Chapter 19

22 6 0
                                    

Gagawin ko na ang lahat sa ngalan ng buwan magkaroon lang ng lovelife. Pati tuloy si Sailormoon na damay ko na. Sh*t kasi tong earth! Nangangarag na ko! Dahil hindi na dapat hintayin at kailangan ng hanapin. No choice na ako at kahit sino o kahit na ano idadamay ko na kahit pati iba't ibang apps, social media o kahit anong website pa yan gagamitin ko na.

Tulad ng facebook, syempre may sarili akong account na pang personal na para sa mga totoo kong friend nandoon lahat ng pamilya, kaibigan, katrabaho, classmate at madami pang iba. Kaya makikita nila kung anong kaganapan mo sa buhay. Dahil syempre kailangan magmukha akong virgin at magmukhang matino ako sa totoo kong facebook account at para hindi halatang sabik na ako magkalovelife. Boring! Hindi ako makapagharot kasi madami ang makakabasa. Dahil nga sa pangangailangan at totoong kailangan ko na ng lovelife. Gumawa ako ng isang account na tinuro lang sakin ng close friend ko. Tinatawag nya itong "PokPok Account" sa facebook. Ito yung malanding version account mo sa facebook na wala kang kakilalang friend. Kaya free na free kang lumandi. Pero kapag may nakakilala sayo dapat ready ka sa mga intriga. Sabihin mo,

"Poser ko lang yun!"

Edi sikat ka! Ikaw na! Ang tagal ko din ginamit ang pokpok account ko. Lahat na ng group na posibleng makahanap ako ng lovelife sinalihan ko na. Pati kung ano-anong page ni-like ko na rin pero wa-epek pa din! Walang kwenta ang pokpok account! Di effective sa akin!

Sinubukan ko din ang twittet, pero ito ang mas malala! Mas walang magandang kinalabasan. Dahil tatatlo lang ang followers ko at sino pa ang makakakita ng mga tweets ko? Kaming apat lang? Ang nakakatawa pa nun, nung tinignan ko kung sino ang mga followers ko. Puro kaibigan ko pa, edi wala talagang mangyayari nun. Gumawa rin ako ng account sa Instagram madami naman akong followers, pero hindi pa rin effective. Puro kaibigan ko lang din ang mga nagpafollow sa akin. Sinubukan kong magcomment sa ibang picture pero dedma sila.

Naghanap hanap ako sa cellphone ko na pwede kong magamit. Sa isang application naman na dinownload ko puro kalaswaan, kesa love ang makuha ko baka f*ck pa ang mahanap ko. Gumawa rin ako ng tumblr, naboring ako! Kasi walang pumapansin sa akin. Pati Pinterest, badoo, skype, facetime, wechat, kakaotalk, line at madami pang iba sinalihan ko na din, walang nangyari! Sana yung oras na ginugol ko sa paggawa ng mga hayop na account na yan, eh tinulog ko nalang! Nakapagpahinga pa ko! Hindi pa ako napuyat.

So what's next? Pasukin ang iba't ibang club at bar sa metro manila. College na ako nung unang sinubukan ko ang paggimik sa bar. Kaya hanggang ngayon sanay na ko. Ang dami ko ng napuntahang bar, iba't ibang lugar sa ermita, sa quezon avenue, sa timog, sa eastwood, sa metrowalk, sa pasay pati mga KTV Bar nasasama na din ako, may mga nagpapakilala, may mga kumukuha ng number. Kapag katext mo na! Ayun! Lasing lang pala, akala ko ayun na ang pagkakataon, hindi na naman pala!

"Saan ba makikita ang tunay na pag-ibig? Edi sa Puso mo!"

Buti ka pa may Love Problem, Ako Problem lang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon