di malaman na may asawa't anak na sya!"
from Janna (+639391234567)

"Anong gusto mong gawin natin?"
from Zaido (+639161234567)

"Kailangan mahuli ko sya!"
from Janna (+639391234567)

"Adik ka pala eh! Nahuli mo na nga! Huhulihin mo ulit?"
from Zaido (+639161234567)

"Eh! Ganun talaga! Para mas maganda ang bawat eksena!"
from Janna (+639391234567)

"Ikaw bahala! Balitaan mo nalang ako kung buhay ka pa!"
from Zaido (+639161234567)

Pagkatapos ng aming pag-uusap sa text. Nasimulan na din palang idelete ng asawa nyang si Luis ang bago nyang account sa Facebook. Medyo nangati lang pala si Luis kaya nya nagawa yun. Pero itong si Janna di pa rin makamove-on at panay ang yaya sa amin sa pag-iinom. Maayos na ang relasyon nilang mag-asawa at nang kanyang mga anak. Pero kung asawa nya na si Luis ay di napigilang mangati. Pati itong barkada kong si Janna di rin naiwasang mangati. Minsang nagfacebook ako:

"Aba! Si Janna nilike lahat ng status ni Christian na ex nya! At itong si Christoan flood likes din kay Janna! Mukhang may nabubuong di maganda. Aba.. Aba..." ito ang sinasabi ng sarili ko.

Bakit nga ba namoblema ako bigla nung nakita ko ang mga iyon? Ito na naman ang problema ko, ang love problem ng iba. Agad konh chinay si Janna. Nagkataon namang online sya:

Zaido is typing.....
"Hoy! Janna! Anong meron sa facebook mo? Like ng ex mo! tapos Like mo na din? Ano tong kalandian yan?"

Janna is typing.....
"Actually chinat pa nya ko! Kakakilig! Haha!"

Zaido is typing.....
"Wag kang mag-actually! Pang artista lang yun! Ang harot mo din eh noh!"

Janna is typing.....
"Anong masama sa chat? Magkaibigan naman kami eh!"

Zaido is typing.....
"Bahala ka! Gusto mo yan! Kakaayos nyo lang mag-asawa!"

Janna is typing.....
"Wala naman akong ginagawang masama! Ikaw naman!"

Zaido is typing.....
"Okay! Sabi mo yan! Edi wow!"

Janna sent you a smile :-)

Aba! Ewan ko ba kay Janna. Sobrang apektado nung yung asawa nya yung nagloko pero kapag sya yung may ginagawang kalokohan okay lang sa kanya. Hayaan na natin si Janna sa lovelife nya kung anong kakalabasan. Basta hindi ako nagkulang sa pagpapa-alala sa kanya. Sapalagay mo anong kalalabasan nito?

"Huwag magloko sa relasyon, kung ayaw mong maloka sa relasyon nyo!"

Para kay Janna Jalanis

Buti ka pa may Love Problem, Ako Problem lang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon